Chapter 25

170 51 5
                                    

*Bry's P.O.V*

Ilang oras na rin kaming nagbabyahe. At aaminin ko, nakaka amaze ang mga lugar na nadadaanan namin. Panay wow na nga ang ginawa ko. 

Buti nga nakita ko sa daan si Arrianne. Ang lupit naman pala ng nangyare sa kanya. Nahold up siya then wala siyang choice kundi ang maglakad ng ilang kilometro para lang makauwi sa kanila.

Hindi talaga ako nagkamali na magbabago si Arrianne. Kahit naging masama siya noon, ramdam ko talagang darating ang araw na ma rerealize niya lahat ng maling nagawa niya. At eto na nga, mabait na siya. Nakakatuwa di ba? 

At ang mas ikinatutuwa ko ay dahil napatawad na rin siya ni Mich. Kahit naging harsh si Mich kay Arrianne, mas nanaig pa rin ang kapatawaran sa puso niya.

Medyo nagtataka lang ako. Ano Kaya ang ginawa o sinabi ni Mike kay Mich at napabago niya ang isip ni Mich? Hmmmm!!!! 

Nakakapagtaka! Kilala ko si Mich, at mahirap baguhin ang isip ng isang Mickaela Dizon. 

"Hanggang dito na lang tayo", napatingin ako sa labas ng bintana.

"Nandito na tayo?", tanong ni Mich na halatang kagigising lang.

"Tara na", sabi ni Arrianne na agad naman naming sinunod.

Bumaba na kaming lahat.

*inhale exhale*

Grabe, ang sarap ng simoy ng hangin. Napaka refreshing!!!!

"Arrianne?"

Isang matandang lalaki ang lumapit sa amin. May mga bahid pa siya ng mga grasa sa kamay at mukha.

Napatingin ako sa lugar na tinigilan namin. "Mang Piyo's Talyer". Yan ang nakalagay na pangalang sa labas nito.

"Mang Piyo, kumusta na po kayo?", sabi ni Arrianne saka niyakap ang matanda. Wala na siyang paki kung marumi man ito o marurumihan man siya.

"Aba, na miss kitang bata ka ah. Saan ka ba pumunta? Simula ng umalis ka dito, unti unti na rin akong nawalan ng mga customers. Ngayon napatunayan ko na talaga, ikaw lang ang dahilan kung bakit balik ng balik sila dito sa talyer ko. Noong nawala ka kasi, nawala na rin sila"

Napatawa si Arrianne sa sinabi ng matanda. Halatang na miss talaga nila ang isat isa. ^_________^

"Nga pala, sino naman itong mga kasama mo?", tukoy ni mang piyo sa aming apat.

"Ay teka, sir Mike? Ikaw ba yan?"

Ngumiti si Mike sa kanya.

"Kumusta na po?", nakapamulsang sagot ni Mike.

Wahhh!!! Grabe, ang cool talaga ni Mike. ^_____^

"Arrianne?"

Napalingon kaming lahat. 

"Mea? Ikaw na ba yan? Kyahhh!!!"

Nagyakapan silang dalawa. 

Naramdaman ko naman ang pag akbay ni Josh sa akin. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin lamang siya Kay Arrianne habang nakangiti. 

"She looks so happy", mahinang sabi niya. Sapat lang para marinig ko.

Tumango tango ako.

"Tama ka. Mabuti na lang talaga at nakauwi na siya. Kahit papano, naging masaya ulit siya.", sang ayon ko sa kanya.

"Grabe ka talagang bruha ka. Iniwan mo ako ditong mag isa. Alam mo namang ikaw lang kakampi ko dito eh", tila naiiyak na sabi ni Mea sabay hampas sa balikat ni Arrianne.

"Ay grabe, ang drama mo pa rin Mee. Wala pa ring pinagbago."

"Tingin mo, best friend niya si Mea?", bulong ko Kay Josh.

"Siguro.", tipid niyang sagot.

Kitang kita mo ang saya sa mukha ni Arrianne habang kinakausap si Mea. Siguro nga best friend niya talaga ang isang ito, hindi nga lang niya alam. Haha!

Biglang dumako ang paningin ni Mea Kay Mike. Kasabay nito ay pagbilog ng mga mata niya.

"SIR MIKE!!!!!!!!", sigaw niya at mabilis na niyakap si Mike. Hindi pa siya nakontento, pinaghahalikan pa talaga niya ito sa pisngi.

DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW! Thank you very much!

-greenppy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Diary (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon