Chapter 17

281 62 2
                                        

*Chapter 17*

Sandaling tumigil sa pag ikot ang mundo ko. Hindi ako makapagsalita. Parang bigla akong nawalan ng boses.

Sunod sunod na bulungan ng mga tao ang naririnig ko. Pagtingin ko Kay Arrianne, tulala rin siya at halos rin mawari kung ano ang magiging reaksyon niya.

"What is the meaning of this, Mr. Fuentebella?", naguguluhang tanong ng dad ni Arrianne.

"You will be marrying my daughter, pero bakit mo sinasabi ang mga ito? And who's that girl?", tukoy niya sa akin.

Mas humigpit ang pagkakahawak ni Josh sa kamay ko.

"Like what I said Mr. Lopez, siya ang babaing mahal ko, ang babaing gusto kong makasama habambuhay, at ang babaing gusto kong pakasalan".

"How about my daughter? Don't tell me niloloko mo lang ang anak ko!"

Kitang kita na sa muka ni Mr. Lopez ang sobrang galit. Lumapit na rin si Arrianne sa kanya para awatin siya.

"Dad calm down"-Arrianne

"No sweety, hindi ako papayag na gawin nila ito sa iyo. Pagbabayarin ko sila!"

"Dad, tama na!", pakiusap nito sa kanya.

"Kailan pa ito Josh? Kailan mo pa niloloko ang anak ko?!"

"Hindi ko po niloko ang anak niyo, because at the first place, alam ni Arrianne ang lahat"-Josh

"What? You know everything? Pero wala kang ginawa?!",pagalit na tanong ng dad ni Arrianne sa kanya.

"You have no idea Mr. Lopez kung ano ang pinaggagawa ng anak niyo"-Josh

"What do you mean?", naguguluhang tanong ni Mr. Lopez.

"Go ask her"-Josh

Hindi nagsalita si Arrianne. Halata sa mukha niya ang sobrang takot.

"Btw, Mr. Lopez mayroon pa kayong kailangang malaman. Matagal ding tinago ni Arrianne ang lihim na ito."

Then, may pumasok na isang lalaki. May inabot itong envelop Kay Mr. Lopez.

"A-ano y-yan Josh?", nauutal na tanong ni Arrianne.

"Our little secret", nakangiting sagot ni Josh.

Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung ano ang mga nangyayare.

Unti-unting binuksan ni Mr. Lopez ang envelop. Matagal niya itong tiningnan. Maya maya pa, matatalim ang mga tinging ipinukol nito sa daddy ni Josh.

"Totoo ba ito, Patrick?!", galit na sigaw niya.

"A-ano ba yan?", nagtatakang tanong ng dad ni Josh.

"Its your bank account! At lahat ng nawawalang pera ng kompanya ko ay nandito!!"

Nagulantang ang lahat sa sinabi ni mr. Lopez.Napatingin ako Kay Josh.And he's smiling.

"Ngayong alam niyo ang totoo Mr. Lopez, hahayaan mo pa rin bang maikasal ang nag iisa mong anak sa pamilya ng mga magnanakaw?"-Josh

Natahimik si Mr. Lopez.Then tumingin siya sa lahat ng mga bisita.

"Tinatapos ko na ang party na ito!!! Walang kasalang mangyayare!!!!"

Sunod sunod na bulungan ang bumalot sa buong lugar. Kahit ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Binitiwan ni Josh ang pagkakahawak niya sa kamay ko at unti- unting lumapit kay Mr. Lopez.

"Its a deal Mr. Lopez, wala ng kasalang mangyayare" .

Dear Diary (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon