Chapter 11 Pursue

1 0 0
                                    

Lance' Pov

"Damn!" I cursed loudly.

"Pare, you've been cursing for hours. Ano bang nangyari sa'yo? Masyado bang na damage si Charlie at parang katapusan na ng mundo mo?" Si Ruan na pinuntahan agad ako nang nalamang dumating na ako. Hindi rin siya nakadalo sa board meeting dahil nagkaproblema ang isang site ng ginagawa naming condo at dahil wala ako, siya ang naatasang mamahala doon. Kakaresulba lang ng problema at saktong tinawagan ko siya upang ayaing uminom ngayong gabi.

"Abot kamay ko na siya Ru eh. Hawak ko na siya but I let her slipped away again." Nagsalin na naman ako ng panibagong alak sa aking baso.

"Sino bang tinutukoy mo?" Naguguluhang tanong ni Ruan.

"Sino paba? Sino pabang babae ang hinahanaphanap nitong sistema ko sa nakaraang mga buwan?" Frustrated kong sagot.

"You mean si Channel? Nagkita kayo? Saan? Kailan? Ano'ng nangyari?" Sunod-sunod niyang tanong.

Bumukas naman ang pintuan sa private room that I rented dito sa paborito naming bar sa Alabang. Iniluwa nito si Gino.

I gave Ruan my phone and let him read the article about Channel or Luisa or whatever. I did a research pagkatapos niya akong iwan kanina sa harap ng hotel.

"Only daughter and heiress of renown hoteliers Roderick and Paula Rodriguez. A graduating Law student at the University of the Philippines, running for Suma Cum Laude. Latest board member of Ramirez Group of Companies. Luisa Channel Garcia Rodriguez." Binasa ni Ruan ng malakas ang nakasulat sa article.

"Whoa! You mean this is the Channel you are talking about for months? Bigatin pala ito pre? At ngayo'y investor pa natin?" Manghang bulalas ni Ruan.

"Ayon naman pala, solve na pala ang problema mo eh. Umiinom kaba to celebrate? You finally found her." Umaliwalas ang mukha ni Ruan nang sabihin iyon.

"Teka...teka..." Singit ni Gino. Kinuha niya ang phone ko kay Ruan at tiningnang mabuti ang larawan ni Luisa.

Shock was evident in his eyes when he saw her picture. "Ito iyon... Siya iyon..." Bulalas niya.

"Sinong siya?" Sabay kami ni Ruan.

"Siya iyong sinasabi ko sa inyong naging pasyente ko months ago? Iyong pinuntahan ko sa condo niya dahil na sprain? Iyong mala anghel sa ganda? Siya iyon!" Natatawang turan ni Gino.

"Wow! Ang liit naman ng mundo talaga." Bulalas naman ni Ruan. "Akalain mo, you guys met the same woman but never thought they are." Naiiling na sambit ni Ruan.

"Tss! No wonder nag-aalangan akong pormahan siya. Iyon naman pala nauna kang makita siya pre. At dahil you were miserable during the past few months because of her, off limits na ako sa kanya." Nakangising sambit naman ni Gino.

"Dapat lang!" Sabay na naman kami ni Ruan.

"Whoa! Baka pagtulungan niyo ako ha." Kunwa'y nananggalang si Gino sa amin ni Ruan.

"Sira!" Si Ruan ulit bago bumaling sa akin. "Ano nga bang nangyari? We should be celebrating right?" Takang tanong ni Ruan.

Umiling ako ng sunid-sunod. "I messed up." Pag-amin ko.

"Masyado kasi akong na-excite when I saw her. Kaya noong napagsolo kami, ang dami ko pang sinabi. Ang dami ko pang satsat. Nagpaligoy-ligoy pa ako." Lumagok na naman ako ng alak.

"At higit sa lahat, I questioned her identity again. Just like I did the first time I met her." I sighed heavily.

Binatukan ako ni Gino. "Eh engot ka pala eh! Halos naging paralisado ka kakahanap sa kanya tapos ganoon ang ginawa mo? Eh kahit siguro ako maiinis sa'yo ng husto."

If I See You AgainWhere stories live. Discover now