Luisa's Pov
Maaga akong nagising kinabukasan kaya naisipan kong mag gym sa pinakahuling palapag ng tower namin kahit na wala sa schedule ko for today. May pool right outside the gym and I thought that maybe I'd take a dip narin. Kaya naisipan ko na ring magdala ng rashguards. Hindi ko kasi hilig talaga ang mag bikini kaya bahala na kung kantyawan ako.
Pagdating ko sa gym, marami-rami naring nauna sa akin at halos puro lalaki pa talaga. Nag-alangan tuloy ako nang halos sabay-sabay silang lumingon sa akin. You see, I've been living in this tower for 5years but I never had acquainted with my neighbors. Kaya ni isa man ay wala talaga akong kilala.
"Lui! Why are you here? Diba bukas pa ang schedule natin?" Ay mali may kakilala pala ako dito, ang mga gym instructors.
Tipid akong ngumiti. "Ah...ano kasi, masyado akong napaaga ng gising tsaka sa hapon pa ang klase ko. Hindi na kasi ako makatulog uli kaya mas mabuti pang dito ko nalang palilipasin ang oras ko.
"Buti at nandito rin ako today." Ngumiti ang instructor ko. Kung titignan sa panlabas na anyo aakalain mong lalaking-lalaki pero ang totoo, lalaki rin ang kanyang gusto.
I took a rain check sa paligid at ngumisi kay Harry, my instructor.
"Ang sabihin mo, magpapasasa ka sa tanawin ngayon." Biro ko.
Gumanti naman siya ng pagngisi. "Abay natumpak mo gurl! Now let's get started na."
Makalipas ang halos dalawang oras ay nagpasya akong tumigil na and take a quick dip bago bumalik sa unit ko.
Kakabukas lang ng elevator sa floor kung nasan ang pad ko nang may namataan akong deliveryman sa tapat ng unit ko.
"Ahm... Excuse me,.." I tried getting the deliveryman's attention.
Sandaling napatitig sa akin ang deliveryman bago natauhan nang tumikhim ulit ako.
"Ah... Sorry maam, kayo po ba si Ms. Rodriguez?" Nahihiyang tanong nito.
"Yes, ako nga." Sagot ko naman.
Agad niyang inilahad ang hawak na bouquet of calla lilies. "Delivery po para sa inyo." Aniya.
Nagtaka naman ako. At sino namang nagpapamigay ng ganito ka aga ng bulaklak, it's barely 8am.
"Are you sure para sa akin iyan?" Tanong ko.
This isn't the first time for me receiving flowers but matagal-tagal narin noong huli akong nakatanggap and never been this early.
"Yes po, ang nakasulat dito ay Ms. Luisa Channel Rodriguez po." Nahihiyang ngumiti ang delivery man.
Complete na complete pa talaga ang pangalan ko ha. I just took it from his grip at pinirmahan ang receipt before he went off.
Nagtataka man ay hindi ko mapigilang mabighani sa bulaklak. Tulips is one of my favorite kind of flowers. In fairness ha, kung sino man ang nagpadala nito, he might have done some research.
Pero teka, 'he' ba talaga? Paano kung galing sa mga kaibigan kong babae? 'Eh bakit ka naman nila bibigyan niyan kung galing nga sa kanila?' tanong naman ng utak ko. Oo nga naman ba't ko ba naisip iyon?
Naiiling na pumasok ako sa pad ko. Inilapag ko ang flowers sa center table ko nang maalalang baka may card nga palang kasama kaya hinanap ko.
"I hope this will help brighten up your day even more!"
- L.R
Bumilis bigla ang tibok ng puso ko matapos mabasa ang nakasulat sa card.
I heard my phone ring seconds after. It's a message notification.
YOU ARE READING
If I See You Again
RomanceNanatili si Luisa Channel sa Pilipinas to totally forget her unrequited love towards the man she ever loved, Steve. Ngunit ang akala niya magiging tahimik ang kanyang paninirahang mag-isa ay binulabog ng isang Lance na minsay pinagkamalan siyang is...