Chapter 10

420 87 0
                                    

WAAAAAAHHHHHHH!!!!!!!!!!"

Muntik na akong Markov sa tumambad sa akin. Si Peter Parker, nakalambitin sa harapan ko. Jusko, takot ako sa gagamba! !!!

O______________________________0

Pero ang higit na ikinagulat ko ay ang dalawang taong nakatayo sa harapan ko. Pareho silang nakatingin sa akin habang nakangiti. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Josh", nasambit ko. "A-anong ginagawa niyo dito? Paano niyo nalamang nandito ako? Kasabwat ba kayo ni Arrianne sa pagkulong dito sa akin?", sunod sunod Kong tanong.

Lumapit si Josh sa kinatatayuan ko.
"Siya si Darren Garcia, ang captain ball ng basketball team at kaibigan ko", pakikilala niya sa kasama niya.

Wahhh!!! Kilala ko siya! Sino bang hindi nakakakilala sa isang Darren Garcia? Sobrang sikat kaya siya dito sa school. Sobrang daming babaing nagkakandarapa sa kanya, sobrang gwapo niya kasi! Pero wag niyo na akong isama sa mga babaing yun, alam niyo naman kung sino lang ang gusto ko.
^//////////////////////^

"Siya yung tumawag sayo kanina"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Josh. Ibig sabihin----

"Ikaw ang nakapulot ng diary ko?!!"

Wahhh!!! Sa wakas, makakasama ko na rin ulit ang pinakamamahal Kong diary! Thank you, Lord!

"Tungkol ba sa sinabi ko kanina? Pasensya na pero nagsinungaling ako. Hindi naman talaga ako ang nakapulot ng diary mo."

"A-anong ibig mong sabihin?"

Nagkatingin pa silang dalawa ni Josh na tila nag uusap kung saan silang dalawa lang ang nagkakaintindihan.

Then lumapit na rin si Darren sa kinaroroonan ko.

"Inutusan lang ako ni Arrianne na tawagan ka at sabihing nasa akin ang diary mo para mapapunta ka dito at makulong"

Hindi ako nagsalita. Hindi na rin ako magugulat pa. Talagang sinadya niyang makulong ako dito. Pero bakit?

"Ang tanging pagkakamaling nagawa lang ni Arrianne, ay dahil maling tao ang nilapitan niya at inutusan. Kaibigan ko si Darren at dahil sa kahinahinala ang pinapagawa ni Arrianne sa kanya ay nilapitan niya ako at sinabi ang lahat ng ito.", paliwanag naman ni Josh.

"Mabuti na nga lang at nauna kaming dumating dito sa inyo kaya may pagkakataon pa kaming makapagtago"-Darren

"Bry, mag ingat ka Kay Arrianne. Hindi siya basta basta pwedeng pagkatiwalaan. Makinig ka sa akin Bry, layuan mo na siya hanggat maaga pa."

Naguguluhan ako. Bakit gusto ni Josh na layuan ko si Arrianne na tila nag aalala siya sa akin sa kung anumang pwede nitong gawin? Kung mayroon mang dapat na kampihan si Josh dito, si Arrianne yun at hindi ako.

"Josh, bakit parang kinakalaban mo si Arrianne?", hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at talagang kusa ng lumabas ang mga iyun sa bibig ko.

Matagal niya akong tinitigan. Nang mapagtanto kong wala siyang balak sabihin sa akin ang dahilan ay nagsalita na ako.

"Ok lang na hindi mo sagutin. Pasensya na kung naitanong ko iyun", nakayuko kong sabi.

Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa.
Hinawakan niya ang baba ko saka inangat paharap sa kanya. Halos hindi ako makahinga sa sobrang lapit ng mukha naming dalawa.

"Bry, magtiwala ka lang sa akin. Wala akong hinahangad kundi ang kabutihan ng lahat", pangungumbinsi niya sa akin.

"Pero si Arriane----"

"Darating ang panahon maiintindihan mo rin ang lahat. Ang hinihingi ko lang sa ngayon ay ang tiwala mo. Pwede bang sa akin lang muna ang tiwala mo, Bry?"

Dear Diary (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon