Chapter 1 Mistaken

11 0 0
                                    

Dahil mahinang mahina na ako hindi talaga ako nakawala. I nagged at him a lot pero walang epekto sa kanya at mas lalo pang binilisan at mas naging marahas ang paghila niya sa akin. May mga sinasabi rin siya but natataranta na talaga ako kung saan niya ako dadalhin. Nang tinignan ko ang aking relos halos maiyak ako, it's already 9pm hindi pa ako nakakapag dinner.


**********

"Naku Sir Lance ba't kayo nagpaulan ng ganyan?" May pag-aalalang sambit ng security guard sa lalaki na ang pangalan pala ay Lance. Ang ganda sana ng pangalan bastos naman. A big turnoff for me.

Hindi man lang nilingon nitong si Lance si manong guard na mukhang nag-aalala ng husto sa kanya. Wala siguro talagang puso ang isang ito.

Dumako ang tingin ni manong guard sa akin, nahihiya man dahil sa ayos ko'y nginitian ko parin si manong guard.

"Tss! Pati ba naman guard lalandiin? Masyadong malaki ang pangangailangan." Naiiling na sambit ni Lance kuno.

Teka, nakakarami na itong mokong na ito ha. Tinawag akong stupid, ngayon naman malandi? Ano bang tingin nito sa akin? Teka... I tried to analyze and...

"Wait... You think of ill of me don't you?" Tumigil ako sa paglalakad nang nakalabas kami sa elevator.

Hindi siya sumagot, he squinted his eyes and looked at me with it for a few minutes.

"So... Totoo nga palang may mga educated na nga na babaeng kagaya mo. Nakakapag english kapa and you enunciate well I'm impressed." At binuksan niya ang pinto ng unit sa tapat namin habang hawak2x parin ang aking palapulsuhan.

Now I am sure he's mistaken me for a prosti. I can't believe it. Do I look that pathetic in this mess? Napatingin ulit ako sa aking suot at naramdaman kong uminit ang pisngi ko when I realized something. 'Oh God! He must have thought sinadya ko ang magpabasa to show off my skin. This is ridiculous! How stupid can I ever be? Tama nga siya. I'm so stupid for not realizing sooner. But I've go to do something.

Bago pa ako nakahakbang paatras at subukang hilahin ulit ang kamay ay bigla niya akong hinablot. I almost lost my balance na kakaunti narin ang natitira. Talagang pagod na pagod na ako, ang sakit na ng paa ko at feeling ko magkakasakit pa yata ako.

"Please let go of my hand mister. Nagkakamali ka ng iniisip." Nahahapo kong sambit at sa maliit na tinig. "I need to go home already. I don't have any identification with me. My phone's battery got emptied and since I was soaked in the rain, I'm quite sure it's dead right now." I slowly explained. He let my hand lose a little bit but still holding it. "I....I... Am not a whore like you think I am okay. I got lost when we were doing a project. I've got carried away and lost my way. I am so poor with direction kaya I totally got left behind. I'm not used with commuting kaya naliligaw talaga ako. And it's my first time in that area. I left my car at the school parking, I left my wallet in my friend's car kaya I didn't had any other choice but to walk. And I got caught in the rain. I was trying to shelter myself from it when I crossed the street, due to the pouring rain, I was having a hard time looking kung may makakabangga ba ako o wala and I accidentally bumped into you." I explained further. Sana naman enough na iyon.

Ngunit muntikan na akong mabuwal nang hablutin niya ulit ang palapulsuhan ko. "And you think I will believe that?" And he harshly pushed me to the sofa.

Maagap akong tumayo dahil basang-basa ako, kahit napipikon na talaga ako ay may utak naman ako. Kababalik lang. At dahil sa agarang pagtayo, bigla akong nahilo. Bumaliktad yata ang mundo ko. Dahil hinang-hina na ako, sa mababang tinig... "I... need... food..." Ang huling katagang naalala kong binitiwan bago tuluyang dumilim ang aking mundo.


**********

Lance' Pov

Marahas kong binitawan ang babae at mabilis na tumalikod upang kumuha ng pampunas nang bigla akong nakarinig ng kalabog. Parang nagkaroon ng gulong ang paa ko at humarurot ako sa sofa kung saan nakahandusay ang babaeng kinaladkad ko. Parang may nagising sa puso ko nang nakita siyang parang tinakasan na ng buhay. Agad akong lumapit sa kanya to check on her and as I touched her forehead agad kong binawi ang palad ko. Inaapoy siya ng lagnat, and when I looked at her lips halos wala na itong kulay.

