"Hoy loka, anong drama yan? Kanina ka pa ngiti ng ngiti diyan. Baka mapunit na yang mukha mo sa kakangiti.", tanong ni Mich habang kumakain ng French fries.
"Wala naman", sagot ko habang nakangiti pa rin.
Eh, sa hindi ko mapigilang ngumiti sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari kahapon. Kinikilig pa rin kasi ako.
"Anong wala naman? May nangyari kahapon noh? Ano yun? Magkwento ka dali!", excited na sabi ni Mich.
Psh! Kung hindi ko lang kaibigan toh eh.
So ayun nga, kwinento ko sa kanya ang mga nangyari. Kilig na kilig pa ang loka."Kyaaahhhh!!! Bry!!! Ikaw na talaga! Ikaw na!", pagsusumigaw niya.
Napailing na lamang ako sa kanya.
"Kyaaaaahhhh!!!!!", sabay naming sigaw ni Mich ng muntik na kaming tamaan ng lumipad na bola. Nagtapunan tuloy ang fries ni Mich.
"Bwesit naman oh! Ang bastos!", biglang sigaw ni Mich.
Pinigilan ko na lang siya sa paggawa ng eskandalo. Grabe rin kasi magalit ang isang ito.
"Mich, tama na. Hindi naman tayo nasaktan eh."
"Kahit na! Paano kung natamaan ako? O ikaw? Edi nagkabukol tayong dalawa. Sino ba kasi ang walang galang na iy---"
Napatingin ako sa taong tintingnan ni Mich na siyang dahilan kung bakit hindi niya natuloy ang dapat niyang sabihin. Sa mismong taong nakatayo sa likuran namin.
"J-Josh?"
"Bry, ok lng ba kayo? Pasensya na. Napalakas lang ng kaunti ang pagkakasipa ni Mike. Sorry ulit", hinging tawad ni Josh sabay yuko.
Naramdaman ko ang biglang pagsiko ni Mich ng hindi agad ako sumagot.
"Ah...hindi, ok lang. Ayos lang yun", hindi mapakaling sagot ko.
"Oo nga Josh, ok lang yun kahit ulitin mo pa".
O__________________O
This time ako naman ang sumiko kay Mich. Ano ba ang pinagsasabi ng isang ito?
"Huh?", takang tanong naman ni Josh.
"Ah wala, nevermind. Isipin niyo na lang wala ako dito. Isipin niyo nandoon ako sa field kausap ang mga damo. Sige pagpatuloy niyo na yang usapan niyo. Hindi ako nakikinig".
"Mich", saway ko sa kanya. Umaandar na naman kasi ang pagkaloka loka niya.
Nag peace sign lang siya sa akin at nanahimik na.
"Bry, sorry ulit. Babawi ak---"
"Ok lang Josh, huwag mo ng isipin iyon"
"Per----"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng biglang tumunog ang bell.
"Josh! Sunod ka!", sigaw ni Mike sa kanya mula sa field.
Sandali siya munang tumingin dito bago muling tumingin sa akin.
"Sige na Josh, sumunod ka na sa kanila. Papasok na rin kami ni Mich".
Wala na rin siyang nagawa kundi ang sumunod sa mga kaibigan niya.
Nang makaalis siya ay agad naman akong pinuntirya ni Mich.
"Ayun yun eh, kilig na kilig tayo eh. Ayiee!", tukso niya sa akin.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Sige na inaamin ko na kinikilig ako. Eh, sa ganon eh.
*****
Dear diary,
Nag usap ulit kami ni Josh kanina. Hindi ko akalaing natatandaan pa pala niya ako. Akala ko, makakalimutan agad niya ako. Ang saya ko talaga.

BINABASA MO ANG
Dear Diary (On Going)
Teen Fiction(On Going) This book is full work of fiction, truly means that the Names, Places, Incidents are produce by the author's imagination. Ang anumang pagkakapareho sa tao, living or dead are actually coincidental!