Chapter 12

370 80 0
                                        

*Third Person's P.O.V*

Tahimik na pinagmamasdan ni Josh ang maamong mukha ng babaing mahal niya habang mahimbing itong natutulog.
Matapos ang isang matinding araw para Kay Bry ay nakatulog na rin siya sa mga braso ni Josh.

Hindi naman maiwasan ni Josh ang hindi makaramdam ng matinding galit sa taong naging dahilan ng mga paghihirap ni Bry, si Arrianne.

Wala sa sariling nakuyom niya ang kanyang kamao. Pinapangako niya sa sarili niya na pagbabayarin niya si Arrianne. Kaunting panahon na lang at mangyayari rin yun.

Muli siyang napabuntong hininga at marahang hinaplos ang buhok ng dalaga. Nasa ganon siyang kalagayan ng biglang bumukas ang pintuan ng silid.

Pumasok mula dito ang mga magulang ni Bry. Napaayos siya ng upo at magalang na binati ang mag asawa. Ngumiti naman ang mga ito at binati rin siya pabalik. Ngayon alam na niya kung bakit lumaking napakabait ni Bry.

Nang makaupo ang mag asawa sa tabi ni Bry ay agad na nagsalita ang ina nito.

"Hijo, anong pangalan mo?".

"Josh po...Josh Fuentebella."

Bakas man sa mukha ng mag asawa ang sobrang kabaitan ay hindi pa rin maiwasan ni Josh ang hindi makaramdam ng kaba. Sa unang pagkakataon, nakilala rin niya ang magulang ng babaing minamahal niya.

"Josh, anong nangyare? Bakit may tumangka sa buhay ng anak ko? At sino ang may gawa nito? Sabihin mo samin ang lahat, Josh. Lahat na dapat naming malaman", wika ng ama ni Bry.

Ayaw ni Josh na magsinungaling sa mga magulang ni Bry, kaya sinabi niya ang lahat lahat ng dapat nitong malaman.

***

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ng ina ni Bry matapos nitong marinig ang buong kwento ni Josh. Hindi nito sukat akalain na ganong klaseng tao pala ang nasa likod ng lahat ng ito na Arrianne kung ipakilala ni Josh sa kanila.

"Ito rin ba ang dahilan kung bakit gabi gabi kang nagbabantay sa labas ng bahay?"

Nagulat si Josh sa naitanong ng ginang. Hindi niya alam kung paano nito nalamang gabi gabi siyang bumibisita sa bahay ng mga ito. Ang alam lang niya ay magnanakaw ang pag aakala ng mga ito na umaaligid sa bahay nila.

Napansin ng ginang ang pagtataka sa mukha ng binata Kaya muli itong nagsalita.

"Yung kotse mo sa labas. Agad kong nakilala ang kotse mo. Yan mismo ang kotseng lagi Kong nakikitang nakaparada sa labas ng bahay.", paliwanag ng ginang.

Doon lang napagtanto ni Josh ang lahat.

Sa sobrang pagmamadali niya kanina, maling sasakyan pala ang nadala niya. Ngayon mas lalong hindi na siya pwedeng magsinungaling pa sa mga ito.

"Pasensya na po, nag aalala lang po ako kay Bry. Kilala ko po si Arrianne, lahat gagawin non para lang makapaghiganti"

Hindi na lingin sa kaalaman ng mag asawa ay tunay niyang nararamdaman para sa dalaga dahil maging kung gaano niya ito kamahal ay nasabi na rin niya sa mga ito kanina.

"Kung ganon hijo, sabihin mo sa amin kung ano ang mga binabalak mong gawin. Handa kaming tumulong sa iyo".

Nakaramdam ng saya si Josh sa sinabi ng ama ni Bry. Kaya hindi na siya nag alinlangan pang sabihin sa mga ito ang lahat ng plano niya.

****

*Bry's P.O.V*

Maaga akong nagising para pumasok ng Academy. Kahit na ligtas akong nakauwi kagabi, hindi ko pa rin maiwasang hindi makaramdam ng takot. Pero kailangan kong paglabanan ang takot na ito, hindi pwedeng magpatalo na lang ako sa takot ko.

Dear Diary (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon