Results

149 2 7
                                    

        Ang hirap ng tests! Sana makapasa ako kahit papano. Ang bilis ng araw, Wednesday na agad. Tapos na ang test namin. Labasan na ng results mamaya. Nakabalik na si Aly kahapon. Kawawa nga eh.. Mukhang pagod. Eh pano ang hyper ng mga bata niyang pinsan sa mother side.

         Hayyy Moving on.. Ok na hindi si Cam. Minsan active, minsan hindi pero madalas syang tahimik. Si Kate.. Ayun.. Nagmamadre mode na. Akalain mo naman during test nagnonovena? May kanta pa ngang Spanish eh.. tapos naglagay pa ng mga kandila sa table niya. Baliw talaga! Sabi niya na sabi ni Luke... Kapag pumasa si Kate sa lahat ng tests at kasama sa top 40 magvavacation daw sa Bataan at take note hindi lang silang dalawa ang magvavacation.. lahat ng gusto ni Kate isama.. Kasama.

Awww ang sweet ni Kate! Gusto din nya kasama kami sa date nya :3. Well Good luck sa kanya.. Mahina pa namn un sa Calculus at Physics at Over-all rank pa namn nya sa batch .. 60 out of 80. Not bad :)

Nandito kami ngayon sa Announcement board. Dito namin makikita over-all rank namin. Nako nagsimula na ang litanya ni Kate. May nakasabit pa nga kung anu-anong images ng mga santo sa uniform niya. May dala pang tatlong rosary sa kamay at may prayer book. Nakapalibot sa kanya ang isang maliit na bag na may laman na holy water at holy oil. Tapos sa kabilang kamay may apat na palaspas inigawayway pa nya. Matagal pa ang Palm Sunday! Ung totoo ang peg nya ba ngayon magpaalis ng masamang espiritu? Albularyo ang peg? Hala!! Nagsimula nanaman ung kanta niyang mala-espanyol! Simula nanaman ng panibagong novena. Di namn yata maggagambala lahat ng santo na dinistorbo niya. Sa daming dasal na sinabi niya baka matuwa si Lord at kunin siya. Ahahahahjokelang. Knock knock sa wood.

---------

Dumating na si teacher at nilagay ang isang pirasong papel sa board. Lahat nagkumpulan sa nang umalis si teacher. Ayan lahat  tahimik. Sympre ako nagsimula sa baba. Sympre para thrilling. Una kong nakita ang pangalan ni Kate. Hala kinakabahan ako... trinace ko kung anung rank ang nakatapat sa kanya.. >______> .......40!!!! 

"KATE!!!!!!"

"Aba ginoong Maria punong-puno ka ng grasya.." pikit effect pa sya

"Kate!!! Nagawa mo!!"

"Bestieee... Shhh.... I'm praying..." sabe niya..Ahahhaha bahala sya Late reaction sya mamaya.

Binalik ko ang tingin ko sa board at nagpatuloy ako sa paghanap ko ng pangalan ko. >______________>  Ahh eto! Kita ko na! rank number.........29!!!! YAY!!!! ansaya!! Naka-alis na rin ako sa rank na 30+ lagi ng lng ako dun eh...ACHIEVEMENT!!!

Pang-ilan kaya si Cam... 

>___________>

Top 5 pa rin. Galing! Kala ko sa sobrang depress nya bababa siya.. Galing ni Cam!!! Eh si Mikey-mylabs ko kaya.. >________________> hmmm UI! May nagtie sa Top 3! Hala bumaba si Luke... tie silang dalawa ni Gino. Tama nga si Cam.. Matalino nga ung hapong un. Naospital na nga Top 3 pa. buti nga nakapasok pa sya sa school on time. Hmp! Gangster namn at heart breaker pa!

OMG

Top 2 lng si Mikeymylabs! Sino naman ang walang hiyang nilalang ang pumalit sa labs ko?! Hmmmmmm... STUPIDO???!!! Matalino pala un? Ayyy siguro nangdaya un.. cheating... o di kaya ginamit nya ang charms niya sa mga teachers para maging Top 1 leche.

"KYAAAA!!!! BESTIEE!!!!! 40 ako!!!!!! Thank you Lord! Alleluia!!" sabe na nga ba late reaction nanaman si Kate. Ayan nagsisitalun sa tuwa at hinahalikan lahat ng imahe ng mga santo sa damit niya. Magselos sana si Luke. Sa bagay may St. Luke naman ehh. Ngeeee Korni.

Maya-maya dumating sila mylabs at si St. Luke hhehee. 

"Kate. Tigil-tigilan mo nga kakahalik sa mga santong yan.. nagseselos na ako." sabe na nga ba nagseselos na si Luke ahahahhah!

"BEE!!! I passed!" then lumundag si Kate papunta sa Luke. Then hindi napigilan ni Kate na i-kiss si Luke. Smack lng naman. Kahit na PDA. Ang loko.. nagblublush... Then kung anu-ano pinagsasabi ni Kate. Di ko rin maintindihan. Sobrang saya niya eh. 

"Hey Amy! Congrats! Taas ng itinaas mo!" bati ni Mike :"> Kilig ako

"Ahh.. eh... Congrats din sa'yo!" lambing effect

"Sus. Bumaba nga eh.. pero oks lng para mag-aral pa ako ng mas mabuti next time." sabay smile nya. Yan ang Mikey ko! Optimistic!

"A--Amy.."

"Hmmm?"

"Gusto mo maglunch tayo ulit?" uyyyy parang sunod-sunod ang pagyaya niya sakin ng lunch ah! Kinikilig ako!!

"Sure!" At sabay kaming pumunta sa canteen. :"> 

Eto na ba ang start ng falling stage? AYIEE!!!!

Mr. Perfect or Mr. Gangster?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon