Chapter 19

328 67 0
                                        

*Third Person's P.O.V*

Binalot ng katahimikan ang buong lugar. Maliban sa mga hikbi nina Arrianne at ng tunay niyang ina, wala ka ng ibang ingay na naririnig pa. Lahat ng mga tao sa loob ng hall ay papalit palit lang ng tingin sa dalawa.

Saka lang din nawari ni Bry kung saan niya nakita ang ale. Kamukha pala nito si Arrianne.

"A-anong sabi m0? A-anak mo si Arrianne?", nauutal na tanong ni Mr. Lopez.

Napayuko ang ginang sa tanong ni Mr
Lopez.

"Opo, anak ko nga po siya"

Nahulog ang balikat ni Mr. Lopez sa sinagot ng ginang. Then bigla na lang itong nagtangis.

"D-dad", nauutal na sabi ni Arrianne saka niyakap si Mr. Lopez.

Maya maya pa ay tumigil na rin ito sa pag iyak.

"Dad, I'm sorry"-Arrianne

Tumingin si Mr. Lopez sa kanya.

"Bakit ka nagsinungaling Arrianne?!! Bakit mo ako niloko?!!", galit na galit si Mr. Lopez. Halos sumabog na ito sa sobrang galit.

"D-dad".

"Matapos kitang bihisan....pakainin...... patuluyin sa bahay ko..... pag aralin sa magandang iskwelahan....ito pa?..ito pa ang igaganti mo sa akin??!!"

"D-dad, i-im sorry..", hikbi ni Arrianne.

"Minahal kita Arrianne... tinuring na parang tunay Kong anak...pinagmamalaki kita sa ibang tao...pero..pero...", hindi na natapos pa ni Mr. Lopez ang sasabihin niya dahil muling tumulo ang mga luha sa pisngi niya.

Yumuko na lamang si Arrianne at tahimik na umiyak.

"Bumalik ka na sa mga tunay mong mga magulang , Arrianne... Alam Kong hinanap ka nila... Alam ko ang pakiramdam ng isang magulang na nangungulila sa anak niya.. Wala na akong karapatan pa para maging magulang sa iyo", sabi ni Mr. Lopez saka nagsimulang maglakad palabas ng event hall.

"No!!! Dad, please wag mo akong iwan!!!!", sigaw ni Arrianne saka hinabol ang papalayong ama.

Tahimik na pinagmasdan ni Mr. Lopez ang umiiyak na anak habang nakahawak ang mga kamay nito sa kamay niya. Masakit para sa kanya na ibalik ito sa tunay na mga magulang pero ito na lamang ang naiisip niyang paraan para makabawi sa ilang taong pangungulila ng mag asawa sa anak nila.

"Dad, sorry sa lahat na ginawa ko. Sorry kung nagsinungaling ako...pero dad, kayo po ang pinipili ko. Kayo po ang gusto kong maging magulang..kayo po ang mahal ko."

Hindi mapigilan ni Mr. Lopez ang hindi makaramdam ng saya sa sinabi ng anak. Ngunit alam niyang sa sinabing ito ni Arrianne, may dalawang tao ang labis na nasasaktan, ang mismong nga magulang nito. 

Kaya kahit tutol ang buong pagkatao niya, dahan dahan niyang tinanggal ang kamay nito na nakahawak sa kamay niya.

"I'm sorry, Arrianne", sobrang sakit para sa kanya na bitawan ang mga salitang iyon pero kailangan niyang gawin. Kailangan na niyang bitawan si Arrianne.

Mabigat ang mga paang nilisan niya ang lugar. 

Samantala, halos natulala na si Arrianne matapos marinig ang sinabi ng ama. Hindi siya makapaniwala na naging ganon lang kadali para sa kinilala niyang ama ang bitawan siya at isauli sa mga tunay niyang magulang. Ni hindi man lang siya nito ipinaglaban.

Dahil sa nangyare ay mas sumiklab ang galit sa puso ni Arrianne. 

Binalikan niya ang kinaroroonan ng mga magulang at galit na galit na sinigawan ang mga ito.

Dear Diary (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon