Chapter 36 Lawa

0 0 0
                                    

Luisa's Pov

"Ano ba Lance! Akala ko ba ayaw mo pang bumiyahe papuntang langit?!" Palatak ko nang bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang manibela and pushed my foot away so he can step on the brake himself. Kung paano niya nagawa iyon ay ewan.

"Ang tigas kasi ng ulo mo. Sabing magdahan-dahan ka. Now move!" He demanded.

"At sino ka para utusan ako at sa sarili ko pa talagang sasakyan? Sipain kita diyan eh gusto mo?!" Angil ko.

"Sige gawin mo. Kita mo iyang sasakyang iyan?" Turo nito sa sasakyang medyo malakas ang takbo na nasa likuran ni blacky na ngayo'y kasalukuyang nakatigil sa kaliwang bahagi ng kalsada.

Buti nalang walang MMDA kundi patay ang license ko.

"Kapag hindi ka tumalina and let me drive blacky lalabas ako dito at magpapasagasa ako sa sasakyang iyan." Banta niya ngunit alam kong hindi niya gagawin takot nga siya kaninang ng drift ako eh.

"Go ahead! Takot na takot ka nga kaninang nag drift ako. Lolokohin mo pa ak.... Lance ano ba!" Mabilis kong hinawakan ang braso niya nang talagang humakbang siya palabas ni blacky. "Oo na! Sige na! Palit na tayo! Just don't do what you just did! Akala ko ba takot kang iwan si Chance you moron!" Naiinis habang nanggagalaiti kong saad.

At mas lalo akong nainis nang makita kong ngumisi siya na animo'y isinisigaw ang kanyang tagumpay na mapalitan ako sa pagdadrive. Well, iyan ang gusto mo ha, then... fine... be my guest... be my driver then... umibis ako sa driver's seat at mabilis na umupo sa back seat. Siya nama'y maliksing nakalipat sa kinauupuan ko kanina sa driver's seat. Dumaan ang ilang segundo ay hindi parin umuusad si blacky buti nalang talaga at himalang walang masyadong sasakyan itong kalsada malapit sa estate kung nasaan ang mansion nila.

"What now? Hindi kapa ba magmamaneho? Gusto mo balik ako diyan?" Humahalukipkip kong saad sa kanya.

"Tss! You're being difficult again. Just like the old times. Akala ko pa naman nagbago kana lalo na't may Chance kana, tayo." Naiiling niyang sambit.

"Habits are hard to change hindi mo ba alam iyon? Hindi kapa ba talaga magdadrive? Dahil kung oo umalis kana agad diyan at papalitan kita." I hissed.

"Tss! Heto na nga magdadrive na..." aniya at pinaharurot sa kung saang direksiyon ay wala akong pakialam basta mag drive lang siya ng mag drive.

Gusto kong makapag-isip and one way for me to do so mula pa noon is to have a drive around anywhere sakay kay blacky o kay pealan o kaya naman kay luce. May Benz kasi ako sa tatlong bansang pinamalagihan ko. Si blacky dito sa Pinas, si pealan sa NY at si luce sa London.

Kailangan kong ipunin ang sarili ko. I need to come up with a decision. Hindi pwedeng palaging ganito. Nagtataguan, naghahabulan. Nakakapagod na. Tama si Lance we need to end this game. And we need to end this na naaayon sa nararapat. Kailangang pangtuunan namin ng pansin ang mga taong nakapaligid sa amin at hindi lang ang aming mga sarili.

__________

"Channel, sweet pea baby, gumising kana andito na tayo." Boses ni Lance ang nagpamulat ng aking mga mata.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang nag-iisip. Inunat ko ang aking mga braso at bahagyang nangangalay. Iginala ko ang aking mga mata sa tanawin sa labas ng bintana ni blacky. The place looks very familiar.

"Nasaan tayo? Saan mo ba ako dinala ha Lance?" Sunod-sunod kong tanong. Hindi ko alam kung bakit pero parang bumigat ang loob ko nang tumungtong ang paa ko sa lupang inaapakan ko. My heart also hurt because of it abnormal beating.

"Tingalain mo ang nakasulat sa arc na nasa itaas ng ulo mo." Bagkus ay sagot nito.

Agad akong tumalima at humanap ng magandang pwesto upang mabasang mabuti ang nakasulat sa arc without hurting my eyes from the blazing sun.

If I See You AgainWhere stories live. Discover now