*Mich P.O.V*
Bakit ako ang nag p.o.v? Malamang dahil bangag si Bry ngayon. Wala kayong makukuha sa kanya kundi puro kadramahan. Kaya pagtyagahan niyo na muna ako. As if naman may choice kayo. PSH!
****
Muli akong napasulyap kay Bry na ngayon ay tulala na naman habang nakatingin sa bintana at walang buhay na pinapanood ang pagbuhos ng malakas na ulan sa labas.
Matapos ang mga nangyari kanina hindi ko siya kayang iwan,lalo na sa sitwasyon ngayon. Kaya hindi muna ako uuwi sa bahay para may kasama si Bry, mahirap na, baka saktan niya ang sarili niya or worst, baka magbigti siya. Although alam Kong hindi kayang gawin ni Bry lahat ng mga iniisip ko. Pero mabuti ng sigurado tayo.
Wala sa sariling nakuyom ko ang kamao ko.
Iisang tao lang ang dapat na sisihin sa nangyayaring ito kay Bry. Ang asungot na Arrianne na yun. Darating na lang bigla bigla na parang kabute at idedeklarang fiancee niya si Josh.
Taena! Walang kwenta siya. Pagsisisihan niya ang ginawa niyang ito. Saktan niya ang lahat wag lang ang best friend ko. Dahil ako talaga ang makakalaban niya.
*****
"MIKE, ANONG NANGYAYARI?! SABIHIN MO SA AKIN! ANO?!"
"Woah, relax lang Mich, maghunos dili ka. Hindi pa ito ang katapusan ng mundo".
Mas lalong namula ang mukha ko sa galit dahil sa sinabi ng hinayupak na lalaking ito.
(A/N: Huwag niyo pong tularan si Mich, masama po talaga ang ugali niya.)
"HINDI PA NGA ITO ANG KATAPUSAN NG MUNDO! PERO PWEDENG ITO NA ANG MAGIGING KATAPUSAN NG MUNDO NI BRY!"
Sa sobrang galit ko ay tinulak ko siya sa gilid ng kotse niya saka kinwelyuhan. Wala naman siyang nagawa kundi ang itaas ang mga kamay niya tanda ng pagsuko.
"Sabihin mo Mike, sino si Arrianne sa buhay ni Josh?! SINO?!"
"A-ah.... a-ang pagkakaalam ko, ngayon lang sila nagkakilala".
"NGAYON LANG????!!! NGAYON LANG?! Pero kung makadikit kay Josh parang linta?! Tang i-----hmpt!"
"Huwag kang magmura Mich, masama iyan".
Hinampas ko ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko. Lintek na toh, dinumihan pa bibig ko.
"Mas masama kapag nagpakamatay nag best friend ko sa sobrang kalungkutan. Pag nagkataon papatayin rin kita. Kaya ngayon palang sabihin mo na lahat ng nalalaman mo kung ayaw mong agahan ko ang schedule niyo ni kamatayan."
"Mich yun lang talaga ang alam ko. Maniwala ka"
Matagal ko siyang titigan ng masama para makita kung talagang nagsasabi siya ng totoo. At nang mapagtantong hindi siya nagbibiro ay saka ko lang siya binitawan.
Shete!
Kailangan kung gumawa ng paraan para malaman ang lahat. Ito naman kasing isang ito, naturingang kaibigan pero wala namang alam sa mga nangyayari kay Josh.
"Mich pwedeng magtanong? May gusto si Bry kay Josh?"
Hingang malalim.
Huwag ma stress Mich, ang mga wrinkles. Pero kasi----
"Aray! Aray Mich! Huwag ang tenga ko!", sigaw niya ng hilahin ko ang tenga niya.
"Kanina pa ako dada ng dada dito tapos ngayon mo lang na gets ang lahat? Ang tanga mo naman!"
"Ouch"
"Nasaktan ka?"
"Slight"
TSS! Batukan ko toh eh! Since wala naman akong makukuha sa isang ito, may naisip na akong plano.
