Prologue

18 0 0
                                    

"Dad, ayoko po talagang maghandle ng alin mang transactions niyo dito sa Pinas. Let Tito Ramon do the job." Pagmamakaawa ko kay Daddy. Papalapit na kasi ang annual Board Meeting ng Ramirez Group of Comapanies o RGC at gusto niyang ako ang maging local representative niya. Eh, hindi nga ako sumama sa kanilang mag migrate sa US kasi I don't want to live in their shadows.

"Hija, ano ba kasi ang problema at ayaw mo? Gusto ko lang namang matuto ka sa business eh. You are our only heiress, dapat lang na alam mo ang takbo ng mga negosyo that we are investing in." Hindi parin sumusuko si Dad. "I can always call on anyone hija, but baby I need you to step up please... Isa pa it will only happen in months from now. You have ample time to prepare." Now he is hitting my soft spot. Alam kasi ng Daddy na minsan ko lang siyang nasusuway. He always has his hold on me lalo na at alam niyang may alas siya sa akin.

I sighed heavily, wala na talaga akong kawala. "Fine, email me the details on what I should do." Defeated tone is so evident in my voice.

Humalakhak si Daddy sa kabilang linya. "I knew you couldn't say no to your old man!" Kapagkuway sambit ni Daddy.

"Do I have a choice though Dad? Ang daya niyo eh." I said in a childish tone.

"Sa aling banda kita dinadaya baby?" Natatawa at kunway tanong ni Dad.

Natawa narin ako "Ewan ko sa inyo Dad!" Nakakamiss ang ganitong biruan namin ni Dad but I have to endure it. Until I am certain then I will decide. "Please hug and kiss Mom for me." Iyon ang huli kong sinabi bago natapos ang pakikipag-usap ko kay Dad.

"I sure will. Kung bakit kasi hindi ka nalang sumunod dito. We missed you sweet pea! Hindi enough ang video call." Naglalambing na turan ni Dad kahit na alam niya na hindi parin magbabago ang desisyon ko.

Kung siguro wala si Steven sa US ay sumunod na ako kina Daddy at Mommy. I missed them big time. But I needed to stay here and endure my longing just so I could totally forget the feeling. I know I am being unfair and selfish but I believe this is for the better. Hindi alam ng mga magulang ko ang totoong dahilan. Baka kasi pilitin nila si Steven na gustuhin ako kapag nagkataon. Ayoko naman ng ganoon. Atsaka tanging ang bestfriends kong sina Marie at Penelope lang ang may alam ng rason ko. Pati narin sa lihim kong pagmamahal kay Steven. Even Steven doesn't know anything about my feelings for him. How I have been watching him from afar when we were so close. Ironic right?

**********

Kanina pa ako pabalik-balik sa dinaanan ko ngunit talagang nawawala ako. At sa kasamaang palad namatay pa ang battery ng phone ko. At ang pinakamalupit sa lahat hindi ko nadala ang purse ko. Naiwan ko sa sasakyan ni Marie na kung sa anong kadahilanan ay hinayaan akong maiwan sa lugar na ito. I am so poor with direction.

Kung nasaan man ako? Ay hindi ko alam ang sagot, kung bakit kasi hindi ko dinala ang kotse ko. Kahit naman sana paano ay may gps iyon, may installed waze din pero sukdulan ang katangahan ko't nakisakay pa ako kay Marie. Alam ko naman sana sa sariling hindi ako marunong mag commute at kung makapag commute man sanay, wala akong pera. 'What a day!' gusto kong sumigaw pero nakakahiya naman baka akalain ng mga tao isa akong baliw.

Inaagaw na ng dilim ang langit at ilang sandali nalang talaga at gagabi na. Well, I know I'm somewhere in Antipolo, we conducted random interviews kasi na assignment namin sa isang major subject namin. Kaya rin namatay ang baterya ng phone ko kakapicture for the documentation.

Anyways, I need to find a way to get home before it gets totally dark. Siguro maglalakad nalang talaga ako hanggang sa makakita ako ng isang matinong establishment, a convenience store perhaps where I could charge my phone or if not a pay phone itself at magpapasundo ako kay Marie. Paano naman kasi, ang lugar kung nasaan ako, hindi naman sana bundok pero parang masyadong naiiwanan ng civilization, walang payphone, wala halos dumadaang mga sasakyan. Creepy!

"Ining, ngayon lang yata kita nakita dito?" Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa gilid ko.

"Ha, ah... eh..." Nag-alangan ako, paano kasi ang sabi nila huwag na huwag magpahalatang nawawala ka at baka lokohin ka lang at kung ano pang gawin sa iyo. "Ay hindi po Manang, naghahanap lang po ako ng convenient store o kahit saang may pay phone po. Meron po ba rito Manang?" Tanong ko.