Napamura ako sa sarili when I realized what I did to this poor woman. Wala naman talaga siyang ginawang masama. Ako ang nakabangga sa kanya. I saw her coming but I didn't move to the opposite direction to avoid the collision. And when I saw her under garments showing off, I immediately judge her as a whore. Pero malay ko nga ba?

Dali-dali ko siyang kinarga at hiniga sa sofa. But then I realize, she was wet, not the green kind of wet. What am I even thinking right now? I cannot just take her clothes off, baka anong isipin niya pagka gising niya.

I decided to call one of my maids na nakatira lang sa maids' dormitory sa baba.

Nagbibihis ako nang tumunog ang intercom na nakakonekta sa kwarto ko. "Sir, tapos ko na pong bihisan si maam. Nakapagluto narin po ako ng congee nang mainitan po ang tiyan niyo. May iba pa po ba kayong kailangan Sir?" Detalye ng kasambahay ko.

"Wala na Ella, pakidala nalang ng mga damit niya sa guest room at ipapadyer ko sa kanya mamaya pagkagising niya." Alangan namang ako diba? Tsaka kahit naman pupwede talaga, hindi ko pinag-eextend ang mga kasambahay ko nang lampas hating-gabi. Paano kung bukas na magising ang babaeng iyon?

"Naku Sir! Kawawa naman po si maam. Inaapoy pa nga ng lagnat paglalabhin niyo kaagad pagkagising. Paano kung may lagnat parin siya pagkagising niya? Ako nalang po. Dadalhin ko na sa baba tong mga damit ni maam." Minsan talaga masyadong mabait itong si Ella.

"Hindi na, ako na ang bahala." I said with finality.

"Naku! Sigurado po kayo Sir?" May pag-aalalang tanong niya.

"More than sure kaya sige na, bumalik kana sa baba at matulog kana. Salamat sa tulong." Pagtataboy ko kay Ella kasi kung hindi ko siya itataboy baka mag presinta uling maglalaba ng damit noong babae.

Nang bumalik ako sa sala ay bitbit ko na ang first aid kit. Mag-isa man ako most of the time, kaya ko namang alagaan ang sarili ko. Kaya siguro naman kaya ko ring alagaan ang babaeng ito. Naku! Paano nalang kung magnanakaw ang isang ito?

But then, my parents raised me with the thought that, even when you may encounter misfortune by helping someone, as long as you gave your hand to help still, you will surely not regret. Kaya heto ako at inaalagaan siya.

Mataas parin talaga ang lagnat niya, 38.7°C. At dahil tulog siya ay hindi ko siya mapapainum ng gamot. Kaya nilagyan ko nalang ng fever patch ang noo niya. Naglagay din ako ng maligamgam na tubig sa maliit na palanggana at bimpo nang mapunasan ko ang kanyang katawan.

Sumulyap ako sa kanyang hitsura. Dahil wala akong damit pambabae, yes gwapo man ako at lahat, kailan man hindi ako ng-uuwi ng babae sa unit ko. I always do it somewhere else other than my place. Ngayon lang talaga, at isang babaeng mababa ang lipad pa talaga. 'Lance Mikael! Ano bang naisip mo at dinala mo siya rito?' kastigo ko sa sarili.

Pinasadahan ko uli ng tingin ang kabuoan niya. Magandang hugis ng mukha, defined jawline, noticeable chick bones, tamang-tama lang ang habang mga ilong, kissable lips na ngayon ay bumabalik na ang natural na pulang kulay. Sa tingin ko ang lambot ng lips niya. Teka nga, ang laswa ng iniisip ko. May sakit na nga't tulog ay nagagawa ko pang pag-isipan ng ganito. Well, who knows...

Hindi ko na naituloy ang kalaswaang naiisip ko nang bigla siyang umongol at nagsalita. "I am not a whore... P-please b-believe me... Pp-pleaseeee..." And she went back to sleep.

Binatukan ko ang sarili ko when I realized na kahit nahihirapan siya at nanghihina, she's still trying to make me believe that I was just mistaken...

If I See You AgainWhere stories live. Discover now