Chapter 24

81 46 0
                                        

*Mich's P.O.V*

Tumayo ang balahibo ko sa eksenang nakikita ko sa harapan ko.

Si Arrianne, halos dumugin na niya ang mga pagkain dahil sa gutom. Halos siya na ang kumain ng lahat ng inorder ni Bry. Kulang na nga lang lunukin na niya ang mga pinggan at kubyertos. 

Grabe, saan na napunta ang manners ng babaing it0? Daig pa niya ang pulubing isang linggong hindi nakakain. 

Seryoso? Si Arrianne ba toh? Ang babaing sosyal, maarte at mapagmataas?

Anong nangyare sa kanya? Oo, alam kong pinalayas siya ni Mr. Lopez. Pero hindi ko naman inaasahan na magiging ganito ang mangyayare sa kanya.

Nakatingin ako sa kanya nang bigla siyang magdighay.

---___________---!!!!!

ANG BASTOS!!!!! WALANG MANNER!!!!

"Pasensya na", paumanhin niya.

"Ok lang Arrianne, mabuti naman at nabusog ka", nakangiting sabi ni Bry.

Tsk!! Mabuti pa siya nabusog!! Samantalang ako, wala pang laman ang tyan ko dahil nilantakan na niya lahat ng pagkain! PSH!!

"Nga pala Arrianne, anong nangyare sayo? Bakit ka naglalakad ng mag isa sa daan?"- Bry

Napayuko siya. 

*sniff sniff*

"Arrianne, bakit?", alo ni Bry sa kanya nang mag unahan sa pagbagsak ang mga luha niya.

Then ayon na, sinabi niya sa amin lahat ng nangyare sa kanya.

****

"Arrianne", naluluhang sabi ni Bry saka siya niyakap ng mahigpit.

Matapos niyang sabihin ang lahat ay nakisabay na rin si Bry sa kadramahan niya.

Hay naku! Ewan ko sa inyo!!! Hindi ako affected sa nangyare sa kanya. Like duh? 

"Bry, gusto ko lang namang umuwi. Gusto ko ng humingi ng tawad sa mga magulang ko. Pero bakit kailangang mangyare sa akin lahat ng ito? Ganon na ba ako kasama para parusahan ng ganito?".

"Oo", diretsong sagot ko. 

Lahat sila napatingin sa akin.

"Mich", saway ni Bry sa akin.

"What? Tama naman ako ah!", pagtatanggol ko sa sarili ko.

Nakita kong napayuko si Arrianne sa sinabi ko.

TSS! I don't care!!!

"I'm sorry Mich......... I'm sorry sa lahat ng ginawa ko sayo........ Alam kong naging bastos ako noon......naging masama....at tatanggapin ko kung hindi mo ako mapapatawad......", umiiyak niyang sabi.

I simply rolled my eyes heavenward.

I don't believe her. Alam Kong nagsisinungaling siya. She's just using that alibi para mapaikot ulit kaming lahat. 

If I know, may binabalak na naman siya para makuha ulit si Josh.

Maaaring mapapaniwala niya si Bry, o si Josh, o si Mike... teka, bakit nasama na naman ang alipin na ito? Tss!

OK, as I was saying. Pwede niyang mapaniwala ang lahat pero hindi ako. Alam na alam ko na ang mga laro ni Arrianne. And she can't use that tactics AGAIN against me.

"Wag kang mag alala Arrianne, sasamahan ka namin pauwi sa inyo."

Napa O___O ako sa sinabi ni Bry!

"Noooo!!!! Hindi tayo sasama sa babaing yan!!!! Hindi ako papayag!!!!", sigaw ko sabay palo sa mesa.

Sa akin na nakatingin lahat ng mga costumer sa loob ng restaurant.
Pero wala akong pakialam. Hindi pwedeng sirain ng babaing ito ang buong weekend ko. For pete's sake!!!!

Dear Diary (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon