*Arrianne's P.O.V*
Pagkalabas ko ng silid ng mag ina ay agad akong napahinga ng malalim. Wala na pala akong pera. Paano ko babayaran ang bill nila dito sa ospital? Saan ako maghahanap?
Hindi nila pwedeng malamang wala na akong pera, baka mag volunteer na silang lumabas dito. Kailangan munang masiguradong ok na talaga yung bata bago sila lumabas.
I bet kailangan ko ng maghanap ng trabaho para may maipambayad ako sa ospital. Tutal bata pa lang naman ako sana'y na akong magtrabaho.
Umalis ako ng ospital at agad na naghanap ng lugar na pwedeng pagtrabauhan. Pero hindi naging madali ang lahat para sa akin. Andami kong lugar na pinuntahan para magbakasakali pero inabutan na ako ng dilim wala pa rin akong nahahanap.
Sandali akong naupo sa plaza para makapagpahinga. Pagod na pagod na ako, hindi pa rin ako kumakain. Pero pag gumastos pa ako, mababawasan pa ang inipon ko para idagdag sa pambayad sa ospital.
Napatinghala ako sa kalangitan. Andaming mga nagkikislapang mga bituin. Lahat sila ang gaganda.
Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko.
Ang hirap mabuhay ng mag isa. Wala kang matatakbuhan, wala kang mahihingan ng tulong. Daig mo pa ang tinapon sa pinakamalayong isla ng mag isa.
Namimiss ko na si dad...si nanay....si tatay... Ako kaya? Namimiss din Kaya nila ako?
Huminga ako ng malalim saka pinunasan ang mga luha ko. Tama ng drama Arrianne! Iba na ang buhay mo ngayon. Kung noon pwede kang magdrama all day long, ngayon Hindi na talaga pwede.
Tumayo na ako at muling pinagpatuloy ang paglalakad. Hinding hindi ako susuko...hindi ngayon.
***
"Hija, saan ka nanggaling?", agad na tanong ni manang Grace pagkadating ko.
Ngumiti ako saka nilapag sa mesa ang mga dala ko.
"Diyan lng po sa tabi tabi. Kumain na po kayo".
Inayos ko na ang mga dala Kong pagkain. Nagugutom na rin ako. Nasa ganon akong sitwasyon ng maramdaman ko ang paghawak ni manang Grace sa kamay ko.
"Bakit patuloy ka pa ring bumabalik dit0? Hija, hindi mo kami responsibilidad. Wag mong payatin sa pagod ang sarili mo para amin. May sarili kang buhay. Unahin mo muna ang sarili mo bago kami."
Ngumiti ako saka hinawakan din ang kamay niya.
"Masaya po ako sa ginagawa ko. Wag niyo po akong alahanin".
"Sigurado ka?", tanong niya.
"Opo".
***
Maaga akong umalis ng ospital. Sa awa ng diyos may trabaho na rin ako. Sa isang convenience store. Mababait ang mga kasamahan ko, labis na pinapasalamatan ko. Naalala ko tuloy si Bry sa kanila.
Kumusta na kaya siya? Sobra Kong pinagsisihan lahat ng ginawa ko sa kanya. Hinadlangan ko ang pagmamahalan nila ni Josh. At siguro pag humingi ako ng tawad sa kanya, papatawarin niya agad ako. Knowing Bry, she's not a hard hearted person. Hindi ko alam kung papano niya nagagawang magpatawad ng basta basta.
Siguro if I were her at kung sa akin nangyari lahat ng nangyari sa kanya, I wouldn't forgive that person who've caused a lot of troubles in my life. And that person is no other than ME!
And I really don't deserves Bry's forgiveness. Wala akong karapatan para makatanggap ng kapatawaran mula sa kanya. After what I did, karapat dapat lamang na magdusa rin ako. Dahil sa ganong paraan lang ako makakabayad sa lahat ng mga nagawa ko.
"Oh my ghad! Really?"
Natigil ako sa isiping iyon ng pumasok mula sa pinto ang grupo ng mga kababaihan. Natigilan din sila ng makita nila ako.
"Oh my g! Arrianne is that you?", maarteng tanong ng isa sa kanila.
I don't know their names, but I remember their faces. Taga Northeast Academy sila, the academy where I came from. Ilang araw na rin akong hindi pumapasok. Halos wala na nga akong ipambili ng pagkain, ipambayad pa kaya sa tuition?
"So the rumors were true? Pinalayas ka nga talaga ng daddy----ops, hindi mo nga pala siya daddy".
Then sabay sabay silang nagtawanan.
"May bibilhin ba kayo?", seryosong tanong ko.
Ayoko na silang patulan pa. I can't afford losing my job all because of them. Magtitimpi na lang ako kung kinakailangan.
"Can I....buy you?", then they laughed again.
Hingang malalim.
"I'm sorry maam, but I'm not for sale", halos nakakuyom na ang kamao ko.
"Owww!!! Ganon ba? Akala ko kasi naghahanap ka ng taong mag aampon sayo? Tsk! Willing pa naman sana akong bilhin ka".
Hindi ako nagsalita.
"Excuse me ma'ams, kung wala po kayong bibilhin, pwede na po kayong umalis", biglang singit ni ate carol.
"OK fine",maarteng sagot ng isa sa kanila saka sila nagsimulang maglakad palabas.
Ngunit biglang huminto ang parang lider nila sabay lingon sa direksyon namin.
Then suddenly, sinadya niyang banggain ang shelf ng mga can goods dahilan para mahulog ang mga ito.
"Ops!", kunwari nagulat niyang sabi.
"Pakilinis na lang",she said before flicking her hair sabay roll eyes.
Tsk!
"Wag mo na lang silang pansinin. Ligpitin na lang natin itong mga kalat nila."
"Ate Carol salamat po sa pagtatangol sa akin."
"Sus, para yun lang. Wala yun!"
Napangiti ako sa sinabi niya. Ganito pala ang pakiramdam na binunully. Now I know the feeling. Alam ko na rin ang pakiramdam na may nagtatanggol sayo. Now I understand what Mich had said during the engagement party. Iba nga pala talaga pag may kaibigan ka, at unti unti naiiintindihan ko na ang ibig sabihin ng salitang iyon.
***
~At the hospital ~
"Hija, mukhang pagod na pagod ka ah. Kumain ka na ba?", tanong ni manang Grace habang hinahain ang mga dala kong pagkain.
Kakarating ko lang galing trabaho at kasalukuyan akong nakahiga sa couch.
Si Kenjie naman, naglalaro ng laruang dinosaur niya. Masaya ako't nagiging ok na siya.
"Kumain ka muna".
Inabutan niya ako ng isang pinggang pagkain.
"Salamat po".
Naupo naman si manang Grace sa tabi ko.
"Nga pala hija, lalabas na tayo bukas dito sa ospital".
Natigil ako sa pagkain dahil sa sinabi niya.
"Paano po nangyari yun? Hindi pa po tayo nakakabayad sa bills natin", naguguluhang tanong ko.
Ngumiti siya sa akin.
"May nag bayad na para sa atin".
"Sino po?".
***
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW!! Thank you very much
BINABASA MO ANG
Dear Diary (On Going)
Ficção Adolescente(On Going) This book is full work of fiction, truly means that the Names, Places, Incidents are produce by the author's imagination. Ang anumang pagkakapareho sa tao, living or dead are actually coincidental!
