Chapter 9 The Meeting

2 0 0
                                    

Lance' Pov

"I'm really sorry bro, I didn't expect na masisira si Charlie eh at ngayon pa talaga." Napasabunot ako sa buhok habang kausap ang kapatid kong si Larry. And yes, I have a brother, a twin to be precise.

"Okay lang, pasalamat ka nalang at hindi kayo nasiraan habang nasa himpapawid mas delikado iyon." Sagot naman ni Larry sa kabilang linya. Buti nalang at saktong he's on a vacation sa Pinas. Wala naman siya masyadong gagawin sa meeting nandoon rin naman si Dad. Kailangan lang talaga may kakatawan sa akin.

Chef si Larry at kasalukuyang naninirahan sa Italy. Alam niya rin naman kahit papaano ang business namin kasi pareho kaming pinagtrabaho ni Dad sa company during summer breaks back in the day at nasa dugo narin siguro.

Papauwi na kasi dapat ako via my private chopper nang may nakitang deperensiya ang piloto sa makina ni Charlie, the chopper. Kanina ko pa sinusubukang ayusin ngunit kulang kami sa pyesa kaya kinailangang tumawag talaga ng isang expert. Nagpa book narin ako ng ticket but the only available flight from Shanghai is at the afternoon, malamang the meeting had ended by the time na mag landing ang eroplano. But siguro makakaabot ako sa reception na hinanda para sa lahat ng board members.


*****

Luisa's Pov

I'm driving my way to the RGC building nang tumunog ang phone ko.

"Hi baby, are you on your way to the meeting already?" Bungad agad ni Dad.

"Yes Daddy I am." I answered.

"Pinadala ng Tito Ramon mo ang isa sa kanyang mga secretary nang may katuwang ka sa meeting." Ani Dad.

"Okay Dad, just send me her details so I will know who to approach pagdating ko doon."

"Okay hija, it should be in your email in just a few." Maririnig ang satisfaction sa boses ni Dad. "I'm glad you're really going there anak."

"As if naman kaya kitang tikisin?" I chuckled.

_____

Pagkarating ko sa harap ng building may nakaabang agad na mga naka uniform na mga lalaki at isang babae.

"Ms. Rodriguez, good afternoon po." Bati ng babae sa akin na namukhaan kong secretary ni Tito Ramon base sa pinadalang profile ni Dad. "Pakibigay nalang po ang susi sa kanya." Turo nito sa isa sa mga naka uniform na lalaki.

Agad namang tumalima ang lalaki at pinagbuksan pa ako ng pintuan. I said my thanks bago hinarap si Ms. Castillo at ngumiti sa kanya.

"You look good Ms. Rodriguez. Maganda ka nga talaga sa personal." Puri niya, nahiya tuloy ako.

"I didn't know Tito Ramon's executive secretary is a bolera." I chuckled a bit.

"Naku Miss, I'm not bluffing ang ganda niyo po. Bagay sa inyo ang corporate attire." At pinasadahan pa talaga ako nito mula ulo haggang paa.

I'm wearing a designer suit na pinadala pa talaga ni Mom from the US just for this meeting. I wonder what's the big deal of this meeting. I had my below the shoulder length hair down and curled the tip, I put on a little make up and some accessories.

"Oo na sige na, naniniwala na ako. Tara na at baka ma late pa tayo." Kapagkuway sambit ko.

Ms. Castillo explained some of the things that I needed to do during the meeting. Alam ko na naman ang gagawin ko but I still listened to her at least nakakampante akong hindi nag-iisa sa meeting na ito. It's my first time kaya.

Itinuro sa amin ng receptionist ang isang exclusive elevator para sa mga board members. Tinungo naman namin ang nasabing elevator. In fairness ang ganda ng building nila. Well what do you expect, they build buildings themselves and all their works are beautiful and amazingly done.

If I See You AgainWhere stories live. Discover now