*Third Person's P.O.V*
(A/N: Bakit third person narration ang ginagamit ko? Ayokong mag p.o.v si Josh. He knows a lot and it's not yet the right time to reveal everything. XD)
***
Maririnig sa buong silid ang mga hagulhol ni Bry. Kahit ang mismong mga magulang niya hirap siyang patahanin. Bakas sa mukha ng dalaga ang takot na nararamdaman.
Nakuyom ni Josh ang sariling kamao na nakatayo sa pintuan ng silid nito habang titingnan ang kawawang mukha ng dalaga. Galit na galit siya sa mga nangyayare. Sagad na sa buto ang ginagawa ni Arrianne. Inuubos na nito ang pasensya niya.
'Pasensyahan na lang tayo Arrianne, pero hindi ko na matitiis lahat ng ginagawa mo. Tatapusin ko na ito', nasabi niya sa sarili niya.
Tamang tama namang tumunog ang cp niya. Lumayo muna siya sa silid ng dalaga at tinungo ang balkonahe ng pamilya.
"Mike?"
(Josh magandang balita, nahanap ko na ang hinahanap ko dito. Ok na lahat dito Josh. Ano ng sunod na plano?)
Natuwa siya sa sinabi ng kaibigan. Sa wakas, hindi na makakapalag si Arrianne.
"Tapusin na natin toh, Mike. Sa mismong araw ng engagement party. Isisiwalat natin lahat ng baho ni Arrianne. Mahuhulog siya sa sarili niyang patibong."
(Ok Josh pabalik na rin ako diyan)
Matapos nilang makapag usap ng kaibigan ay muli siyang bumalik sa silid ni Bry. Nakatulog na dalaga nang makabalik siya.
"Hijo, ano ng balak mong gawin?", tanong ng ginang pagkaupong pagkaupo niya sa tabi ng natutulog na dalaga.
"Nakapagdesisyon na po ako tita, gagawin ko na ang dapat matagal ko ng ginawa"
"Pero hijo, paano ang daddy mo?", tanong naman ng ama ni Bry.
"Wag po kayong mag alala Tito, matagal ko na pong na resulba ang tungkol Kay dad. Nanahimik lang po ako para iparamdam Kay Arrianne na hawak niya pa rin ako sa leeg. Pero matatapos na lahat ng ito, tama na ang lahat ng pananakit niya kay Bry. Tatapusin ko na lahat ng ito, at sisiguraduhin kong matatalo siya sa sarili niyang laro".
Hindi na niya papalagpasin pa lahat ng ginawa ni Arrianne sa pamilya niya at sa babaing mahal niya. Kung sinira ni Arrianne ang buhay niya, sisirain din niya ang buhay nito.
"Hijo lagi mong tandaan na nandito lang kami ng asawa ko sa likod mo. Kung kailangan mo ng tulong, huwag kang mahihiyang lumapit samin", anang mommy ni Bry.
Napangiti siya sa sinabi ng ginang.
"Salamat po tita", sagot niya saka muling tiningnan si Bry.
'Huwag kang mag alala Bry, matatapos na lahat ng ito. Magiging malaya na rin tayo' ,anang isipan niya.
****
*Bry's P.O.V*
Hindi ko maimulat ang mga mata ko. Alam Kong mugto na ito sa kakaiyak ko kagabi.
Then all of a sudden, biglang bumalik sa alala ko ang lahat ng mga nangyare. Si Arrianne, niloko ako ni Arrianne.
Hindi ko naman sinasadya pero muling bumagsak ang mga luha ko. Ayoko ng umiiyak. Please naman mga luha, tama na!
*eeennnggggkkk!*
Napatingin ako sa pintuan. Si Josh, nandito siya.
"Bry? Bakit?"
Dali dali siyang lumapit sa akin at mabilis akong niyakap. Mas naiyak ako sa ginawa niya. Josh, bakit mo ginagawa lahat ng ito? Bakit mo ako pinagtatanggol? Ikakasal ka na Kay Arrianne, dapat siya ang kasama mo ngayon at hindi ako.
BINABASA MO ANG
Dear Diary (On Going)
Roman pour Adolescents(On Going) This book is full work of fiction, truly means that the Names, Places, Incidents are produce by the author's imagination. Ang anumang pagkakapareho sa tao, living or dead are actually coincidental!
