Luisa's Pov
I don't know kung ano'ng pinag-usapan nina Yaya at Lance but I do feel something odd about it. Nag-iba kasi bigla ang templa ni Lance. Biglang naging tahimik. Gaya nalang ngayon. Ang tahi-tahimik namin habang lulan ng kanyang sasakyan.
Ayokong mag-assume baka naman kasi talagang may importante lang siyang iniisip. Baka may problema sa office o kung ano man. Ayokong mag-assume na may isinalaysay si Yaya Lucing sa kanya na hindi dapat.
"You can sleep if you want habang nasa byahe tayo. Medyo malayo kasi ang pupuntahan natin." Pagbasag ni Lance sa katahimikan.
"Ha? Ah... hindi na, hindi kasi ako inaantok. Naparami kasi ang ininum kong coffee kanina." Kako at lumingon sa labas.
"Oh, alright. Ikaw ang bahala." Tipid na sagot naman ni Lance habang seryosong nagmamaneho.
This is too awkward... Hindi ko kasi alam kung anong plano niya at kung saan kami patutungo. Sinabi ko na sa sariling iiwasan ko na siya. Ayokong maging confused pa lalo. He's been giving me confusing signals kasi. Sometimes I feel like he trully cares for me as a woman. Minsan naman, I feel like he's just doing it kasi I'm the newest addition to their league. Minsan naman... hay ewan!
Ang nakakalungkot naman ay ni minsan hindi namin napag-uusapan ang nangyari sa amin months ago. Ganoon naba talaga ngayon? Wala na talagang halaga kung may nangyari o wala? What a sickening thing to think about.
With what happened between Steven and I, natuto na ako. Ayokong one day maririnig ko na naman na ginagawa lang niya ito out of obligation. That isang araw malalaman ko nalang na naiirita na siya sa aking presensiya. Na sasabihin na naman niya ang linyang naging dahilan kung bakit ako umiwas noon kay Steven. Na ginagawa niya ang lang lahat ng ito to please me, my Dad especially by taking care of me. To keep me, and to keep the business. I am not ready for another blow. Baka hindi ko na kakayanin iyon. Kaya naman habang maaga pa, habang hindi pa masyadong malalim ay aahon na ako sa pagkakalunod.
"Care to share what's runnin' in your head at bigla kang natutulala diyan?"
Agad akong napalingon kay Lance na nooy nakatitig pala sa akin. We stopped because of the traffic. Napatitig din ako sa kanya but then una siyang nagbawi.
"Wala naman, naiisip ko lang ang napipintong pagdating ng parents ko." I lied, partly kasi talaga namang iniisip ko rin sila but I am more of thinking about him though.
"Hmm... You missed them?" Aniya habang pinapaandar ulit ang sasakyan.
"Of course I do. Sino ba namang hindi?"
"How long has it been since you last seen them in person?" He asked again.
"Hmm... more than 5 years." I answered briefly.
"Ganoon katagal? As in wala man lang bang visits in between?" Nakakunot noong tanong niya at panandaliang tumingin sa akin.
Umiling ako bilang sagot.
"Bakit naman? You have all the means to do so. So as your parents. Bakit? I don't understand." Bakas sa mukha niya na naguguluhan.
"It was my decision..." tipid ko uling sagot.
"I see... Your decision...Bakit?" Ang kulit din ng isang ito. Akala ko pa naman titigil na.
"Kasi kailangan..." lumunok ako bago muling nagsalita.
"Kasi ang ibinigay kong rason ng pananatili dito ay gusto kong mamuhay away from them. Independently. Ayoko kasing palaging nakasunod sa anino nila. I wanted to strive on my own. Kasi kung sumama na naman ako sa kanila, sasabihin na naman ng nakararami na ginagamit ko ang impluwensiya nila which is absolutely the last thing that I would do." Mataman kong pagpapaliwanag.
YOU ARE READING
If I See You Again
RomanceNanatili si Luisa Channel sa Pilipinas to totally forget her unrequited love towards the man she ever loved, Steve. Ngunit ang akala niya magiging tahimik ang kanyang paninirahang mag-isa ay binulabog ng isang Lance na minsay pinagkamalan siyang is...