Lance' Pov
It's been days that I have been trying to contact Channel but I just couldn't. Ilang beses narin akong pabalik-balik sa mga lugar kung saan ko siya pwedeng puntahan at makita. Sa condo niya, only to find out na may iba ng nakatira doon. Sa Mansion naman nila sa Forbes ang sabi ni Yaya Lucing ay hindi siya nagagawi doon at hindi rin nila alam kung saan lumipat ng condo kung lumipat nga siya. Kung sa school naman nila ay hindi ko rin siya mahagilap, walang makapagsabi kung nasaan siya. Ang mga kaibigan niya naman ay hindi ako kinakausap. Para bang hindi nila ako kilala?
What is happening? Again? Okay naman na kami ah? Ano na naman bang nangyari? Ano na naman bang kahibangan ito? Ano na naman bang klaseng laro ang gusto ng tadhana? Eto na naman ako eh. And there she goes again. Bigla-bigla nalang nawawala na parang bula. Like she's vanish into thin air. Gone with the wind!
But what I don't understand is why? And how? How did we end up this way again? Ano ba?!
Napasuntok ako sa aking manibela.
Nasaan kana naman ba my sweet pea? Iniwan mo na naman ako ng walang paalam at walang babala. Kahit isang text, tawag o email man lang, wala. Bakit mo ba ginagawa sa akin ito? Ano bang nagawa ko na naman na naging dahilan ng pagkawala mo ulit sa piling ko? Pinaglalaruan mo lang ba ako?
Mga tanong na hindi ko mahanap ang mga kasagutan. Kung bakit nangyayari na naman ito ay wala talaga akong ni katiting na idea.
__________
Up Law School Graduation Day
Isa ako sa mga imbitadong panauhing pandangal sa Graduation Day ng paaralan nina Channel bilang kinatawan ng RGC. Taon-taon kaming imbitado dito dahil isa ang RGC sa mga benefactor ng paaralan. It has always been my Dad who attended for the past years ngunit I told him that I will this time. Sinadya ko talagang magpresinta sa event na ito. I was hoping I'd see the love of my life here.
Oo hindi parin ako sumusuko. It's been a month since the last time I saw her face. I've hired private investigator but hanggang ngayon wala parin akong natatanggap na balita. I missed her terribly.
I am so devastated, gabi-gabi ako sa bar at nilalasing ang sarili so that when I get back to my condo makakatulog agad ako. I even moved to a different unit, naaalala ko kasi si Channel doon sa lumang condo ko kung saan una ko siyang dinala noon. Minsan, sa sobrang kalasingan ko ay napapaaway ako, kung hindi nga lang dumadating si Ruan o di kaya'y si Gino, baka nasa kulongan na ako. I easily get irritated even with my own family, my Mom and Dad even to my Titos and Titas and cousins.
Ngayong araw na ito ay magbabasakali ulit ako. Dahil siya ang nakakuha ng highest latin honors I am sure dadating siya. Hindi ako papayag na hindi ko makuha ang kasagutan galing sa kanya. Ang kanyang paliwanag kung bakit niya ulit ako iniwan at hinding-hindi ko siya hahayaang umalis ulit. Ngunit kung sa anong kadahilanan ay sasabihin niya'ng ayaw na niya sa akin. Masakit man ay tatanggapin ko. Kung pinaglaruan niya nga lang talaga ang damdamin ko ay tatanggapin ko parin. But I really do pray she's not playing games with my heart. Dahil tatanggapin ko man ay magiging katapusan naman ng mundo ko iyon.
I promised myself that I will come up with a decision tonight. A decision whether to continue to hold unto her love or...
To.Let.Her.Go
**********
Marie's Pov
Naaawa na talaga ako sa kaibigan kong si Luisa. Ilang beses paba siyang masasaktan? Ang akala ko ay sasaya na siya noong sa wakas ay makalimutan na niya ang Steven na iyon. Ang akala ko'y si Lance na ang lalaking makakapagpasaya sa kanya. But for the second time, she was left hanging.
YOU ARE READING
If I See You Again
RomansaNanatili si Luisa Channel sa Pilipinas to totally forget her unrequited love towards the man she ever loved, Steve. Ngunit ang akala niya magiging tahimik ang kanyang paninirahang mag-isa ay binulabog ng isang Lance na minsay pinagkamalan siyang is...