Luisa's Pov
Sinag ng araw mula sa nakabukas na bintana ang gumising sa akin. Mataas na nga pala talaga ang araw and when I looked at the time from my bed side clock. Namilog ang mga mata ko. It's past 8am na pala. Kailangan ko ng maghanda. Naman oo, bakit ba naman kasi hindi ako nag set ng alarm kagabi? Natatarantang bumaba ako sa aking kama at akmang pupunta na sa banyo only to stop midway...
"Baby! Halika...." hindi naituloy ni Penny ang sasabihin. "What the heck!!! Kagigising mo lang?!" Hysterical nitong sambit. Oh yes, ganoon talaga siya. Sanay na kami ni Marie.
"Sorry wifey, I forgot to set my alarm last night kasi." Pagpapaliwanag ko. "But don't worry, I'll be very quick. I'll be ready in a few. Why don't you go and wait for me downstairs?" Kako at patuloy na naglakad, ng mabilis patungong banyo.
"You should dahil ang dami pa nating gagawin today. My goodness naman kasi baby eh. Magpapasalon at spa pa tayo, mag shashopping ng susuotin mo at kung anu-ano pa. Naku! Ikaw talaga!" Nakahalukipkip na litanya ni Penny.
"And no... I am staying here hanggang sa matapos ka. Nang ma pressure ka naman te." And she sat down indian style on top of my bed.
I rolled my eyes on her. "Whatever wifey!"
Mabilis nga talaga akong natapos sa pagligo. Paano ba naman hindi eh ang ingay-ingay ni Penny kanina. Minu-minuto nalang akong kinakatok sa banyo. Ang nang mag breakfast ako, panay ang dada nito na talagang magagahol kami sa oras kaya halos hindi ko na nguyain ang hinaing pancakes ni Manang Auring sa akin.
"Bilis-bilisan mong magpatakbo baby, baka naging tuod na si babe kahihintay sa atin doon sa airport." Penny nagged.
Magbabakasyon kasi ulit si Marie dito sa States. At dahil gusto niyang mag celebrate ng graduation namin together ay naisipan ng parents namin na dito na e-celebrate. Kasabay ng grand openning ng isa pang branch ng REC Hotel, iyong pinuntahan namin ni Steven noong nakaraan. And speaking of Steven, hindi parin kami nakakapag-usap kasi sobrang naging busy siya sa grand openning na magaganap mamayang gabi. Well, sabi ko nga hindi naman na importante. But sabi niya, importante sa kanya kaya nangako siyang one of these days ay mangyayari ang pag-uusap na iyon. Para hindi na humaba pa ang usapan ay nag agree nalang ako. Wala namang mawawala tsaka, I don't feel anything bad nor anything special for him kaya safe parin ang puso ko. Siguro we just need this talk to at least clear things up and let him know how I felt for the past years we've been away. Perhaps, we could be back to being good friends again but probably not as close. Currently, we are being casual to one another, it's alright though at least sumaya ang mga magulang namin. Hindi kasi gaya noong mga nakaraang taon, we were... no I mean, I was avoiding him even when our parents were around. Kaya naman sobrang saya nila. Big deal kasi sa kanila ang pagbabati naming dalawa kasi nga naman, we are the future of REC chain of Hotels kaya dapat lang na nagkakasundo kami.
"Baby! Ang sabi ko bilisan mo nang makarating na tayo doon sa airport! Palitan kita diyan eh!" Angil uli ni Penny.
I sighed at her nagging. "Heto na nga po, bibilisan na nga po." I mocked. "Alam mo namang hindi parin ako sanay sa mga kalsada ng New York. Tsaka bakit ba kasi kailangan pang magpaganda ng todo para sa grand openning na iyan? Para namang it's just the first in this state eh pang-ilan na ang branch na iyan eh." Angil ko naman.
Humaba ang nguso ni Penny. "Kasi po, it's REC, dapat lang talaga bongga! Tsaka hindi kana nasanay eh ganito naman din noong nasa Pinas pa sina Tito Rod and the gang ah." Aniya at pagkatapos ay hinarap ako habang ako naman ay seryosong nagdadrive.
"What? I can't look at you too dahil baka mabangga tayo." Knowing Penny pag ganiyang seryoso ang mukha kailangang tignan mo talaga siya mata sa mata kahit saglit man lang.
YOU ARE READING
If I See You Again
RomanceNanatili si Luisa Channel sa Pilipinas to totally forget her unrequited love towards the man she ever loved, Steve. Ngunit ang akala niya magiging tahimik ang kanyang paninirahang mag-isa ay binulabog ng isang Lance na minsay pinagkamalan siyang is...