Crushes

249 3 0
                                        

"Amy! Bilisan mo gutom na akoooo!!" sigaw ni Kate na atat na atat na pumunta sa canteen.

"Gutom daw? Nako Kate... ang sabihin mo may gusto kang makita!" sabat ni Cam

"Hoy Kate umamin ka nga.. may manliligaw ka ulit noh?" tanong ko

"Wala ah! ...wala.. pede ba ako na lng manligaw?"

"WEHHHH??!!!" nagkatinginan kaming dalawa ni Cam.

"Amy..may masamang espirito sumapi kay Kate..." sabi ni Cam

"Tara dalhin na natin sa albularyo bago pa lumaganap ang kasamaan!" sagot ko..

"Hindi kaya ginayuma siya? Kapag nalaman ko kung sino ang nagpagayuma kay Kate... mas gugustuhin ng hayo-este taong un na tumira sa impyerno!"

"Kung sino mang hayo-este taong nagayuma jan nako ipapasundo ko sya kay kamatayan!" 

"ANO BA?! hindi ako nagayuma or nasaniban ng mga ligaw na espirito!" awat nya samen. " meron kasi akong crush..." ayan nanaman ang pout niya .... sino ba hindi bibibgay jan?

"Tara hanapin na natin ung palaka-este taong un!" sabi ni Cam. 

Nang dumating kami sa canteen.. biglang tumahimik si Kate. Siguro wala ang crush nya dito.... Hayys mas mabuti nang kumain at iba n lng ang pag-usapan.

Pabalik na kami sa classroom nang bigla kaming sinalubong ng mga anghel na pinababa ni Lord para sa lovelife ko.  Joke lang. Nakita lng naman namin ang dalawang perpektong lalaki sa school na toh.

"Ahmmmm Amy?? Ok ka lng? Baka tumulo laway mo.." sabi ni Cam sabay kuha ng panyo

"Che! wag ka nga! nagcoconcentrate ako ehh!" sabi ko. "Nako nakita mo lng ung Mikeymyloves mo dinedma na ako!" sagot nya.

"Michael... Kailan mo ba ako mapapansin?" TT___TT

"Baliw..." bulong ni Cam. "Lakasan mo para marinig ka nya! Sa tingin mo maririnig yang bulong na yan? ahahhahaha!"

"Panira ka ng day dream! maghanap ka ng crush mo para may pagtuluan yang laway mo sayang yan! hahhhahah" 

"Asus! Ayooko ng Labstory na yan panira yan sa studies ko! mas mabuti pang sayang ang laway ko kaysa masayang ung puso ko BOOM!"

"Che! Manahik ka---" 

"Amy.... Cam.... siya ang crush ko..." Putol ni Kate sa sinasabi ko..

Napatingin kami ni Cam sa isa't-isa at mukhang nagkaintindihan kami...

magkaribal kami ni Kate...

Mr. Perfect or Mr. Gangster?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon