Chapter 22 Video of Her

0 0 0
                                    

Lance' Pov

I shifted from my seat when the Master of Ceremony took the podium.

"And now the graduate who received the highest honors will give her speech to encourage all the graduates in the life to come after tonight. Ladies and Gentlemen, isang masigabong palakpakan para kay Binibining Maria Isabella Aragon."

Napayuko ako sa nararamdamang kabiguan. Ang inaasahan kong nilalang ay hindi nga dumating. Buong akala ko ay siya ang aakyat sa entabladong iyan ngunit parang bumagsak ang lahat ng natitirang pag-asa sa akin nang iba ang tinawag ng Master of Ceremony. Inaantay ko pa namang marinig ang pangalang Luisa Channel Rodriguez ngunit hindi ko naulinigan. Instead I heard someone else' name. Na nooy si Marie pala. Mula noong nawala si Channel ngayon ko lang ulit siya nakita.

May alam kaya siya kung nasaan si Channel? Alam kaya niya kung saan ko pwedeng puntahan o matagpuan si Channel? Kailangan ko siyang kausapin mamaya. I need to get some damn answers. I need to get some clues. I deserve to know where she is, she's my girlfriend after all. At dapat, I should be celebrating this moment with her ngunit nasaan siya?

Nasaan ka na nga bang talaga Channel ko?

"Magandang gabi sa lahat, Our beloved Dean, Professors, guests and fellow students." Panimula ni Marie. "It's such an honor to be standing here in front of all of you. Ngunit, alam naman ng mga nakararami na sana'y iba ang nakatayo rito ngayon at hindi ako. Ganoon paman, nagpapasalamat parin ako at pinakilala ako bilang isa sa may pinakamataas na parangal, thank you Dean and my dear professors. Ngunit, I don't want to take this podium and stage all to myself." Tumawa si Marie

Na ikinataka ko. Mabilis kong itinaas ang aking mga paningin. At sakto namang nag roll ang isang VTR. I sat frozen when I saw the person on the video.

"I know you all miss her as much as I do. Lalo pa't itong gabing ito sana at ang kinatatayuan kong ito ay para sa kanya. However dahil sa napakaimportanteng bagay, kinailangan niyang lumisan. Pero bago niya ginawa iyon, she made this video of her message to all of you, to us. Media team, please help me out. Everyone, this batch's Suma Cum Laude, Ms. Luisa Channel Garcia Rodriguez. Thank you and God bless everyone."

Isang masigabong palakpakan ang pumailanlang sa buong auditorium ng paaralan nang bumaba si Marie sa podium.

Nang tuloyan nang makababa si Marie sa entablado ay pumalit agad sa center stage sa pamamagitan ng puting screen ang napakaamong mukha ng babaeng pinakamamahal ko.

"Hi everyone! It's such a shame I couldn't make it to tonight's graduation ceremony. Isa pa naman ito sa pinakaasam-asam ko. Things sometimes really don't turn out the way we wanted it to be. Just like tonight's celebration, sinong mag-aakala na sa lahat ng pinagdaanan natin sa buhay bilang Law Students ng pinakamamahal nating paaralang ito ay dadating at dadating parin ang araw na ito. I mean, hindi naman sa hindi ko iniexpect na mararating natin ito. But in the last years of our Law student life however, there are a lot of turning points, crossroads, setbacks that we faced. Iyong iba sa atin, hindi naman talaga binalak na mag Law, ngunit andiyan ka at nakaupo sa iyong upuan habang ang iba ay naman along the way ay tumahak sa ibang daanan, kumuha ng Medicine, iyong iba pumasok sa PMA at kung anu-ano pa. All I am saying is, everyone did a good job at nakarating tayo sa puntong ito ng ating buhay. The Law School graduation. Nakaraos din! I mean, we already graduated few years back but graduating from a Law School ay hindi parin basta-basta. Lalo pa't nasa paaralang ito tayo where all the professors are... of course the best of the best. Kailangan kong magpa good shots sa inyo pong lahat at baka hindi niyo po ako bigyan ng magandang recommendations." She paused for a sweet laugh and everyone in the auditorium did the same, including me. Oh how I miss that kind of laugh na minsan ko lang narinig but it's already recorded in my mind and heart.

If I See You AgainWhere stories live. Discover now