Luisa's Pov
Parang tinakasan ako ng buhay sagklit nang makita ang resulta sa pregnancy test kit. Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi maaari ito. Hindi pupwedeng ganito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pangatlong ulit ko na ito at lahat ng resulta ay pareho-pareho lang. All showed two bold red lines.
Yes... I am pregnant...
My! Ano'ng gagawin ko? Napapasabunot ako sa aking buhok mula pa kanina. Kanina pa ako nagpabalik-balik ng lakad dito sa banyo ng room ko. Kanina ko pa rin tinatawagan sina Marie at Penny ngunit ni isa man sa kanila walang sumasagot. Kagagaling ko lang sa doctor kanina at sinabi niyang baka buntis ako. Kaya she suggested I should buy pregnancy test kit. Umayaw kasi ako na doon gawin sa clinic at baka makarating pa kina Mom and Dad. The hospital's owner is a good friend of Dad and Tito Carlos kaya I am sure makakarating agad sa kanila. Maaaring napakiusapan ko si Dr. Carlson but hindi ko na siguro mapapakiusapan ang lahat ng hospital staff kapag nangyaring doon ako nagpa pregnancy test. Natatawa akong naiinis sa sarili. Naiinis sa pagkakataon, kung bakit ito nangyayari sa akin ay hindi ko na talaga alam. Mabait naman akong tao, wala naman akong maalalang inagrabyado ni minsan man sa tanang buhay ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang takbo ng buhay ko. Ito naba ang parusa sa akin ng Diyos sa ginawa kong pagtikis kina Mom and Dad noon?
Isang ring mula sa cellphone ko na nakapatong sa may sink ang nagbalik sa akin sa kasalukuyan. Kaagad kong kinuha iyon at nakitang si Steven ang tumatawag. Napangiti ako ng mapait when I thought about what we've talked last night. Kung siguro nagkaalaman kami ng mas maaga ay hindi ito mangyayari sa akin ngayon. Hindi ako mabubuntis ng taong may sarili ng pamilya. Mapakla na naman akong natawa. What a life!
"Hey! Kumusta ang check-up mo? Sino'ng kasama mo? Sina Marie at Penny ba? Ano'ng oras ka'yo natapos? Masyado kasi akong naging busy sana..."
"I need someone to talk to. Hindi ko mahagilap isa man kina Marie at Penny." Pinutol ko ang iba pa niya sanang sasabihin.
"Bakit? Ano'ng nararamdaman mo? May sakit kabang iniinda? Ano ba kasing sabi ng doktor?" Hindi maikakaila ang pag-aalala sa tinig nito. Napangiti na naman ako. Ngayon ko lang talaga napagtanto kung gaano ko siya na miss.
"Pupuntahan mo ba ako o maghahanap nalang ako ng ibang kausap?" Kunwa ay nagtatampo kong tinuran sa kanya.
"I'll chose the first one and don't ever think about doing the latter. I'll be there in a few." At hindi na niya hinintay pang makasagot ako. Pagkatapos mag paalam ay pinutol agad nito ang tawag.
In no time nasa harapan ko na si Steven. Halos humahangos pa nga ito nang pagbuksan ko ng pinto ng kwarto ko.
Ginagagad niya kaagad ang aking mukha. At tinitigan ako mula ulo hanggang paa na animoy inaanalisa ang kalagayan ko.
"Ayos kalang ba Isa? May nangyari ba? Saang banda ang masakit sa'yo kung meron man? Sabihin mo at nag-aalala ako." Sunod-sunod niyang tanong na halos pigil ang hininga habang papapasok kami sa kwarto ko.
Imbis na sumagot ay napahagulgol nalang ako nang naisarado ko na ang pinto. Walang akong mahanap na salita, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Steven ang problema ko. Paano ba? Kaya iniyak ko nalang.
Mabilis naman niya akong niyakap. "Hey, what's going on? Ano ba kasing problema at nagkakaganito kang bigla? Sabihin mo naman sa akin oh. Ang hirap kasing manghula eh, alam mo namang mahina ako diyan. Naging manhid nga ako ng ilang taon sa'yo diba?" Puno ng pag-aalalang sambit niya habang hinahagod ang aking likod.
Natawa ako ng bahagya nang marinig ko ang salitang 'manhid' at tama siya. Sobra nga niyang manhid noon. "Tss! Kahit kailan ka panira ng moment eh."
"Pinapatawa lang kita. Nag-aalala talaga ako sa'yo nang sobra-sobra Isa. Kagabi kapa kasi eh. Parang may pinagdadaanan ka. Kaya sige na naman please, sabihin mo na upang malaman ko kung paano kita matutulongan sa abot ng aking makakaya." Masuyo nitong turan sabay sinusubukang hulihin ang aking paningin.
YOU ARE READING
If I See You Again
RomanceNanatili si Luisa Channel sa Pilipinas to totally forget her unrequited love towards the man she ever loved, Steve. Ngunit ang akala niya magiging tahimik ang kanyang paninirahang mag-isa ay binulabog ng isang Lance na minsay pinagkamalan siyang is...