*Bry's P.O.V*
Nakatanaw ako sa labas ng bintana at tahimik na pinagmamasdan ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang engagement party nina Josh at Arrianne. At dahil sa mga nangyare, tuluyan ng naudlot ang kasal ng dalawa. Mismong mga magulang na ni Josh ang umatras. Kahit ayaw man ni Arrianne na itigil ang kasal, wala na rin siyang nagawa pa.
Hindi ko maiwasang hindi mapa isip. Kumusta na Kaya si Arrianne? Ang pagkakaalam ko kasi hindi na siya pinapansin ni Mr. Lopez. Pinipilit kasi siya nitong bumalik na sa tunay niyang magulang.
Pero kilala niyo naman si Arrianne. Basi sa mga nangyare don sa engagement party, wala talaga siyang balak na bumalik sa mga magulang niya. Kaya nga nag aalala ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung saan siya nakikituloy ngayon.
*tok! tok! tok!*
Napalingon ako ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto KO. Tumayo ako saka lumapit dito.
"Kuya max, bakit po? May kailangan po ba kayo?".
"Ma'am Bry pwede po ba tayong mag usap?".
"OK po, sige po. Pasok po kayo", sabi ko saka siya inalok na maupo sa sofa.
"Tungkol po saan ang gusto niyong pag usapan kuya max?".
"Ma'am Bry, gusto ko po sanang magpasalamat sa inyo".
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Para saan po?"
"Sa pagtanggap po sa akin.",seryosong sabi niya.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ito talagang si kuya max, parang others. Haha!
"Masaya po ako't kayo ang naging amo ko. Maliban po sa pagiging mabait, napa buti niyo pa pong tao. Kahit body guard niyo lang po ako, naramdaman ko talagang minahal niyo ako."
Ngumiti ako.
"Ano ka ba naman kuya max? Wala yun."
"Ganon pa man po, nagpapasalamat pa rin po ako sa inyo ma'am Bry. Masaya po ako't naging parte ako ng buhay niyo. Kayo po ang pinakamabait na amo sa lahat. Salamat po"
"Kuya max, bakit pakiramdam ko mawawala ka na? Nagpapaalam na po ba kayo kuya max?".
Napayuko siya sa sinabi ko.
"Ayaw ko po sanang umalis maam Bry, pero kailangan. Tapos na po ang trabaho ko dito. Sigurado po, hindi na kayo masasaktan ni ma'am Arrianne. Kailangan ko na pong bumalik sa dati Kong amo."
"Kuya max naman eh. Wag na po kayong umalis. Please!"
Naiiyak na ako. Kuya max, wag mo akong iwan!! Napamahal ka na sa akin.!
Bahagyang natawa si kuya max sa sinabi ko.
"Gusto ko rin po sanang manatili dito ma'am Bry pero hindi pwede. Kailangan ko na po talagang bumalik sa dati Kong amo."
"Kuya max dalhin mo ako sa dati mong amo. Kakausapin ko siya, makikiusap ako na huwag ka na lang niyang kunin ulit. Sige na kuya max. Please!!!", pinagdaop ko pa talaga ang dalawang palad ko habang nakikiusap sa kanya.
Mag iisang buwan ko na rin siyang kasama. Pag umalis siya bigla, paniguradong hahanap hanapin ko siya.
Binuwis na rin niya ang buhay niya para sa akin. Lalong lalo na nong araw na pinagbabaril kami. Siguro kung hindi dahil sa kanya, baka wala na ako ngayon.
"Kuya Max, please!!!!!", pagmamakaawa Kong muli.
"Ma'am Bry ano kasi eh..."
Napapakamot na siya sa ulo niya. Konting push pa Bry, mapapapayag mo rin siya.
"Kuya max, dadagdagan ko po ang sweldo niyo. Promise!", I said while raising my right hand.
"At bakit parang ayaw na ayaw mong umalis si kuya max dito?"
Pareho kaming napatingin sa pintuan ng marinig ang boses na yun.
"Josh", sambit ko ng makita siya.
"So, bakit nga?", muling tanong niya habang papalapit sa amin.
"Kasi napamahal na si kuya max sa akin at gusto ko siya pa rin ang magbantay sa akin", sagot ko.
Nakita ko ang pagsimangot niya sa sinabi ko
"Bakit si kuya max pa? Nandito naman ako ah. TSS!"
Ayun yun eh! Nagseselos tayo eh! Haha, ang kyut!
"Iba naman kasi yun Josh, eh. Ikaw talaga", nakangiti kong sabi.
---_________________--- = siya
Haha!
Then bigla akong nakaisip ng magandang plano.
"Josh tulungan mo ako, kausapin natin ang dating amo ni kuya max. Pakiusapan natin siyang wag kunin si kuya max. Sige na! Sige na please!.
BINABASA MO ANG
Dear Diary (On Going)
Novela Juvenil(On Going) This book is full work of fiction, truly means that the Names, Places, Incidents are produce by the author's imagination. Ang anumang pagkakapareho sa tao, living or dead are actually coincidental!