****
~ 2 days later~* Mich P.O.V*
"Tago", hila ko kay Mike sa likod ng masukal na halaman ng biglang napatingin si Arrianne sa direksyon namin.
Dalawang araw na rin naming sinusundan si Arrianne. At sa loob ng dalawang araw na iyon, andami kong nalaman sa kanya. Waldasera pala ang prinsesa niyo.
Waldas dito, waldas doon. Lahat na lang na madaanan hinahakot ang laman. As if she has everything. OK fine, nasa kanya na nga lahat. Pero may isang bagay na hindi ako papayag na mapunta sa kanya, si Josh.
Muli akong napaismid ng makita siyang pumasok sa bahay nina Josh. Aba, talagang welcome home ang bruha. Pasalamat siya nagpapakabait ako ngayon kung hindi ewan ko na lang. Psh!
"Mich ano ng plano?"
"Hintayin natin siyang lumabas"
"Pero Mich, may practice pa ako. Kailangan ko ng bumalik ng Academy".
( Superstar Academy po ang name ng school nila.)
"Edi wag kang mag practice"
"Pero------", hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang tingnan ko siya ng masama.
Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas na si Josh sa bahay nila. As expected, nakabuntot si Arrianne sa kanya.
Mas lalo kaming lumapit sa pwesto nila para mas marinig namin ang pinag uusapan nila. Chismosa na kung chismosa, ang mahalaga malaman ko kung ano talaga ang mayroon sa kanila.
Simula nong araw na ideniklara ni Arrianne na ikakasal na sila ni Josh, kinutuban na akong may maling nangyayare. Hindi ko nga lang mawari kung ano iyon.
"Josh, pasaan ka? Sama ako", abot tengang ngiti ni Arrianne..
Pero taliwas sa inaasahan ko ang naging tugon ni Josh. Isang napakalamig na tingin ang ipinukol nito sa kanya. Tinging akala mo si Arrianne na ang pinakakinamumuhian niyang tao sa mundo.
Sandali akong natahimik at napa isip. Bakit kaya ganon si Josh kay Arrianne? Akala ko ba mag fiancee sila? Pero bakit?
"Josh!"
Nabalik ako sa realidad nang biglang sumigaw si Arrianne.
Nakasakay na pala si Josh sa kotse niya at mabilis itong pinaharurot palayo.
Samantala, naiwang inis na inis si Arrianne. Agad naman niyang tinawag ang driver niya at mabilis na sinundan si Josh.
"Sa kotse!", hila ko rin kay Mike sa nakaparada niyang sasakyan sa hindi kalayuan.
"Ako ng magdadrive", sabi ko at mabilis na sinundan ang dalawa.
Ano ba talagang nangyayare? Bakit may ganong eksena ang dalawang iyon?
Tumatakbo si Josh palayo tapos hinahabol naman siya ni Arrianne. Mas lalo tuloy akong naguluhan.
Mas binilasan ko ang pag di drive ng mapansing malayo na sila. Hindi sila pwefeng mawala sa paningin ko. Lalo na ngayon na mas gusto kong maintindihan ang lahat.
* brtt! brtt!*
"Mich tumutunog ang cp mo"
Hindi ko siya pinansin, wala akong panahon ngayon para sumagot ng tawag, nagmamadali ako.
*brtt! brtt!*
Naman!
Inabot ko na lang ang cp ko saka ito sinagot. Ni hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag.
"Hello?"
Biglang nanigas ang katawan ko nang marinig ang sinabi ng nasa kabilang linya.
*ennngggkkk!*
Wala sa sariling nahulog ang phone sa kamay ko.
"Mich, bakit?"
"S-si B-bry", nauutal Kong sabi.
"Bakit anong nangyare kay Bry?"
"N-nasa hospital si Bry!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW!! Thank you very much

BINABASA MO ANG
Dear Diary (On Going)
Ficção Adolescente(On Going) This book is full work of fiction, truly means that the Names, Places, Incidents are produce by the author's imagination. Ang anumang pagkakapareho sa tao, living or dead are actually coincidental!