Chapter 7

401 83 0
                                    

Mich P.O.V*

Hindi ako mapakali. Halos nilakad takbo ko na ang hallway ng ospital makarating lamang sa room ni Bry.

Wala akong ibang naririnig kundi ang malakas na kalabog ng puso ko.

Bry.... Ano bang nangyare sa iyo? Bakit kailangang umabot pa sa ospital ang lahat? Di ba sabi ko naman sayo gagawin ko ang lahat para sa pagmamahal mo Kay Josh? Pero bakit? Bakit sumuko ka agad?
Natigilan ako ng marating ko ang room na sinabi ng nars sa akin kanina.

"Mich, magpakatatag ka", pagpapalakas loob ni Mike sa akin.

Tumango ako saka pinahid ang mga luha sa pisngi ko. Kailangan ko talagang maging matatag ngayon lalo nat hirap na hirap na si Bry sa mga nangyayare.

"Tara na", sabi ni Mike saka naunang maglakad.

Hinabol ko siya saka hinawakan ang kamay niya. Hindi naman siya nag react sa ginawa ko imbes mas hinigpitan pa niya ang paghawak dito.

*ennnngggkkkk*

Unti unti niyang pinihit ang doorknob. Ilang beses akong napalunok habang ginagawa niya iyon. Gusto ko siyang pigilan sa pagbukas ng pinto pero wala akong lakas para gawin iyon. Hindi ko alam kung kakayin ko ang lahat oras na makita ko ang sitwasyon ni Bry.

"Mich"

Napapitlag ako ng marinig ko ang boses ng mommy ni Bry. Seryoso itong nakatingin sa akin. Mas lalong lumakas ang pagkalabog ng dibdib ko.

Unti unting lumipat ang paningin ko sa taong nakahiga sa kama.

Si Bry, si Bry ang nakahiga sa kama at nakapikit ang mga mata niya.

"Bry....", mabigat ang mga paang lumapit ako sa kanya. Nag unahan na rin sa pagbagsak ang mga luha ko.

"Bry....", hinawakan ko ang kamay niya. At hindi ko mapigilang hindi maawa sa best friend ko. Bakas sa mukha niya ang sobrang paghihirap. Kung pwede ko lang sanang akuin kahit kalahati lang ng nararamdaman niyang sakit gagawin ko.
Then, unti unting bumukas ang mga mata niya.

"Bry....."

Ngumiti siya sa akin. Ngiting binalot ng paghihirap. Mas napahagulhol ako. Tama na Bry, wag ka nang ngumiti kung hindi ka naman talaga masaya.

"Mich, bakit ka umiiyak?"

"Oo nga Mich, bakit ka umiiyak?"

Napalingon ako at lahat sila nakatingin sa akin. Halata ang malaking question mark sa mga mukha nila.

Napatingin ako Kay Bry. Kahit siya naguguluhan din kung bakit ako umiiyak.

"Bakit?", naguguluhan ko ring tanong.

"Ewan. Bakit ka ba umiiyak?", tanong niya ulit sa akin.

"Anong ewan? Teka ang gulo ah. Bakit ka na hospital? Nag bigti ka ba?"

Ilang sandaling tinitigan lang niya ako.

"Loka loka ka talaga Mich. Bakit naman ako magbibigti?"

"Oo nga bakit naman magbibigti si Bry? May dahilan ba para magbigti siya?", singit ng mommy ni Bry.

"Po?"

Ilang sandali akong natahimik. Lahat sila hinihintay ang sagot ko.

"Ah.. Wala po. Wala pong dahilan. Binibiro ko lang po kayo. Sige po, tumawa tayong lahat. Haha!"

Epic!

"Dysmenorrhea, Mich. Yun ang dahilan bakit na hospital ako."

Nahulog ang panga ko.

Batukan nyo nga ako. Ang epic ko pala. Nasayang lang ang luha ko. Then bigla Kong naalalaang sabi ni manang sakin

*flashback*

"Hello?"

(Ma'am Mich, pumunta po kayo sa ospital. Nandito po si ma'am Bry)

*end of flashback*

Oo nga noh, hindi naman sinabi ni manang na nagbigti si Bry. Basta NASA hospital lang. TSS!

******

"Bry..."

Ilang sandali akong natigilan sa ginagawa ko ng marinig ang boses na iyon. Dahan dahan akong lumingon, at mula sa likuran ko ay nakatayo ang taong laging gusto Kong makita, si Josh.

Nagtama ang mga paningin namin.

"Bry", muling tawag niya sa akin.

"Josh", mahinang tugon ko.

Dahan dahang humakbang ang mga paa niya palapit sa akin.

"Bry", sambit niya ng makalapit na siya ng tuluyan. Biglang nagliwanag ang mukha niya saka ngumiti ng pagkatamis tamis.

"Ikakasal na ako Bry, tingnan mo".

Pinakita niya ang singsing na nasa daliri niya. Bakas sa mukha niya ang sobrang saya. Sayang ngayon ko lang nakita sa kanya.

Kung talagang masaya ka Josh, tatanggapin ko kahit masakit. Magiging masaya ako para sa iyo at handa akong bitawan ka. KASI MAHAL KITA!

****

"Haaaaaa"

Punong puno ng pawis ang mukha ko ng magising ako. Ramdam ko rin ang pangangapos ng paghinga.

Panaginip! Muli na naman akong dinalaw ng panaginip na yun. Nakikita ko pa ang mga ngiti ni Josh sa panaginip ko. Kahit sa panaginip man lang at least nakikita ko siya.

*scratch scratch*

Natigil ako sa isiping iyon ng makarinig ako ng mumunting ingay mula sa labas ng silid ko.

"Sinong nandyan?", tanong ko ngunit walang may sumagot. Napatingin ako sa sofa kung saan natutulog si Mich. Ayoko na siyang gisingin pa kaya kahit masakit pa rin ang puson ko ay pinilit Kong tumayo at lumapit sa pinto.

Pinihit ko ang doorknob nito saka binuksan. Ngunit wala akong nakitang tao. Ilang beses pa akong nagpalinga linga para sigurahin kung mayroon ngang tao sa labas.

May mga ilang nars akong nakita sa hindi kalayuan pero sugurado naman akong hindi sila ang may gawa ng mumunting ingay na narinig ko kanina. Kaya pinili ko na lang na pumasok na lang ulit sa loob ng room ko. Baka guni guni ko lang iyon.

Muli akong nahiga sa kama ko. Hindi na ako makatulog ulit kaya nakipagtitigan na lang ako sa kesame.

Ilang sandali pa ang lumipas ng biglang tumunog ang cp ni Mich. Nakapatong iyon sa ibabaw ng side table.

Muli akong tumayo at lumapit sa kanya na mahimbing pa rin na natutulog sa sofa.

"Mich.... Mich, tumutunog ang cp mo", gising ko sa kanya. Pero simpleng ungol lang ang nakuha Kong tugon mula sa kanya.

Ano kaya ang pinag gagawa ng isang ito at mukhang pagod na pagod?

Tumunog ulit ang cp niya.

Inabot ko ito mula sa side table at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Mike.

Bakit kaya napatawag si Mike Kay Mich sa ganitong oras?

Wala na akong ibang nagawa kundi ang sagutin ito.

( Mich nasan ka na ba? Kanina pa kita hinihintay dito. Pumunta ka na dali. Si Arrianne nag wi-wild na naman. Tinakasan kasi ulit ni Josh), sunod sunod na sabi ni Mike sa kabilang linya.

"Bakit naman sya tatakasan ni Josh?", naguguluhang tanong ko sa kanya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW!! Thank you very much

Dear Diary (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon