Chapter 32 Gasthaus

2 0 0
                                    

A/N - medyo iilang chapters din na hindi natin nababasa ang nasa isip ni Lance kaya heto siya naman....

Lance' Pov

"Nasa bansa ngayon ang isa sa mga kilalang pintor sa buong mundo. Ang napakagandang si Lucha. Maugong din ang balitang hindi lang siya nandito for a vacation kundi dahil narin may gagawin siyang exhibits sa susunod na mga araw. Kung kailan man iyon ay pakakaabangan niyo dahil tiyak na hindi kayo magsisisi kapag nakita niyo ang kanyang mga obra. I for one has seen all her works back in Europe and I must say it's all worth your time. Ayokong maging too much of a spoiler. Stay tuned for more updates at kita-kita tayo sa exhibit ni Lucha na pinamagatang 'the beginning'."

"Pupunta kaba?" Bumaling ako sa nagsalita mula sa aking likuran.

"Ewan ko Dice, may saysay paba kung pumunta ako? Masasaktan at masasaktan lang ako. You know I've tried moving on for the past 6 long years pero hindi ko magawa-gawa. I've tried to play but it didn't work. Sinubukan ko namang pumasok ulit sa isang seryosong relasyon with Lara, hindi rin nagtagumpay. Mas lalo ko lang siyang naaalala at mas lalo lang akong nangungulila sa kanya." Mapait kong sambit kay Candice.

Naramdaman ko ang kanyang pagpisil sa aking balikat. "Oh I'm so sorry honey. Kung hindi lang sana sa padalos-dalos kong desisyon ay hindi mangyayari ito. Sorry is not even enough."

"It's alright Dice nagawa mo lang naman iyon nang dahil sa pagiging ina mo. I know you mean good for Kael and I can't blame you anymore for that. Seeing my Kael at least makes me happy. Ang alagaan ka'yo dito sa Gasthaus na tinutulongan mo naman akong palaguin. Some diversion. Ay sapat na sakin upang kalimutan ang ginawa mong iyon." Nakangiti ko nang salaysay.

Umiling-iling si Candice. "But it isn't enough. You know that. You even built this Gasthaus nang dahil sa alaala niyong dalawa. Kung hindi ko lang talaga ginamit si Kael noon..."

"Huwag mo nang balikan pa iyon Dice." Awat ko sa kanya.

"I know. I just can't forget the hurt in her eyes. Alam kong mahal na mahal ka niya Lance. At napakalaki ng puso niya. The moment she heard Kael's name agad siyang nagdesisyon ng ganoon. I didn't even have to tell her more than Kael's name. Masyado siyang matalino Lance." She chuckled a bit. "But seriously, she's worth the fight to me kaya sana pinaglaban mo." Seryosong saad ni Candice.

Mapakla akong ngumiti. "God knows I wanted to Dice. Pero noong pinuntahan ko siya sa New York, kinain ako ng selos, galit at sakit. Ang sakit-sakit marinig mula sa bibig niyang hindi na niya ako mahal. Hindi, mali. Hindi pala talaga niya ako minahal dahil all those times ang lalaking iyon lang ang nag-iisa niyang minamahal. I was just a passing fancy. A passing fancy Dice. Alam mo ba kung gaano kasakit sa puso ko ang marinig iyon mula sa taong pinakamamahal mo? Walang pasidlan ang sakit na naramdaman ko noon that I could even die any moment." Naiiling akong nagkwento ulit. Ilang beses ko na itong nasabi kay Candice mula noong kinupkop ko sila ng anak niyang si Kael. Ngunit parehong sakit parin ang nararamdaman ko.

She hugged me na tinugon ko naman. Nagpapasalamat parin ako at nandito siya. Six years ago nang binisita niya ako sa opisina, naalala ko pa, I was still so mad at her for leaving me for Jacob. But things changed...

**************6 Years Ago*********

"What the hell are you doing here!?" I was fuming mad nang sabihin sa akin ni Denise kung sino ang nasa loob ng opisina ko at naghihintay sa akin. Halo-halo ang naramdaman ko nang araw na iyon dahil kagagaling ko lang sa graduation ceremony nina Channel ng nagdaang gabi. At ang madatnan ang isa sa mga taong kinamumuhian ko ay mas lalong nagpainit sa ulo ko.

"H-hon... Calm down." Bakas sa mukha ni Candice ang takot.

"Don't you ever call me tha again woman! And who do you think you are? Ang lakas ng loob mong magpakita sa akin pagkatapos ng ginawa niyo ng demonyong iyon?! Umalis ka sa harapan ko, nasusuka ako sa pagmumukha mo. Kaya umalis kana at baka hindi kita matantiya!" Nanggagalaiti kong sigaw sa kanya.

If I See You AgainWhere stories live. Discover now