Chapter 6

2.6K 62 0
                                    

Pagtapos ng araw na yun dalawa na lang lagi kami ni City magkasama, Monday na ngayon at Wednesday pa simula nung nakusap namin sila, iniiwasan nila kami. Oo wala kaming karapatan na magdemand na pansinin nila kami, sino ba naman kami diba? isang hamak na transferee lang. We didn't mind at all kase di naman namin sila kaibigan, kakilala lang? maybe.

Nalate ako ng gising kanina kaya madaling madali ako ngayon, lakad takbo ang ginawa ko nang may biglang humarang sa dadaanan ko, dalawang babae at apat na lalaki. Tinignan ko sila at puro masasama ang tingin nila sakin

"Ikaw ba si Elaila?" mataray na sambit ng babae.

"Ako nga" sagot ko dito, medyo kinakabahan na ko. Mukhang alam ko na kung san nanaman papunta to, gulo nanaman.

Dalidali akong tumakbo upang makalayo sa kanila at laking pasalamat ko naman nung hindi nila ko sinundan pa.

Pagdating ko sa classroom wala pa ang teacher namin, nakahinga naman ako ng maluwag. Hinanap ng paningin ko si City ngunit wala ito sa loob ng room. I texted her instead.

To: City

Where are you? It's already time

Agad din naman itong nagreply sinabi nyang hindi sya makakapasok dahil may pupuntahan sila ng pamilya nya.

Dumating na ang teacher namin at agad din namang nagturo, Wala akong katabi ngayon siguro hindi papasok, kahit isa sa myembro ng L6 na kaklase ko wala. Ipanagkibit balikat ko na lamang ito at nakinig sa aming guro.

Nagring ang bell hudyat na break time na, agad agad ko namang inayos ang gamit ko at pumunta sa cafeteria.Nasa bandang gitna na ko ng cafeteria ng may humarang sakin, ito yung babae kanina.

"Where do you think you're going?" masamang tingin ang ipinukol nito sakin.

Agad namang dumating ang mga kasama nito kanina at pinalibutan ako. Nagbubulong bulungan na sa buong cafeteria, walang naglakas loob na makisawsaw sa nangyayari.

Nagtataka naman ako kung bakit ako lagi ang nakikita ng mga estudyante dito, prone na yata ako sa away.

"Cafeteria 'to, malamang bibili ako ng pagkain" inis na sabi ko dito dahil nagugutom na ko.

"Aba't ang sama naman pala ng tabas ng dila mo miss" saad ng isang lalaki, mukhang leader netong mga panget na to.

"Ang sama naman ng tabas ng mukha mo" pangasar kong sagot sa kanya, nagtawanan naman ang mga estudyante sa loob ng cafeteria. Sinamaan niya ito ng tingin at agad naman tumahimik ang buong cafeteria, taray parang magic

Dahil sa inis nito, sasampalin dapat nya ko ngunit may sumalag na kamay dito, tinignan ko ito at nakitang si Lennox pala ito kasama nya ang buong myembro ng L6.

"Pumapatol ka na pala sa babae ngayon Dylan? such a gay" natatawang saad nito at muling nagtawanan ang mga estudyante, pigil na pigil naman ang tawa nila Maron ngunit hindi din napigilan at humalakhak sila ng napakalakas. Inis na tumingin sa kanya si Dylan.

"What do you care Lennox" bwisit na bulyaw nito

"Not my girl" sagot nito at namula naman ako ng sobra, lagi nyang sinasabi yan pero hindi naman iparamdam. Am i being assuming now? well medyo crush ko din naman si Lennox, actually lahat naman ng member na lalaki ng L6 crush ko ang popogi naman kase.

Dahil sa inis ni Dylan nagmartsa ito palabas ng cafeteria, nagsisunudan naman ang mga alipores nito.

"Sino ba yun?" tanong ko sa kanila.

"D6, mahigpit na kaaway namin yun princess" Sabi ni Gale.

"Teka, Elaila kaya pangalan ko hindi princess" sagot ko sa kanya, nagpipigil naman ng ngiti ang iba kahit ang dalawang babaeng kinabubwisitan ko

"Whatever you say, princess" saad nito saka dumiretso sa pila para bumili ng pagkain, sumunod naman ang iba sa kanya at naiwan kaming dalawa ni Lennox sa gitna.

Tinaasan ako ng kilay nito at saka nag tss sakin. Teka inaano ko ba sya? Bat naiinis ang isang yun? Di ko na lang pinansin ito at lumabas na ng cafeteria dahil nawalan na ko ng gana. Dumiretso na ko sa classroom namin para maka idlip sandali.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya naman napaangat ako ng tingin, Si Lennox may dalang paper bag at agad inabot sakin.

"Eat" masungit na sabi nito, agad ko din namang kinain yun dahil parang biglang bumalik ang gutom ko, sandali lamang at naubos ko na agad ang binigay nyang pagkain.

"Thankyou sa foods" masayang sabi ko pero inismiran lamang ako nito. Sungit.

Dumating na ang teacher namin at agad din namang nagturo, mabilis lumipas ang oras at uwian na pala, Lumapit ang ibang myembro ng L6 sa gawi ko at nagtataka naman akong tumingin sa kanila

"W-what?" masungit na sabi ko, Agad naman akong hinila ng dalawang babae at agad sumunod ang mga babae. Dumiretso kami sa parking at agad akong pinasakay sa isang Van.

"Wait, where are we going" natatarantang saad ko.

"Just shut up" masungit na sabi ni Alysa.

Si Chester ang nagdadrive, katabi nito si Lennox, sa gitna naman kami nakapwesto nila Alysa at Siena, sa likod naman si Gale at Maron. Nakarating kami sa isang Resto. Tignan mo tong mga to kakain lang pala sinama pa ko. Bumaba na kami at pumasok sa resto, agad din naman silang umorder ng kakainin.

"So.... Anong meron" nagaalangan kong sambit.

"We just want to know you" sabi ni Siena.

"Edi dapat nagsearch ka na lang about sakin, tss" masungit na saad ko

"Sungit" sabi naman ni Gale

Dumating ang inorder nilang pagkain at nagsimula na kaming kumaen, yes kami patay gutom yata ko hehehhe. Nagkwentuhan lamang sila hindi ako nakikisawsaw kase di ko naman sila kaclose. Pagtapos kumain ay hinatid din naman nila ko sa bahay namin at agad umalis.

What was that? anong meron at ganun sila sakin. Pumasok ako sa bahay at nadatnan ang parents ko sa living room. Nagmano ako sa kanila bilang paggalang.

"I just want to remind you about the dinner this sunday" tumango na lamang ako dito at dumiretso na sa kwarto, pagod na pagod ako at hindi na ko nakapagbihis dahil antok na antok na ko.

Inferior UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon