chapter1

443 4 9
                                    

Ano ba yan, umaga na naman. Hay. wala namang bago e. Paulit ulit na lang ang mga nangyayare. Kakain ka. Magaaral. Matutulog. Ta's gigising na naman.

Meron palang bago ngayon. Ngayon nga pala ang first day ko sa bago kong school na naman. Oo, na naman. Pang- ilang lipat ko na ba to? Hmm, sa loob ng 2 years pang-apat na school ko na to.

Meron kasi akong Hyperthemesia para syang photographic memory pero hindi, haha. Teka pano ba? Ganto, naaalala ko lahat ng nangyayari sakin in perfect detail, kahit yung mga matagal na matagal ng nangyari lalo na pag nakakakita ako ng dates, yung tipong pag nakasalubong kita maaalala ko pa kulay ng sintas mo at buong itsura mo kahit nagkabungguan lang naman tayo. O kaya maaala ko yung posisyon ng pinaka maliit mong nunal na konti lang ang nakakapansin. Kaya ko din maalala yung mga news sa TV months ago. Basta ganun. Search nyo na lang kung di nyo gets para malinawan kayo haha.

Pero bago ako pumasok dadaan muna ko kay Dandan, yung FEBF ko. oh di nyo alam yung FEBF?

FEBF. First Ever Best Friend. okay, ako na ang pauso :P

* After ilang ritual at konting oras sa byahe na sobrang boring finally, I reached Dandan's place

"Ba yan, bakit ang dumi na ng bahay mo Dandan? kelan ka ba matututong maglinis? "

".............."

"Oh? ba't tahimik ka? psh, ewan ko sayo. Di mo man lang pinaghandaan kahit konting walis yung maganda mong bisita."

"Ne, pag sumagot yan baka magulat ka. Hahahaha"

"Anak ng tokwa Manong Teban aatakihin ako sayo sa puso! pag ako namatay talaga..."

" Pag ikaw namatay, baka magpasalamat ka pa sakin. Hanggang kelan ka ba magiging ganito iha? Hanggang kelan mo balak kausapin yang puntod ng kaibigan mo na kahit kelan e hindi ka naman sasagutin."

"Aish. Manong naman e. Eto na naman ba tayo. Ayoko ng ganitong usapan. Napakaseryoso. "

"Oo na, sige na. Alam ko naman na kahit anong sabihin ko sayo walang tatatak diyan sa puso mo na pusong bato."

"Yak ka Manong! Matutulog muna ko a, mamaya pa yung klase ko e. Gisingin nyo na lang po ako after nyong maglinis nitong bahay ni Dandan. Salamat!!! ^_____^ "

Ang laki lang ng smile ko, syempre dapat magpacute para pumayag si Manong, hehe

"Oo na, sige na. Gigisingin na kita wag ka lang maingay, ang daldal mo e baka bumangon pa yung mga nakahimlay sa paligid dahil naingayan sayo."

Yes! di nya ko natiis. wahahahaha

"Ay wait! Manong wag nyo kong pagnanasaan habang natutulog ako a. Kawawa naman yung mga magulang ko pag nagkataon"

" Tange ka talagang bata ka! para na kitang apo. Kilabutan ka nga! yak! kung kasing katawan mo pa si Angel Locsin o Kaya kasing ganda ni Maricar Reyes pwede pa. E kaso HINDI NAMAN. Para ka lang itong broom stick ko! ni wala kang kurba. Tapos yang buhok mo daig pang hindi sinuklay for A Thousand Years, at gupit lalaki pa! tapos-"

"Hep! sobra sobrang bawi na yan Manong. No hitting below the belt naman. Grabe ka makabawi. Makatulog na nga. Hmp! nyte nyte Manong!"

*poink

*poink

"Ano ba yan, natutulog e. 5 minutes"

*poink

"Anak ng, sabi ng saglit lang e"

*poink

*poink

*poink

"Ano ba?! di ka ba marunong rumespeto ng natutulog?! Ha?!"

*poink

*poink

"At talagang-"

*BOOGSH!!!

"Aray! Manong naman! bakit nyo hinila yung hinlalaki ko sa paa! Nahulog tuloy ako o e ang tigas tigas pa naman nitong sahig dito. Marmol to o MARMOL. Pag ako nagkahemorrhage lagot kayo"

"Ewan ko sa hemo- hemo na yan. E kasi naman tulog mantika ka. Kanina pa kita ginigising hindi ako makaalis-alis dahil sayo. Anong oras na o! 12:30 pm na. GUTOM NA AKO at hindi ako makakain gawa mo!"

"Anak ka ng, patay malelate ako!!! waaaaah. Manong!!!"

"Aba, kasalanan ko ba? Sige na gora ka na. Ako ng magsasara ng bahay ni Dandan"

"Thank you manong! Kaya lab kita e! bukas ulit! :D"

" Anong bukas ulit?! ewan ko sayong bata ka talaga"

Nilingon ko si Manong Teban para lang belatan sabay kaway habang tumatakbo paalis para makasakay na agad.

"Shit late na ko! ba't ang tagal ng jeep?! "

Di na ko mapakali pano ba naman 1:30 pm ang klase ko tapos 45mins-1 hour ang byahe. Ang traffic pa man din. Ughhhhh, punuan pa.

"Leshe, Bro naman please. Kailangan ko ng makasakay"

Cross fingers....

Beep!

Yown naman. May pumarang jeep haha, ang lakas ko talaga kay Bro. Ta's ang pangalan pa sa harapan nung jeep ay Destiny. Naka naman. Lakas maka-senti nung pangalan haha. Eto pa, ang tugtog pa sa loob ng jeep e tenteneneeeeen!!! Tadhana. wahahaha. aba'y matindi. Sa mga nakakaalam rak on!

*After 123456789098765432123456789098765432123445678909876543321 years. okay, OA na. basta yan.

Lakad-takbo ako ngayon dito sa pathwalk, shet.

*Tugsh!

"Aray a!"

Sabi ko ng pagalit dun sa bumangga sakin na kala mo kung sino, di man lang lumingon. Leshe, late na nga may mang-babadtrip pa. Ughhhh!

Wait, san nga ba tong room ko? Room 143?! yak. Ang jeje naman. Seryoso? o baka typo lang? Ah peste kanino ko ba pedeng itanong to?!

Ayun! may gwapo! este may tao! Mukang male-late na din to dahil nagmamadali. Tutal naman nabad-trip ako kanina mangdadamay na lang ako sa pagkabad trip ko haha. Itsura nya yung tipong kulang na lang liparin nya yung room. Tapos biglang may magtatanong na pesteng tulad ko, ramdam mo? haha. Sorry poging kuya hihi.

"Kuya wait lang, alam mo ba kung san yung Room 143?"

Hinawakan ko sya nyan sa braso nya para pigilan sya, muka kasing di nya ko papansinin kahit tawagin ko pa sya. Ang awkward pa talaga ng Room no. , parang pipick-up line lang e. Leshe.

"Oo, dun din ako. Sumunod ka sakin. Bilisan mo late na tayo!"

Oh good Lord thank you po! I labyu talaga! <3 <3

A/N: comment muna bago yung next chapter para naman malaman ko kung epektib yung pagsusulat ko dito at ng sipagin naman akong magtype bukas!. haha. lakas makautos e noh, tas pa vote na din. hihi. labyu guys <3

Just MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon