Chapter 34 The Girl Was Me

1 0 0
                                    

Luisa's Pov

Namlambot ang mga kamay kong nakahawak sa cellphone ko nang mabasa ang text ni Steven.

Steven: Chance' father is here. I even got the chance to talk to him and as I see it parang nagkamali ka noon. Nakausap ko rin si Lara na naging ex-girlfriend niya 4yrs ago. Ang sabi he never had a son and was never married. At hindi nagtagal ang relasyon nila because it never worked out. May ibang minamahal si Lance and definitely hindi daw iyong si Candice. You know Lara hinding-hindi siya magsisinungaling sa akin. Ano'ng plano mo? Baka magkabunong-braso kayo...

Lara? Naging sila ni Lara? Ha! Sobrang ang liit naba talaga ng mundo? Lara is a distant relative of Steven. Hindi ko akalaing... Wait... si Chance... kailangan kong mahanap si Chance. I can't let them meet yet. Lalo pa't hindi pa sigurado ang lahat. Alam kong hindi magsisinungaling si Lara ngunit paano kung nagkabalikan ulit sila ni Candice after Lara? That is way much possible right? Kaya hindi pwede. At kahit ganoon man, kahit wala man talaga siyang sabit gaya ng sinasabi ni Steven galing kay Lara ay hindi parin sila pweding magkita ni Chance. Ayokong gamitin si Chance just to get him back. No I am not like that, hindi ako pinalaking ganoon. I have to move and look for my son.

Papaliko na ako sa isang bahagi ng hall ng REC Makati na pinagdausan ng exhibit nang may tumawag sa aking pamilyar na boses.

"T-tita Luna! Hi po! Salamat po at nakapunta kayo, nandoon po sa may gitnang bahagi ng hall sina Mom and Dad." Nagmamadali kong sambit. I am in a haste. I have to find Chance before Lance does. "I'm sorry Tita, but can I talk to you later? I have to look for someone very precious to me." Halos habulin ko na ang hininga sa sobrang bilis kong pagsasalita.

"Luisa dear, catch some breathe will you? Nakakapangit iyang ginagawa mo." Tita Luna even laugh a bit but I can't. Emergency mode ako ngayon.

"Siya I won't hold you long mukhang napaka importanteng tao ang hinahanap mo." Sa wakas ay sabi nito.

"Salamat po. Maiwan ko po muna kayo. Babalikan ko po kayo once mahanap ko na ang hinahanap ko. Sa ngayon po..I really have to go..." kako at mabilis na tatalikod na sana...

"Sure hija... But wait..." napa about face ako when she said wait. May kinuha siya sa kanyang handbag na isang maliit na kahon. Kapagkuwa'y ibinigay sa akin. "I've been meaning to give you that but palagi kong nakakalimutan everytime. It's been with me for more than two decades already but I can't forget that it belonged to you. It's been always in my purse eversince good thing naalala ko kaagad ngayon. Take it and I hope it brings back good memories." At mahiwagang ngumiti sa akin si Tita Luna. "Siya, go ahead. But remember to open the box at pilitin mong alalahanin ang araw na iyon bago pa mahuli ang lahat." At makahulogang kumindat si Tita sa akin.

Pansamantala kong nakalimutan ang alalahanin tungkol kay Chance at ang posibilidad na magkita sila ni Lance. Bumaba ang tingin ko sa kahong hawak-hawak ko. It's quite tiny that I wasn't surprised it could fit in a purse. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa isang sofa sa bandang kanan ko upang doon maupo habang binubuksan ko ang box. The box looks vintage. Hindi ba ito pinalitan man lang ni Tita Luna? I remembered the smile on her face again at para akong natulos sa kinauupuan ko when I felt a shiver down my spine. Parang may alam siyang napakalaking bahagi ng pagkatao ko at nakasalalay ito sa box na hawak ko. What is going on? What's inside this box that I feel like something is weird na parang ewan, hindi ko alam. And to unveil all the mysteries that this box holds, I immediately openned it. When I saw the thing it contains, para akong binuhusan ng isang baldeng puno ng yelo. At kasabay noon ang pagbuhos ng mga alaalang I never thought it ever existed my whole life.

**Mahigit dalawang dekada ang nakaraan**

"Lu, Mom and Dad has to go down the conference hall. Hindi pwede ang mga bata doon kaya you stay in our room okay?" Ani Mommy nang may isang business trip sila ni Dad sa Macao at nagpumilit akong sumama.

If I See You AgainWhere stories live. Discover now