"Ah payphone ba kamo? Naku! Maglalakad kapa talaga sa kabilang kanto anak. Wala kasi dito banda. Kung wala man doon sumakay ka nalang papuntang simbahan doon maraming tindahang malalaki." Nakangiting sabi ng matanda. Nakahinga naman ako nang makita ang ngiti ni Manang. I find it genuine.

"Ganoon po ba? Thank you talaga Manang ha, hulog ka ng langit!" Napangiti ako kay Manang.

"Walang anuman ining. Naway patnubayan ka ng Dios. Sige na at baka talagang mas gagabihin kapa, hindi pa naman maayos ang mga ilaw ng mga poste sa lugar namin." May bahid pag-aalala na turan ni Manang.

"Ay! Oo nga po! Salamat po uli Manang." Pagpapaalam ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko na ang kabilang kanto na sinasabi noong matanda nang bigla kong naramdaman ang isang patak ng tubig na tumama sa aking balat. Kinabahan na agad ako. Wala akong payong at wala akong kakilala sa lugar na ito. Kung talaga namang gusto ng tadhana ang paglaruan ka. Sa kakatwang pagkakataon pa na ito. 'Wow naman wala na bang mas sasama pa sa araw na ito?' palatak ko habang naghahanap ng masisilungan. At dahil halos walang bahay ay madali akong nabasa ng mas lumalakas pa na ulan. 'Ikaw na talaga Lu! Hanep!' gusto kong magsisigaw sa inis but what good could it do to me though?

Panay ang lingon ko sa daan hoping to find a shelter from the pouring rain pero wala talaga. When I look up to the opposite side of the road, nakita ko ang isang building. 'Thank God!' at mabilis kong tinahak ang kalsada nang biglang...

**********

"Aray naman!" Palatak ko nang napasalampak ako sa maputik na kalsada. 'Ano ba iyong nabangga ko? Pader at talagang tumilapon pa ako.' sa loob-loob ko. Paikaika akong tumayo, na sprain pa yata ang ankle ko. Hapong-hapo na rin ako sa kakalakad at umuulan pa. Tapos, ngayon binangga pa ng kung sinong pader yata ang katawan.

"Stupid lady!" Narinig ko doon sa bumangga sa akin. Wait... What? Me, stupid aba!

"I'm sorry? Paki-ulit nga iyong sinabi mo?!" Halos manggalaiti ako sa inis. Abay siraulo, siya na nga itong binangga ako siya pa ang may attitude.

"Tss...!" Tanging sambit niya habang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang pa. Napatingin din tuloy ako sa aking sarili. At namilog ang mga mata ko nang nakitang bakat na bakat ang itim kong brassiere sa puti kong t-shirt. I crossed my arms to cover my breast.

"Stupid... Bakit kasi susuot suot ng manipis na t-shirt." Mahina ngunit enough for me to hear na hirit na naman ng estrangherong lalaki.

"Ikaw ha! Ikaw na nga itong binangga ako, ikaw pang may ganang tawagin akong stupid. Wala ka namang modo! Napaka ungentleman mo!" Pagmamaktol ko at unti-unti nang naglakad pero bago tuluyang nakalayo ay humirit pa talaga ako. "Pervert!" Tsaka mabilis na naglakad kahit na pipilay-pilay ako dahil sa sprain ko.

Nagulat ako nang bigla akong hinablot noong mama at dahil sa lakas ng paghila nito'y napasalampak ako sa kanyang matigas na dibdib.

"Ano'ng itinawag mo sakin?" Matigas na tanong nito.

Hindi ako umimik bagkus ay nagpumiglas ako para makawala sa kanyang pagkakahawak. But it was pointless, hinang-hina na talaga ako. Ang layu ng nilakad ko sa gitna ng malakas na ulan. I haven't had my dinner yet and worst I sprained my ankle just because of this random stupid, perverted guy.

"Tss... Now I get it... Bakit nga ba hindi ko napansin agad?" I saw the guy smirked when I looked at him.

Nagulantang ako nang bigla niya akong kaladkarin. "Hoy ano bang ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako!" Palatak ko habang hilahila parin noong lalaki. Kung sanay nakapaghapunan lang ako, nabigyan ko na ito ng flying kick ko.

"Binangga mo ako diba? You planned it nang makabingwit ka ng lalaking magbabayad ng malaki sa'yo tonight." And he plastered that smirked again. "Well, lets make that pay worth it!" At mas binilisan pa nito ang paglalakad habang kinakaladkad ako...

***********************************************************************

A/N - The characters and places mentioned are all based on either the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to resemblance to actual people, living or dead or actual events are purely coincidental.

If I See You AgainWhere stories live. Discover now