Chapter 28 Justify

1 0 0
                                    

Luisa's Pov

Nanghihina akong pumasok sa elevator at pinindot ang 75th floor kung nasaan ang rooftop. Nanlalambot ang aking mga tuhod kaya napahilig ako sa elevator wall for a support para hindi tuluyang matumba. Pinipigilan ko rin ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak. I can't cry, not in front of anyone aside from my bestfriends. Not in front of Steven lalo na at baka magsumbong lang siya kina Mom and Dad. Kaya siguro mas naninikip ang aking dibdib sa kakapigil na umiyak. Nang nasa 50th floor na ako nakaramdam na naman ako ng pag-iikot ng paningin.

"Crap! Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ako nahihilo?" Palatak ko sa aking sarili.

Pinilit kong kumalma ngunit kahit anong gawin ko, hinihila parin ng dilim ang diwa ko hanggang sa tuluyan na ngang pumikit ang talukap ng aking mga mata ng kusa. Babagsak na talaga ako, ramdam ko na ang malamig na sahig ng elevator. Nakapikit na ako'y gising parin ng kaunti ang aking diwa at bago pa ako tuluyang nilisan nito I felt a strong arm snaked around me.

"F*ck Isa!" Lihim akong nalungkot ngunit sino pa nga ba ang inaasahan ko? Tinaboy at sinaktan ko siya. At alam ko iyon na ang huli naming pagkikita kaya dapat lang iwaglit ko na siya sa aking isipan...

__________

Napangiwi ako sa nararamdamang pangangawit ng likuran at batok ko. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at bahagyang kumunot ang aking noo nang makitang nasa isang estrangherong lugar ako. Naala ko ang nangyari kanina sa elevator dahilan upang mapabalikwas ako ng bangon ngunit agad akong napadaing sa sakit ng ulong naramdaman ko. Sh*t! Ano bang nangyayari sa akin at nagkakaganito ako? Tanong ng isip ko habang sapo-sapo ko ang aking ulo.

"You passed out." Napaigtad ako sa boses ni Steven. May hawak-hawak siyang baso ng tubig na lumapit sa akin. "Buti nalang nasa labas ako ng elevator nang bumukas ito at nakita kitang pabagsak na sa sahig nito." Kapagkuway iniabot sa akin ang baso. "Here drink this nang mahimasmasan ka." Anito at seryosong tinitigan ako habang umiinom ako ng tubig.

"Ano bang nangyari sa'yo? Ang tagal mong nakasunod akala ko ano na'ng nangyari kaya babalikan sana kita pero iyon ang inabutan ko sa elevator. What's wrong with you Isa? Tsaka kahit naka make up ka ng kaunti kitang-kita ko parin ang pamumutla mo kanina. Para kang kasing putla ng kulay ng bondpaper. May dinaramdam kaba? Magsabi ka nga!?" 

Napaiwas ako ng tingin at iginala ang mga mata sa paligid. "Nasaan ako? Saan mo ako dinala?" Bagkus ay tanong ko.

"Nasa opisina kita rito sa hotel. I'm sorry kung nangalay ka, wala kasing bed dito sa opisina ko. Hindi rin kita dinala sa suite na nakatalaga sa akin dito at baka mag panic ka pagkagising mo. At huwag kang mag-alala walang nakakita ni isa noong binuhat kita mula sa elevator papunta rito. Busy ang lahat sa event sa baba. Sinagot ko na ang tanong mo kung nasaan tayo." Umayos ito at umupo sa sofa opposite sa kinauupuan ko ngayon. "Now it's your turn to answer me. Ano'ng nangyari sa'yo at bakit ka hinimatay kanina sa elevator. Na kung hindi pa ito bumukas on time ay baka nabagok kana sa sahig nito. Tell me what happen nang may maisagot ako kina Tita at Tito kung sakali man."

Napabuntong-hininga ako. Tita at Tito ulit ano pa nga ba? "Wala kang sasabihin at wala kang nakita. Simple. Nagpapasalamat ako at ikaw ang nakakita sa akin but please don't act as if you are concern about my well being because I know you don't really mean it. I am just an excess baggage to you, na kahit ayaw mong dalhin ay kailangan kasi sayang at may maghahanap, and that's my parents. Mga taong hindi mo gustong suwayin kaya naman kahit naiirita at gustong-gusto mo na akong itaboy hindi mo magawa. I know what you feel Steven and I get it kaya please huwag ka ng magpanggap at umaktong as if you care. Lalo lang akong naiinis sa'yo." Ipinatong ko ang baso sa center table at tumayo na. "Salamat uli..."

"Akala ko ba mag-uusap tayo?" Tiningala niya ako at pinukol ako ng seryosong mga titig. "Hindi ka pweding lumabas ng opisina ko hangga't hindi natin napag-uusapan ang nangyari sa ating dalawa. No I won't let you kaya bumalik ka sa pagkakaupo mo." Puno ng awtoridad na sambit niya kaya wala akong ginawa kundi ang umupo ulit kaharap siya.

If I See You AgainWhere stories live. Discover now