Revenge

165 5 1
                                    

Lord.. pinapangako ko po...magbabangong buhay na ako.. hindi na po ako magrereklamo sa lahat ng bagay. Hindi ko na po kokontrahin ang labstory nila Kate and Luke.. Hindi ko na po ulit aawayin si Cam kahit inaaway niya ako.. Hindi na po ako mag-iisip ng masama.. Hindi ko na po lalandiin si Mike. Titigilan ko na po ang pagnanasa sa kanya... Basta po kunin niyo na po ung lalaking nasa likod ko ngayon na walang tigil kakasipa sa upuan ko ... Gagawin ko po lahat ng gusto niyo.. kahit pumasok pa ako sa kumbento gagawin ko po .. Basta---- ARAY! Shetee namn tong' lecheng istup*dong lalaking toh! Kitang kita na nagdadasal! 

"Ano bayan?! Tumigil ka nga jan!!!" inis kong sabi. "Kitang nagdadasal eh!"

"Am I doing something to you?'' sabe ng istupidong toh...

"UGHHH!!!"

Lord... kung mahaba-haba pa ung lifespan niya... paki sabe n lng baka po ako ang tumapos sa lintik nyang buhay. Sayang lang po ang buhay niya.. Naniniwala po ako sa mga sabihan na pag namatay ang tao mayroon din na ipinapanganak. Inaalay ko na po ung buhay niya para sa isang mabuting at kyut na sanngol... At----- LINTEK NAMN OH!!

"HOY STUPIDO! Nakakapikon ka na ah!!!!" napatayo ako sa harap niya sa sobrang inis.

Hindi ko namalayan na nakatingin na sakin ung mga classmates ko. Hayyy nakakhiya na toh ahhh.. ngayon lng ako gumawa ng eksena in my life! At eto nmng stupido nakasmirk lng saken...

"Kyaaa!!! Ang gwapo-gwapo niya!!! Pamatay ang smile!!" hiyawan ng mga babae. Pamatay ba ung smile nya? Edi salamin lng ang armas ko dito para pagnagsmile siya... siya ung mamamatay ayy wag na.. baka bumigay din ung salamin malasin pa ako ng 7 years.

"Ms. De la Cruz. Di ba sinabi ko na sa'yo ang rule ko?" Sheeeet!! nakalimutan ko! Religion class pala namin ngayon at si Ms. Perez ang teacher namin!! Sa lahat ba nmn ng teacher sya pa?! Ayoko pumunta sa detention room!!!! Ano nangyari sa good vibes ko kaninang umaga? T___T

"Ms. De la Cruz, ayokong maulit ito." dahan-dahan akong humarap sa teacher ko. "Pumunta ka ngayonsa library at sagutan mo ang quiz mo ng mag-isa. Bumalik ka dito kapag time na. Sa susunod na gawin mo toh.. Detention Room ka na agad! Understood?" 

"Yes, Ma'm... I'm sorry." tapos kinuha ko ung test paper ko at pumunta sa library. At eto naman si Stupido sinundan ako ng tingin at ningitian ako ng nakakainis.... RAWR!!!!!!!

--------

Hayyy  buti na lng Recess na agad. 

"Bestieee!!!!! I missed you!" Awww ang sweet naman ni Kate.. 30 minutes lng ako nawala namiss na ako.. ^____^

"Hi... tara kain na tayo..." sabi ni Cam. Ok lng ba sya? dapat inaasar na nya ako ngayon ehh.. Oo nga pala.. may eksena din pala sya kanina sa isa pang new student na hapon.. Di kaya... sya ung reason kung bakit bitter siya lagi pagdating sa love? FISHY!!!! 

"Cam!" sabay cling ko sa arm nya. Hehe clingy ako ngayon. "May dapat ka bang ikwento samin?"

Napatulala sya bigla. 

"Ah.. Best??" tanong ni Kate.

"Ahaha.. malalaman nyo rin next time.. wala ako sa mood ngayon. Sorry. Gutom lng yata toh ahaha.." walang gana nyang sinabi.

Ok... I understand her. She needs time. Di ko muna pipilitin si Cam. Di lang talaga ako sanay na ni kami nagtatatalo.

Naiwan si Cam sa table. Wala daw syang ganang kumain kaya kaming dalawa ni Kate na lng ang bibili ng food.

"Hon!" 

Napalingon kami sa likod namin. Si Luke lang pala....at hihihihi si Mike. Landi ko! Agad namn nakipagbeso si Luke kay Kate ko.>_____> hoy bawal PDA! Leche kayo!! Magaganyan din kami ni Mike! Aluhhhhh Landi ko na nga! Yieeee kinikilig ako!!

Mr. Perfect or Mr. Gangster?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon