Chapter 21

204 54 0
                                        

*Arrianne's P.O.V*

"Bwiset!!!", sigaw ko habang naglalakad sa gitna ng daan.

Kung sinuswerte ka nga naman! Inabutan na ako ng ulan sa daan. Ngayon hindi ko na talaga alam kung saan ako pupunta.

"Arrrggghhh!!!!!", sigaw ko ulit sabay sipa sa lata na nasa harapan ko. Tumilapon ito sa kung saan, pero syempre hindi ko na tiningnan kung saan yun nakarating. Like duh???

"Aray!"

Nagulat ako ng may umaray sa hindi kalayuan. Baka sa kanya tumama yung latang sinipa ko.Tsss!!! Ano namang paki ko? Ang tanga lang talaga niya at kita na nga niyang may lumipad na lata tas hindi pa siya umilag. Uso rin kaya gumamit ng common sense.

Ayoko na sanang pumunta don sa direksyon ng taong umaray pero wala na akong choice. Yun lang talaga ang tanging daan papuntang hotel. 

Yes, mag che check in na lang ako sa hotel since wala na akong matutulugan. Alangan naman matulog ako sa gilid ng kalsada. Psssttt! Never I will do that!

Nagsimula na akong maglakad. At habang papalapit ako sa direksyong yun, unti unti rin akong nakakarinig ng mumunting usapan. 

Then all of a sudden napahinto na lamang ako sa gilid nila.

"Nak, masakit ba?".

"Medyo po pero gagaling din po ito."

"Lika, halikan ko na lang para madaling mawala yun sakit."

Hindi ko napansin ang biglang pagtulo ng mga luha ko.

Ganyan ganyan din dati ang ginagawa ni nanay sa akin sa tuwing nasasaktan ako. Hahalikan lang niya ito then hindi ko na mapapansin na nasaktan pala ako.

Kahit ganito lamang ako, there was a part of me na nagsasabing sana hindi ko na lang ginawa sa lahat ng nagawa ko noong engagement party.

Galit lang talaga ako noong time na yun. Sinira ni Josh lahat ng pinaghirapan ko. Idagdag niyo pa't ang dami nilang inipong ebidensya laban sa akin. Hindi ko naman sinasadya pero nadala lang ako ng galit ko.

Gusto gusto Kong humingi ng tawad sa kanilang dalawa ni tatay. Pero paano? Matapos ang lahat, wala na akong mukhang maihaharap pa.

Pinunasan ko ang mga luha ko saka pinagpatuloy ang paglalakad. Alam Kong mahirap paniwalaan, pero dahil sa mag inang pulubing iyon, na realize ko lahat ng kasalanang nagawa ko sa mga magulang ko.

Tama si nanay, gaano man kalaki ang pinagbagong nangyare sa akin, mahirap pa rin ako in a sense na kailangan ko pang manglilimos ng pagmamahal sa iba.
Ilang araw na rin ang nakalipas, pero hindi pa rin ako pinapansin ni dad. Hindi niya ako kinakausap o sinusubukan man lang pakinggan sa tuwing nagpapaliwanag ako.

Alam Kong malaki ang kasalanang nagawa ko. Kaya nga sinusubukan kong mag explain para makabawi man lang sa lahat ng nagawa ko. Alam Kong hindi ganon kadaling patawarin at kalimutan ang mga ginawa ko. And I can't blame anyone of you kung ayaw niyong maniwala. But after what happened, nagsisisi na ako.

Dahil sa hindi na ako tinatanggap ni dad sa bahay, wala na akong choice kundi ang matulog sa hotel. Buti na nga lang at may mga natira pa akong pera. Pero aaminin ko, unti unti na rin itong nauubos.

Walang gabi na hindi ako umiiyak. Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko, "Ganon na ba talaga ako kasama para ipagtabuyan ako ng lahat? Do I deserved treated this way?"

Siguro nga tama kayo, karma na ito sa lahat lahat ng kasamaang nagawa ko. 

Pero nangarap lang naman ako. Nangarap na makaahon sa kahirapan. Nangarap na sana mahalin ako ng mga taong nasa paligid ko. Nangarap na sana hindi ko na maranasan ang maapi ng iba. 

Dear Diary (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon