Chapter 17 About Time

0 0 0
                                    

Luisa's Pov

"Guys sorry talaga... I really want to go with you kaya lang Mom just told me that they'll be here in 3weeks time already. Eh, hindi ko pa na check ang Mansion namin sa Forbes kung okay naba doon. Kahit naman may mga kasambahay parin doon, I need to go personally check how is it."

"Hay naku! Sige na nga! Tsaka may magagawa pa nga ba naman kami?" Si Marie na ngayo'y ang haba ng nguso.

Natawa ako. "Sorry talaga babe ha! Babawi ako."

Naglalakad kami ngayon papuntang parking lot. Nagkayayaan kasi ulit ang barkada na mag bar ulit. Gusto ko sanang sumama ulit but I really have to check our mansion.

"Oo na! Tsaka pakisabi kay Tita excited na si Mama na magkita sila. Ewan ko doon kung bakit hindi nalang siya ang magsabi." Buti nalang hindi na ito naka pout.

"Ahem...! Guys..." Pag-agaw ni Angel sa attention namin.

"O.M.G! Ang gwapo talaga!" Para na namang bulate ngayon si Suzy.

"Sino... bang..." Napalingon ako sa banda kung saan nakatingin ang dalawa.

There stood Lance leaning against his black Jeep. Looking dashingly handsome. Aist! Ano ba iyon, double adjectives. Anyways, ganoon parin naman ang attire niya. V-neck inner shirt, topped with a coat and a fitted maong. Napapaisip tuloy ako kung ilang V-neck shirt meron ang isang ito. Ngayo'y naka vintage shades pa. Mas lalo tuloy makalaglag panty ang dating. Ay ano na naman ba itong pumapasok sa kukote ko.

Ang daming estudyante ang napapatingin sa kanya. Dinig na dinig ko rin ang bulong-bulongan sa paligid.

"Diba siya iyong nasa cover ng isang sikat na magazine last month?"

"Oo siya nga! Ang gwapo nga naman niyang talaga!"

"Sarap sigurong maging papa iyan!"

"The ride! Whoa!"

"Sino kayang ipinunta niyan dito? How I wish ako nalang sana."

Napapailing nalang ako nang siniko ako ni Marie.

"So... Is that person you are drooling at the reason why you are not coming with us?" Untag sa akin ni Marie.

Napapitlag naman ako doon. I refuse to accept that I drooled over him.

"Babe! What nonsense are you talking about? Of course not! And I wasn't drooling no!" I defended.

"Tss! Defensive masyado!" At nagpatuloy ito patungong kotse niya.

Napasunod ako ng di oras kay Marie.

"Babe teka nga! Ba't ka nang-iiwan bigla?" Napalingon naman ako kina Suzy at Angel na nooy nakatunganga parin kay Lance.

Marie smirked at then. "Kahit kailan talaga ang dalawang iyon..." Naiiling siyang bumaling sa akin. "Eh, ikaw ano pang tinutunga-tunganga mo diyan?! Pumunta kana doon sa Prince charming mo." Pagtataboy niya.

I pouted and hugged her. "Babe naman! Hindi ko nga alam kung bakit nandito siya eh. Nagkataon lang talaga. Huwag ka nang magalit pls...." Paglalambing ko habang nakayakap parin sa kanya.

"Oo na! Sige na naniniwala na ako." At kapagkuwa'y napangiti ito.

"Alam ko namang paniniwalaan mo ako eh. Hehe...! Love you babe!" And I kissed her chicks.

"Baby! Oo na nga diba, talagang sasabihin na ng mga taong tibo nga tayo. Wala pa naman si Marco dear ngayon." Pabirong sambit ni Marie.

"Siya sige na, puntahan mo na ang isang iyon at baka matunaw kana sa kakatitig niya sa'yo."

If I See You AgainWhere stories live. Discover now