Luisa's Pov
Dahil halos hindi ako nakatulog inaantok ako habang nasa klase. Buti nalang tapos na ang exams. I barely even manage to wake up 45mins before my first subject for the day. Buti nalang wala ako halos arte sa katawan and I don't put on make up. Buti nalang talaga kundi patay ako. Sa kauna-unahang pagkakataon sana ay malelate ako. Buti nakaabot pa.
_____
"Hoy baby! Ano'ng nangyari sa'yo kagabi? Care to explain?" Bungad agad ni Marie nang naabotan siya nito sa canteen.
"Oo nga, minsan ka nga lang sumasama ang aga mo namang umalis." Si Suzy naman.
"Sorry guys ha, babe. Nakatanggap kasi ako ng message kay Daddy at tinawagan niya ako. Alangan namang sagutin ko doon sa bar? Tsaka hindi noon aakalaing mag babar ako." Pagsisinungaling ko, I felt bad.
"Tsk! Si Tito Rod talaga galing ng timing." Naiiling si Marie.
"Tsaka hindi ka naman na minor de edad Lui, I'm sure Tito Rod would understand kung bakit ka nandoon." Singit naman ni Suzy.
"Suzy, kahit na hindi parin ako komportabling malaman nila. Baka sabihing nagbubulakbol ako dito kaya hindi ako sumama sa kanila doon. Baka bigla akong sapilitang pasunurin doon. Sayang naman at graduation na natin in months." Mahaba kong pagpapaliwanag.
"Hay naku! Huwag na nga nating pag-usapan iyon." Pakli naman ni Marie.
"Mabuti pa nga." Sang-ayon ko.
Maya-maya pay dumating naman si Angel na may malapad na ngiti sa mga labi.
"Anong meron?" Halos magkasabay kaming tatlo nina Marie at Suzy.
"Baka mapunit iyang labi mo sa laki ng ngisi mo mare." Suzy teased.
"Over ka naman Zy, hindi ba pweding kinikilig lang?" Awat naman ni Angel.
"Bakit nga?!" Naiinip na panabay na naman kami ni Marie.
Parang namang bulateng binudburan ng asin si Angel.
Babatukan ko na sana ngunit may narinig akong ngsalita sa likuran ni Angel.
"Hi Chan!" Anito at para akong pinako sa inuupuan. Anong ginagawa ng isang ito dito.
"Hindi mo sinabing kakilala mo ang isa sa mga certified hottest bachelor ng bansa." Angel whispered.
"Hot!..." Tanging nasambit ni Suzy habang titig na titig sa bagong dating na si Lance.
There he stood wearing a gray v-neck shirt paired with a trendy coat and partnered with a fitted maong. So simple yet bagay na bagay sa kanya. Parang model ng magazine na nagmaterialize sa harapan namin.
"Chan huh!" Malisyosong turan naman ni Marie.
"Babe..." Pabulong kong angil sa kanya bago tumikhim at hinarap si Lance.
"Hey!" Panimula ko. "W-what brought you here?" Wait, did I just stutter?
Napakamot naman si Lance habang tipid na nangingiti.
"Ahm... I was at the area kasi and since nabasa ko sa record mo na dito ka nag-aaral ng Law naisipan ko nang dumaan." Anito't bumaling sa mga kasamahan ko.
Nahimasmasan naman ako. "The records... right my profile..." I smiled but deep inside I want to smirk.
"Oh right! These are my friends. Marie, Suzy at Angel." At pagkatapos ay binalingan ang mga kasamahan ko.
"Guys, this is Lance. I bet you know him already right?" At nilakihan ko ng mga mata si Angel. Kung bakit ako kailan lang siya nakilala ay hindi ko alam. Masyado yata akong nakafocus sa ibang bagay these past few years.
YOU ARE READING
If I See You Again
RomanceNanatili si Luisa Channel sa Pilipinas to totally forget her unrequited love towards the man she ever loved, Steve. Ngunit ang akala niya magiging tahimik ang kanyang paninirahang mag-isa ay binulabog ng isang Lance na minsay pinagkamalan siyang is...