Chapter 8 Coffee

2 0 0
                                    

Luisa's Pov

Hinihintay ko ang tawag ni Dad habang nasa Starbucks ako malapit sa condo. Naisipan ko kasing mag coffee while reviewing. Nairaos ko na ang debate at ngayon naman ay exams na. Nasa last year na ako sa Law at talagang pahirapan na kaya kailangang pagtuonan ng pansin.

Confident naman akong makakagraduate ako but I don't want to slacken a bit. Kaya heto at kahit naghihintay sa tawag ni Dad sa facetime ay nagbabasa ako ng libro while sipping my coffee.

Maya-maya lang ay na ring ang aking phone sa tawag ni Dad.

"Hi baby!" Bungad agad ni Dad. I forgot to put my headset kaya napalingon tuloy ang ibang customer sa akin.

"Dad, wait let me put my headsets on." Paalam ko.

"So hows my baby?" Si Dad ulit matapos kong makapag headset.

"I'm good Dad. Nagrereview ako ngayon for our coming exams. Kayo po kumusta kayo ni Mom?" Balik-tanong ko.

"We're good sweet pea!" Biglang singit ni Mommy na bahagyang dumungaw sa screen. I suddenly missed hugging her.

'sweet pea!' suddenly echoed in my head. Sumagi na naman sa isipan ko ang mokong na iyon. 'Mokong that you missed!' Kahit kailan traydor tong subconscious ko.

"Hi Mom!" I forced myself to sound joyful. Although I am happy seeing them kahit facetime lang. Don't worry makakabisita narin ako diyan. I'm finally over with Steve.

I should be happy that I am kaya lang, the thought of that man blew my full happiness away. It's been months since that happened but I still couldn't help hoping I'd see him again. But then, I don't think I should sa panahon ngayon... Anyways, I should just focus on things that are far more important than my sad love life.

Ang dami naming napagkwentuhan nina Mom and Dad. We talked about the things that my Mom found interests in. Dad and I also talked about the Board meeting that I must represent him as the foreign investor. We have our own company both here and abroad kaya nga nandoon sina Dad at ang family nina Steve. And yes, magkasosyo ang parents namin that's how close our families are. Sila ang namamahala sa branch namin doon while my Titos and Steve's are the ones taking care here in the Philippines kaya nga pinagtutulakan ko kay Dad na kung pupwede ay isa sa kanila ang maging representative niya kaso...

"Hija, that investments is solely for our family. And diba ayaw mong sumunod dito? At least may pagkakaabalahan ka diyan." Iyan ang linyang panlaban ni Dad sa akin.

At dahil ayoko ng makipagtalo pa kaya sumang-ayon nalang ako sa kay Dad.

"Dad, ang sabi ko sasama ako sa inyo ni Mom sa US after my graduation. Siguro I will stay there for at least a month or two." I've decided to finally face Steve after years.

"Talaga anak?" Masayang singit ulit ni Mom, kasalukuyan kasi itong nababake kaya sumisingit lang.

I smiled as an answer. Alam kong miss na nila ako and I do to them. Lalo na si Mom kaya I already booked my open ticket for that though I am meaning to surprise them but no use alam ko namang malalaman din ni Dad.

"Oh I should prepare your room already hija." Bakas sa mukha ni Mom ang excitement.

"Mom! That's in months from now. Too early to prepare."

"Naku Luisa, para namang hindi mo kilala ang Mommy mo." Singit naman ni Dad.

_____

Dumating sina Marie at Suzy ilang minuto pagkatapos ng tawag ni Dad. Buti nalang at hindi magiging lonely ang buong maghapon ko.

If I See You AgainWhere stories live. Discover now