*PAK!!*
"Mich".
Agad na lumapit sa kanya si Mike at pinigilan siya.
"PARA YAN SA PANANAKIT MO KAY BRY!!! Alam mo kung tutuusin kulang pa yan sa lahat lahat ng kasamaang ginawa mo!!"
Susugurin sana ulit ni Mich si Arrianne, pero buti na lang napigilan siya ni Mike.
"BAKIT BA NAPAKAPAKIALAMERA MO MICH, HA???!!!HINDI KA NAMAN KASALI SA GULONG ITO PERO IKAW PA ITONG SALI NG SALI NA AKALA MO IKAW ANG PINAKANADEHADO SA LAHAT!!!!", galit na sigaw ni Arrianne Kay Mich.
Tinabig ni Mich ang pagkakahawak ni Mike sa kanya at unti-unting lumapit Kay Arrianne.
"Mich", balak ko sana siyang pigilan sa paglapit Kay Arrianne at baka sampalin niya ulit ito pero sininyasan niya akong OK lang kaya hinayaan ko na lang siya.
"Tama ka Arrianne, hindi nga ako ang nadehado sa mga pinaggagawa mo. Si Bry lang naman, Arrianne!! Si Bry!!!!", ganting sigaw ni Mich.
"Oh?!!! Yun naman pala ehh!!! Si Bry naman pala!!!! Bakit makaasta ka parang ikaw si Bry???!!!!"
Nagsisigawan na silang dalawa.
"Si Bry nga hindi nagagalit!!!! Tapos ikaw halos magpakamatay na makapaghiganti lang sa akin!!!! Tell me ,Mich!!! Ano ba talaga ang ipinuputok ng butse m0???!!!!"
"Arrianne! Tama na!!", sigaw ni Mr. Lopez.
"No dad!! Sumusubra na talaga ang babaing ito!! Now tell me Mich, ano ba talagang problema mo sa akin?!!"
Sandaling natahimik si Mich.
Maya maya pa, nagsimula siyang maglakad at mas lumapit Kay Arrianne.
"Oo, hindi ako si Bry. At wala akong karapatan para sumali sa gulong ito. Pero--"
Narinig ko ang pagpiyok ni Mich. Nakita ko kung paano tumulo ang mga luha sa pisngi niya.
"Pero kaibigan ko si Bry..... Best friend ko... At bilang best friend, napakasakit na makita mong sinasaktan ng ibang tao ang kaibigan mo...", sunod sunod na hikbi ang pinakawalan ni Mich.
Napayuko ako. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at sunod sunod na rin na nagsipag bagsakan ang mga luha ko.
"Siguro nga hindi mo ako naiintindihan.... Kasi wala ka na mang best friend.... Hindi mo alam ang pakiramdaman.... na makitang umiiyak...at nahihirapan ang kaibigan mo....ang pakiramdam na hindi ka makatulog sa gabi...kaiisip na baka nagpakamatay na siya...o kung nakakatulog ba siya ng maayos sa gabi...o kung umiiyak pa rin ba siya....ang pakiramdam na naririnig mo bawat hinaing niya....ang pakiramdam na alam mong nasasaktan siya...pero kailangan niyang magpanggap na ok lang ang lahat...dahil ayaw niyang mag alala ka....."
Napahikbi ako.
"Ang pakiramdam na bilang kaibigan wala kang ibang magagawa kundi ang patawanin na lang siya para maibsan kahit papano ang sakit na nararamdaman niya...", ilang beses na pumiyok si Mich habang sinasabi niya iyon.
"Wala kang alam Arrianne, wala kang alam kahit isa don' sa mga sinabi ko...dahil hindi mo rin alam ang pakiramdam na may taong laging nakatayo sa likuran mo na handang dumamay sa iyo sa anumang pagsubok na darating sa buhay mo....ngayon Arrianne, tanungin mo ulit ako...tanungin mo ulit ako kung bakit ako nakikialam sa gulo niyo...dahil handa akong ulitin sa yo lahat ng sinabi ko...."
Biglang tumahimik ang lahat. Walang may nagsalita kahit si Arrianne.
"Pag nakahanap ka na ng kaibigan mo...puntahan mo ako saka mo sabihin sa aking mali lahat ng sinabi ko...pero sa ngayon, wala ka pang karapatan para kwestyunin ako bilang kaibigan...dahil hindi mo pa alam ang tunay na kahulugan ng salitang yun".
BINABASA MO ANG
Dear Diary (On Going)
Roman pour Adolescents(On Going) This book is full work of fiction, truly means that the Names, Places, Incidents are produce by the author's imagination. Ang anumang pagkakapareho sa tao, living or dead are actually coincidental!
