*Bry's P.O.V*
*tok! tok! tok!*
"Ma'am Bry, ready na po ba kayo? Kailangan na po nating umalis".
"Opo kuya max, mauna na lng po kayo sa kotse, susunod na lang po ako"
"Sige p0"
Muli kong inayos ang sarili ko. Medyo kinakabahan ako sa mga mangyayare pero kailangan Kong magpakatatag. Anuman ang mangyare mamaya, sana walang may masaktan kahit sino.
Binuksan ko ang drawer ng side table ko saka inabot ang diary ko. Medyo matagal na rin akong hindi sumusulat dito. Inabot ko ang ballpen sa tabi at nagsimulang magsulat.
Dear Diary,
Ngayon na ang engagement party nina Josh at Arrianne. Natatakot ako sa kung anumang mangyare. Si Josh, alam Kong may binabalak si Josh. Sana lang hindi masaktan si Arrianne sa kung anumang balak niyang gawin.
****
Pagkapasok pa lang namin sa event hall ay agad akong kinabahan. Sobrang daming bisita tapos puro pa mga mayayaman. Parang gusto ko ng umurong at umuwi na lang.
"Bry!"
Nanlaki ang mga mata ko. Tama ba itong nakikita ko? Si Mich? Sobrang ganda ni Mich!
"Halika, nasa harap ang table natin", hila niya sa akin.
"Bry!", nahinto lang kami ng marinig Kong may tumawag sa akin.
"Josh"
Aaminin ko, mas gumwapo siya ngayon.
"Ang ganda mo", sabi niya na nagpapula sa pisngi ko.
"Oo nga Bry, ang ganda mo".
Hindi ko alam kung saan siya nanggaling pero bigla na lang siyang sumulpot.
"S-salamat Arrianne", nahihiya kong sagot.
"Sabi ko na nga ba eh, bagay na bagay sayo ang damit na yan", sabi pa niya saka kumapit sa braso ni Josh.
Napatingin ako sa kamay niya na nakapulupot sa braso ni Josh. Parang may kung anong bagay ang tumusok sa puso ko.
"Mag enjoy kayo sa party. Let's go Josh, marami pa tayong bisitang dapat na puntahan", paalam niya saka hinila si Josh.
Napahinga ako ng malalim.
"Siya ang dapat na mag enjoy", tipid pero makahulugang sabi ni Mich. "Tara na nga Bry", hila rin niya sa akin.
***
"Bry", bungad ni Mike ng makarating kami sa table namin. "Akala ko ba mag c-cr ka lang, Mich? Pero bakit ang tagal mo?"
"Duh? Syempre dahil nag retouch pa ako. Baka mamaya mas maganda na si Arrianne kaysa sa akin", naka cross arm nitong sabi.
Napansin ko, parehong pareho ng damit sina Arrianne at Mich. Alam Kong hindi sinasadya ni Mich na nagkatulad ang damit nila ni Arrianne dahil ako mismo ang kasama niya kahapon nang bumili siya ng damit.
Napailing na lang ako. Malay natin, baka coincidence lang ang lahat.
Maya maya pa ay nagsimula ng magsalita ang host sa gitna ng stage. Kung ano ano lang naman ang sinabi niya.
Then maya maya pa, pinakilala na niya ang dalawang pamilya. From family Lopez hanggang sa pamilya ni Josh.
Puro palakpakan at compliment ang naririnig ko. Karamihan sa kanila sinasabing perfect match sina Josh at Arrianne. Medyo masakit pero hindi ko na lang sila pinansin.
"Excuse me", paalam ko para pumunta sa wash room.
Nasa hallway na ako ng may makasalubong ako. Dalawang nasa mid 40's na mag asawa. Nagtaka ako dahil medyo pamilyar ang mukha nila. Kaso hindi ko lang maalala kung sino ang kamukha nila. Muli akong napailing saka dumiretso ng wash room.
BINABASA MO ANG
Dear Diary (On Going)
Genç Kurgu(On Going) This book is full work of fiction, truly means that the Names, Places, Incidents are produce by the author's imagination. Ang anumang pagkakapareho sa tao, living or dead are actually coincidental!
