Chapter 37 Clear Things Up

0 0 0
                                    

Luisa's Pov

Tahimik akong sumunod sa kay Lance habang naglalakad siya papasok sa naturang lagusan. Naku-curious talaga ako sa lugar kaso dahil hanggang ngayon ay napakahina ko parin when it comes to direction, I never took my eyes off his back. I almost jumped when I heard a loud thud at napasinghap din ako sa gulat.

I heard him let out a laugh. "Tss! Badass driver kanina ngayon matatakutin naman pala." Nilingon niya ako with an amused look. "Don't worry, it's the gate closing. And I am here, wala kang dapat ikatakot. You're safe with me."

"Safe with you? Eh why do I feel much more like something bad is about to happen that I think I'm more afraid of?" Banat ko naman.

"Don't be such a pessimist will you? Nakakawala iyan ng kagandahan, magkaka wrinkles ka ng maaga." Agap naman niya.

Itinuloy niya ang paglalakad patungo na naman sa kung saan.

"Wrinkles? Sorry sir, I don't easily get one. At kung magkakaroon man ako nito, I don't care wala naman akong pinapagandahan. Tsaka kung magka wrinkles man ako, I'm sure maganda parin ako." Shocks kailan pa ako natutunong magbuhat ng sariling bangko? Ipinilig ko nalang ang aking ulo at mas binilisan ang paghahakbang nang mas makalapit sa kanya ng kaunti. Kaunti lang naman.

"Well, I couldn't agree more to that last piece you said. Kahit anong mangyari mananatili ka paring maganda." He chuckled sexily this time. "Ako nga even without seeing you for years now, I am still smitten by your goddess-like beauty."

"Tss! You and your sweet tongue!" Pero aaminin ko, kinilig ako doon but siyempre sa akin nalang iyon bawal niyang makita ni maramdaman. "Malayo paba iyong lungga mo? Ang haba-haba na ng nilakad natin ah. Talagang mawawa-poise ako sa'yo nito eh." Pahabol ko.

"Takot kalang pumangit sa harapan ng Steven na iyon!" Aniya sa napakababang tinig that I barely heard him say anything.

"Steven na naman? Bakit ba palagi mo siyang pinapasok sa usapan? Pinagseselosan mo ba ang tao? At kung oo, bakit naman aber?!" Tinanong ko pa talaga, hindi ba nga nagselos rin ako kanina kay Candice? Kakaloko tong sitwasyon namin!

Mabilis siyang huminto at humarap sa akin. Buti nalang nakapag-brake rin agad ako sa paglalakad kung hindi ay tumama na ako sa matitipuno niyang dibdib na sa tingin koy mas lalo pa yatang naging built matapos ang mga taong nagdaan. Ay ano ba iyan! Bakit ba napunta ang isip ko doon?

"Ba't kaba bigla-biglang humihinto? Ginugulat mo naman ako! Tsaka wala paba talaga tayo sa lungga mo? O baka naman wala talagang lungga dito? 'Pag ako pinagloloko mo Lance ha talagang matatamaan ka ng whirl wind kick ko. Hindi ko pa nasasabi sa'yo nag-aral ako ng self defense noong mag-isa kong pinapalaki si Chance to protect him and.." huli na nang marealize ko ang bigat ng mga huling katagang binitawan ko.

Dumilim ang kanyang anyo bago yumuko at tumalima upang magpatuloy sa paglalakad ng walang kaimik-imik.

Nagdesisyon nalang din akong tahimik na sumunod sa kanya.

"Iyan ba ang sinasabing lungga mo?!" Malalaki ang mga mata at nakaawang ang mga bibig na bulalas ko kay Lance. Tiningnan kong maigi ang aking harapan. May lungga bang ganito kalaki?

I am, I mean we are standing at a river bank. May isang maikling wooden bridge that is designed intrically na nakakonekta sa kabilang bahagi ng sapa. And there at the opposite side stood a very beautiful mini-mansion. Teka, may mini ba na mansion. Ewan! Basta hindi kasing laki ng tipikal na mansion at hindi rin naman kasing liit ng isang tipikal na first class na bahay. So siguro pwede naman akong gumawa ng sarili kong termino so I say it's a mini-mansion. It's painted with white-grayish color and a red-pinkish accent. Kayo na nga lang ang bahalang mag imagine ng ibig kong sabihin. And what brought more life to it is that, it is settled at the center of a very wide floral garden. Now I wonder, ilang hectares ba ang binili ni Lance o baka naman binili niya ang mga bundok na nakapalibot sa lawa... No way... But yes way, sa yaman ba naman ng mga Ramirez tapos dadalawa lang sila ni Larry. Well, I just shrugged my shoulders at the end. Kakapagod mag-isip.

If I See You AgainWhere stories live. Discover now