Hindi ko pa rin alam kung saan ako dadalhin ni stupido. Nandito kami ngayon sa parking lot. Tumapat kami sa black Porsche niya. Edi siya na mas mayaman. Ang ganda ah! Teka... may lisensya na ba tong taong toh?
"Hoy, Stupido! Kelan ka pa natuto magdrive? May lisensya ka ba? Kung may balak kang patayin ako.. wag na! Mahal ko buhay ko!" sabe ko.
Inopen nya ung door ng passenger seat para sakin. "B*tch. I got a license. If I want to kill you, I will make sure that I will not put myself at risk. Get in." -________________-
Ayy gentleman na sana kaya lang... hmp! Makapasok na nga lang minsan lang ako makasakay sa Porsche. Eto na nagdridrive na siya.. Nagsign of the cross ako. "Lord, please bless our way. " bulong ko sa sarili ko.
"Hey, I know how to drive. Stop that" sabe niya
"Hey ka rin! Masama ba magpray? Gusto mo magrosary pa tayo hanggang makarating tayo sa pupuntahan mo eh. San ka ba pupunta?"
"Somewhere. And it's obvious that you're going with me."
"Hoy hindi ka man lang nagpaalam! Ayoko makadate ka noh!"
"B*tch. It's not a date." Then tingnan niya ako na parang ineexamine ang mukha ko. "You're not my type."
"Hoy! Maganda ako... hindi lang halata" ganti ko. Sige Amy magyabang ka pa!
"Don't praise your self too much."
"Ang saket mo magsalita ah! Hmp!" then nagcross arms ako para mukha na akong nagtatampo. Totoo naman eh.. Sino ba naman matutuwa kung sasabihan kang panget indirectly.
Nagsmirk siya. "I like your face when you're annoyed."
Napatingin ako sa kanya.. Totoo ba un? Pinuri nya ako? Ano ba dapat ma-feel? Nainis or matuwa? wag na nga lang.
Tahimik ako sa biyahe namin. In fairness ahh..ang bango ng sasakyan niya. Ung bango na hindi masakit sa ilong.. basta eto ung pabangong gusto ko sa lalaki. Hindi matapang... parang seductive nga eh. AMY! Ang mga iniisip mo .. STAPH!! Nabibingi na talaga ako sa katahimikan dito."Stupido... san ba tayo pupunta? Ayaw mo ba makuha ung award mo?" panimula ko
"I don't care about my awards."
"Pwes, ako oo! Magaling kaya ako sa Chess dapat lang na may award ako!"
"Really? Well then, I challenge you."
"Sige ba! Matitikman mo rin ang bitterness ng loser! AHAHAHHAAHA!" pagmamayabang ko. "Huy.. pede magtanong?"
"You're already asking."
"Nung una kitang nakita.. sino ung humahabol sa'yo? Hindi kasi sila mukhang gangsters eh."
"They're my dad's enemies."
"Gangster din dad mo?"
"Nope. It's about business and politics. My dad actually did not agree with their unlawful projects. Then he hid the blueprint he made. He was cheated actually. Then he hid the blueprint somewhere and he also hid somewhere too."
"Wow. Grabe Engineer dad mo noh? Halata eh. Eh Ba't ikaw ung hinahabol?"
"They thought I know where my dad hides."
"So hindi mo rin alam kung nasan siya?"
"Yup. I'm searching for him. That's the other reason why I went to Japan."
"Ahhhhhh." Saklap naman ng buhay niya. Ang lungkot naman ng topic namin. "Soooo Saan na tayo pupunta?"
"We're here." agad-agad? Tumingin ako sa labas. WAW Ang ganda ng Castle! Ayyy-mansion pala... Ang laki ng gate ahh.. Automatic open pa.. O___O. Sosyal may fountain pa.. masabihan nga si Daddy na dapat ganyan din sa bahay namin. Bahay niya ba talaga toh? Baka driver lang siya dito. AHahhahahaha!! Anu naman gagawin ko dito? Yaya? Pede na.. mahal yata sweldo dito.. Laki ng lilinisan mo eh!
BINABASA MO ANG
Mr. Perfect or Mr. Gangster?
Novela JuvenilAno kaya gagawin mo kung interesado ang pinaka-perfect na lalaki sa school nyo sa'yo? At pano kung matagal mo na sya crush? Hard to get pa ba? Oo ka na! Eh pano kung may dumating na lalaki na mas hot pa kay crush pero isang gangster? Sino ang mas ma...