A week later......
*Bry's P.O.V*
*tok! tok! tok!*
"Ako na", sabi ni Mich saka tumayo para buksan ang pinto.
Pinagpatuloy ko ang panonood ng TV.
Pagbalik niya ay may dala na siyang isang malaking kahon.
"Ano yan?", tanong ko.
"Ewan. Pinapabigay daw sayo", sagot niya saka ito pinatong sa kama ko.
Lumapit kaming dalawa dito saka pinagtulungang buksan.
Ano naman Kaya ang laman ng kahon na ito? At sino naman Kaya ang nagpapabigay.
Pagbukas namin ay isang card agad ang bumungad sa amin.
Kinuha ko ito saka binasa, syempre naki chismis rin si Mich.
~To my dearest Bry,
Ako talaga ang pumili ng damit na ito para sa iyo. I wanna see you tomorrow wearing this dress in my engagement party. Hihintayin kita, Bry. Isa ka sa mga pinakamahalagang tao sa party ko. Don't make me upset.
-Arrianne
***
"Nanginginsulto ba ang impaktang yan? Anong tingin niya? Di mo afford bumili ng damit para bukas? Naku! Nakakagigil!"
Tinuloy ko ang pagbukas ng kahon.
Isang kulay light blue cocktail na may maliit na ribbon sa tagiliran ang laman nito. Simple lang pero eligante, halatang napakamahal. May kasama rin itong hindi kataasang sapatos.
"Panget!", sabi ni Mich.
"Huwag mong isuot yan Bry. Baka may black magic yan tas pagsuot mo, masunog ka na lang bigla".
TSS! Ito talagang si Mich, kung ano ano ang iniisip.
Ayoko sanang pumunta sa engagement party since alam Kong masasaktan lang ako sa mga mangyayare, pero pinakiusapan ako ni Josh na pumunta. Hindi ko alam kung bakit pero sabi niya kasi magtiwala lang daw ako kaya kahit ayoko,kailangan Kong pumunta para Kay Josh.
"Tara, malling tayo. Bumili tayo ng susuotin natin bukas. Ipatapon mo na lang yan sa katulong niyo. Tutal galing naman yan sa impakta. Hindi yan magiging sayang".
"Teka, pupunta ka rin bukas?".
"Aba oo naman noh! Josh invited me! Kaya tara na!", sabay hila sa akin.
"Mich sandali. Ito na lang ang isusuot ko. Besides, ayokong sumama ang loob ni Arrianne pag hindi ito ko ito isusuot.", paliwanag ko sa kanya.
Biglang nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko.
"Sure ka? Isusuot mo talaga ang damit na yan?", paninigurado niya .
Ngumiti ako saka tumango.
*Arrianne's P.O.V*
"Is everything ok?", tanong ko for the last time sa facilitator ng engagement party ko.
"Yes ms. Arrianne, perfect na perfect na po ang lahat", he answered proudly.
"Good", I said grinning.
****
"Sweetheart!"
Napalingon ako ng marinig ko ang boses na yun.
"Daddy!", nakangiting sabi ko saka siya sinalubong at hinalikan sa pisngi.
"How is the preparation? Is everything went well?"
"Of course, dad! You know me very well, alam mong I'm very particular with the things I am doing. Don't worry dad, hindi tayo mapapahiya bukas.", I said confidently.
BINABASA MO ANG
Dear Diary (On Going)
Teen Fiction(On Going) This book is full work of fiction, truly means that the Names, Places, Incidents are produce by the author's imagination. Ang anumang pagkakapareho sa tao, living or dead are actually coincidental!
