Luisa's Pov
"Sige na naman baby, samahan mo na ako sa mall. I need to do shopping, may date kami mamaya ni Marco. I'm finally meeting his parents." Excited na turan ni Marie.
"Babe naman ang dami kong kailangang ereview para sa debate sa makalawa." Angil ko. "Sina Myra nalang ang isama mo." Sinubukan kong kumawala.
"Baby naman eh, ikaw na lang sabi. Tsaka may mga naka schedule narin silang lakad eh. Si Marco naman kasi ngayon lang sinabi eh last week pa pala ako iniimbita nina Tita." Ngumungusong sambit ni Marie.
Ibinaba ko ang librong binabasa. "Sige na nga, but dapat hatid mo ako pauwi ha. Hindi ko dadalhin si baby black."
"Yey! Thanks baby!" She exclaimed at mabilis pa sa alas kwatrong nakalabas ng door ng unit ko.
Naiiling nalang akong sumunod. Bumuti-buti narin naman ang sprain ko kaya siguro okay ng mag malling. Halos araw-araw din akong tinatawagan ni Gino to check on me. Minsan nga kulang nalang sunduin ako sa school buti naman at napipigilan ko. I might be a novice with relationship but I am not stupid. May mga nanliligaw din sa akin kaya alam kong Gino is trying to hit on me.
Wala naman sanang problema, mabait siya at magkakilala ang pamilya namin but I no longer have my heart, naiwan sa condo ng taong iyon. Ni hindi man lang ako hinanap. Nakakalungkot but, what do I expect? I'm just a one night stand woman. Ang saklap namang isipin at pakinggan.
"Mag frappucino muna tayo baby." Hila-hila ako ni Marie habang papasok kami sa mall. Buti nalang naka keds lang ako.
"Babe naman hinay-hinay naman. Hindi naman tatakbo ang mall." Angil ko.
"Ang mall hindi pero ang oras oo." Sagot naman niya.
"Iyon naman pala then huwag na tayong mag frap, let's go shop for your outfit na agad." Minsan ang sarap kutosan ng bestfriend kong ito.
Tumigil siya sa panghihila sa akin. "Baby naman, nandito rin lang tayo might as well grab one." She even batted her lashes.
"Sagwa mong tingnan babe!" Napalakas ang boses ko kaya napalingon tuloy ang ibang nagmamall.
Bulong-bulungan agad sa paligid ang nasagap ng taynga ko.
'Sayang naman nila, ang gaganda pa naman!'
'Oo nga pang modelo iyong isa oh!'
'Ako sana ang babe mo!'
Napatingin tuloy kami ni Marie sa isat-isa. Napagkamalan na naman kaming mga tibo dahil sa endearment namin. But who cares, they can judge us however they want. Alam naman namin pareho ni Marie at ng mga kaibigan namin kung ano talaga kami. Both of us shrugged our shoulders at taas noong naglakad papuntang Starbucks.
_____
"Siguro kung naging lalaki ako baby, naging tayo talaga." Sabay hagikgik na turan ni Marie.
"Tss... Siguro ang lamya mo kung nagkataon." Biro ko.
"Aba! Hindi natin alam." Aniya at kumindat pa sa akin.
"Ehw! Kadiri ka babe!" Kunwa'y nandidiri ako sa kanya. But I know we're both straight. Tsaka head over hills yata ito kay Marco.
Hapon na nang matapos kaming namili. Pati ako namili narin, asungot kasi itomg si Marie at talagang pinagsisiksikan sa akin ang ilang damit. Kunsabagay hindi naman ako palaging namimili.
I decided to just go home on my own when I realized na kukulangin na ng oras maghanda ang maganda kong kaibigan. Anyway hindi naman na siguro ako mawawala...
YOU ARE READING
If I See You Again
Любовные романыNanatili si Luisa Channel sa Pilipinas to totally forget her unrequited love towards the man she ever loved, Steve. Ngunit ang akala niya magiging tahimik ang kanyang paninirahang mag-isa ay binulabog ng isang Lance na minsay pinagkamalan siyang is...