Chapter 31 Back

1 0 0
                                    

Luisa's Pov

Napapangiti ako habang tinitignan ang kabuuan ng condo ko sa dito sa malapit sa BGC. May pangatlong tore na nakatayo sa tapat nito. And I must say that the view becomes better kahit pa nga simpling building lang naman ito kung titingnan mula sa labas. But still at least sa pamamagitan ng salaming panlabas na dingding nito nakikita ko ang repleksiyon ng mga tanawin mula dito sa mga bandang hindi kita mula dito sa condo ko. RGC parin kaya ang nagtayo niyan? Kumusta na kaya sila? Pumasok na naman sana sa alaala ko ang mga taong konektado sa kanya ngunit kaagad kong pinigilan ang aking sarili. Mahirap na...

I decided to visit the other room I have in my condo. The room where I used to paint. My studio. Sinuyod ko ng tingin ang kabuuan nito at dumako ang aking mga mata sa huli kong ipininta. Ang ibat-ibang klase ng mga bulaklak na ibinigay sa akin noon ng taong pinakamamahal ko hanggang ngayon, dumaan man ang mga taon ay patuloy ko parin siyang minamahal. I just got back to the Philippines days ago. I refused to let myself be curious of whatever happened with his life kahit pa may sumusubok na bigyan ako ng update ngunit hindi ko hinahayaang makapagbigay ito ni katiting na impormasyon. I don't want to get hurt or get swayed or whatever. Basta ang ginawa ko lang sa lahat ng mga taong nagdaan ay mag focus sa isang bagay... at iyon ay ang pag-aalaga at pagpapalaki sa kay...

"Mom! C'mon! Daddylo and Mommyla must be waiting for us at the airport already. Lika na bilis!" Anang makulit ngunit ubod ng sweet kong si Chancelu.

"I'll be out in a minute Chance." At iyon ang tawag namin sa kanya. Because he is indeed the chance that was given by God for me to be happy. After sa magkasunod na heart ache, Chance came to the picture and gave me a chance to live and to love na walang takot na masaktan na naman.

"Kay Mom! Just be really quick please. I missed them both already, it's been a year since I last saw them sa New York."

"I know peanut! I missed them both too." Hindi kasi kami nakabase ng anak kong si Chance sa New York.

The day I learned about my pregnancy, inisip ko kaagad ang kahihiyang idudulot ko sa mga magulang ko kaya matapos kong sabihin sa kanila ang kalagayan ko sa pangungumbinsi narin ni Steven na huwag kong ilihim sa kanila ay napagpasyahan kong lumayo uli sa kanila. Kapakanan nila ang iniisip ko noon. Ayokong maging piyestahan sila ng press dahil ang anak nilang hindi nila nakita ng halos isang dekada ay nabuntis ng kung sinumang lalaki. Nagpapasalamat ako at ni kaunting galit at paninisi ay hindi ko narinig kina Mom and Dad. They were angry but not with me but with what happened to me. Hindi narin nila pinilit pang alamin kung sino ang ama at kung nasaan siya. Mabuti nalang at nirespeto nila ang desisyon ko. At higit sa lahat inisip ko noon ang kapakanan ng batang nasa sinapupunan ko, ayokong maging tampulan siya ng tukso at again ng press parin sa parehong dahilan. Kaya nagpasya akong manirahan sa Europe. May isa rin namang REC doon at iyon ang pinamahalaan ko pagkatapos kung manganak kay Chance. Walang nagtatanong sa pagkatao ng ama ni Chance doon at kung meron man sinasabihan ko nalang na nasa malayo at naniniwala naman.

Pinalaki ko si Chance na hindi inililihim sa kanya ang pagkatao ng ama niya. He even has his Dad's picture in his wallet and in his phone too. Tinuruan ko rin siya ng wikang kinagisnan ko para naman mahanda siya sa kung sakali mang bumalik kami sa Pilipinas na nangyari nga ngayon. And we are staying for good. May exhibit kasi akong gagawin sa susunod na buwan at kasama sa ededisplay ang mga gawa ni Chance. And yes, sa mura niyang edad at five ay ang galing na niyang magpinta. Gifted. He even surpassed me, kasi ako I started when I was 13 eh siya 10years younger. Natuto siya when he was only 3. And that makes me so proud of him more than ever.

I was juggling from taking care of REC and pursuing my career as an artist. I have been doing exhibits a few months after Chance came out. Of course all in abroad sa mga nagdaang taon at ngayon palang sa Pilipinas kasi ang konsepto ng paparating na exhibit is the beginning. Ipapakita dito ang pinakauna kong gawa hanggang sa mga kasalukuyan at dahil nandito sa condo ko ang lahat ng gawa ko noon at dito ako ipinanganak at pinalaki kaya dito gagawin ang exhibit. Ibig lang sabihin noon malaki ang posibilidad na magkita ulit kami ng ama ni Chance. But it's okay, hindi pa naman nangyayari at kung mangyari man well, let's cross the bridge when we get there ika nga.

If I See You AgainWhere stories live. Discover now