Luisa's Pov
Kaagad kong binawi ang kamay kong hawak-hawak parin ni Steven nang nasa pinakagitna na kami ng dance floor at wala ng mga mata ng ni isa mang miyembro ng press. Hinarap ko si Steven at inirapan nang maalala ko ang sinagot niya sa press kanina nang tanungin about us becoming a couple.
"What was that earlier?" Nakairap parin ako habang tinatanong siya.
"What was what?" Painosente pa talagang balik-tanong nito.
"C'mon Steven, you know what I am talking about. Why do you have to tell them that? Baka mag assume sila, alam mo naman ang mga press. Gagawin nila ang lahat mabenta lang ang kwento nila and I am pissed with what you told them. If fate permits my foot!" I said with a smirk.
"Bakit hindi kaba naniniwala sa tadhana? Malay mo naman magkatotoo ang sinabi ni Tito Rod kanina? Just come to think of it, magkakaibigan ang mga magulang natin, at may pattern sila. But I don't think the same pattern fits us." Aniya na nangingiti.
"Pattern?" Curious kong tanong. "At bakit hindi fit sa atin ang pattern na iyon?" I looked at him with confused look.
"Hindi mo napansin? It's easy. Mom and Tita Emerald are best friends since time immemorial, sina Dad naman at Tito Rod mag bestfriends since high school. It's woman to woman and man to man. But for us, it's you and I. A woman and a man. Cross match. Iilan lang sa mag bestfriends na babae at lalaki ang hindi nagkakatuloyan. In most cases they end up marrying each other." He eplained smoothly.
Natawa ako ng kaunti sa tinuran niya. The nerve! Bestfriend?! Naalala ko na naman ang sinabi niya sa akin noon. Pinagmamatyagaan lang niya akong maging kaibigan dahil kailangan at dahil narin sa relasyon ng mga parents namin. Ang sabi niya, he wanted to part with me so bad so he can pursue girls without me as the hindrance. Ang sakit-sakit kaya noon. Kahit siguro wala akong nararamdamang pagmamahal sa kanya na higit pa sa isang kaibigan noon masasaktan at masasaktan parin ako sa mga sinabi niyang iyon. I'm just a human after all.
"We are not bestfriends, not then at lalong-lalo na ngayon and even in the future we will never be. You said it yourself remember?" Diridiretso kong sumbat sa kanya.
Hindi siya nakapagsalita, ewan ko kung bakit. Tinitigan niya lang ako ng mataman at pilit na hinuli ang aking mga mata. Ako naman, ayokong makita niya ang nanunumbalik na sakit na naramdaman na dulot noong nakaraan matapos ang nagdaang maraming taon. Ang sakit na hindi man niya ipinamukha sa akin ay tumagos parin sa puso ko. Ang marinig sa kanyang kulang nalang hilahin niya ang mga araw para dumating ang graduation at nang maalayo na siya sa akin. Ang marinig na kulang nalang isinisi niya sa akin kung bakit hindi siya nakakaporma sa mga babaeng ginusto niya noon. Ang sakit, ayokong maging bitter dahil wala na naman na dapat akong nararamdamang pagmamahal sa kanya. Tanging si Lance nalang talaga nag laman ng puso ko at feeling ko hinding-hindi na ito mapapalitan. Baka tumandang dalaga na nga siguro ako. Pero kay Steven? Hind ko na talaga makapa sa puso ang pagmamahal para sa kanya. At kahit sa pagkakaibigan nahihirapan ako kasi naaalala ko ang pagpapanggap niya noon. Kumukulo ang dugo ko.
Pinukol ko siya ng tingin matapos ang ilang sandaling pag-iisip. Hindi parin siya nagsasalita at nakatitig parin sa akin. Kaya nagdesisyon akong iwan nalang siya sa dance floor. Hindi rin naman kami sumasayaw. Ano pang punto nang pagpunta namin dito. Aalis na sana talaga ako at iiwan siya nang sa wakas ay nagsalita siya.
"Let's talk." Aniya sa seryosong tinig.
Seryoso ko rin siyang sinagot. "We are already talking."
"No we're not. We need to clear things up. Things from the past." Anito.
Ayoko sa ideang ma-uugkat na naman ang kahapon. Pero para narin masabi ko rito ang saloobin papayag akong makipag-usap dito.
"Start talking then, I'm listening." Kako.
YOU ARE READING
If I See You Again
RomanceNanatili si Luisa Channel sa Pilipinas to totally forget her unrequited love towards the man she ever loved, Steve. Ngunit ang akala niya magiging tahimik ang kanyang paninirahang mag-isa ay binulabog ng isang Lance na minsay pinagkamalan siyang is...