Chapter 16

1.7K 41 1
                                    

Ngayon ko planong sagutin si Lucifer. Bakit ko pa papatagalin diba kung alam ko naman sa sarili ko na mahak ko sya at mahal nya din ako.

Oo nga pala hanggang ngayon hindi ko pa rin sinasabi sa mga kaibigan ko na kapatid ko si Dylan, tanging D6 lang ang nakakaalam.

Kaya siguro masasamang titig ang pinupukol nila sakin tuwing nakikita nila akong kasama si Dylan.

"Kuya" masayang bati ko dito.

"What's up?" anito.

"Plano ko na ngayon sagutin si Lennox" I smiled. "It's that okay to you?"

"Ofcourse, as long as you're happy" He also smiled at me.

He kissed my forehead at hug me.

Sabay na kaming pumasok sa school. Hindi sya dito nakatira pumupunta punta lang sya dito kapag trip nya. Welcome na welcome naman sya dito sa bahay namin. Gusto nga nila mommy na dito na sya tumira kaso tumangi sya. Sabagay may sarili naman syang condo.

Hinatid nya ko sa room namin at agad din namang umalis pagkatapos akong i-kiss sa noo.

Naupo na ko sa upuan ko, wala pa yung katabi kong mokong.

Pansin ko naman na lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin ng masama pati na rin ang ibang myembro ng L6. Ipinagkibit balikat ko na lamang ito dahil naiintindihan ko naman ang pinanghuhugutan nila.

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang teacher namin ngunit hanggang ngayon ay wala pa din si Lennox.

Lumipas ang maghapon ngunit walang dumating na Lennox. Nagtataka naman ako dahil wala itong sinabi sakin na pupuntahan nya.

Uwian na at nagaabang na sakin si Dylan sa labas ng room. Hanggang ngayon ay di pa rin ako pinapansin ng L6. Absent si City panigurado magagalit din yun sakin dahil lagi kong kasama si Dylan. Hayss.

"Kamusta?" sabi ni Dylan.

"Ayun absent sya, sayang hays" ginulo nito ang buhok ko.

"Okay lang yan may bukas pa naman. Sama ka na lang sakin sa condo, pagluluto kita"

"Talaga?" tumango naman ito.

Hindi ko alam na marunong pala itong magluto kaya naman tuwang tuwa ako dahil ipagluluto nya daw ako.

Dumiretso kami sa condo nya, tinignan ko ang kabuuan ng condo nito.

Di ko aakalain na kalalaking tao ni kuya pero ang linis linis ng buong condo nya. Kadalasan kasi kapag lalaki makalat.

Tinignan ko ang mga picture sa may cabinet. May picture ang buong D6 dito halata mo sa mga mukha nila ang kasiyahan. Mayroon din picture naming buong pamilya, eto yung nagdinner kami sa Tagaytay, nagpapicture kasi kami bago nila sabihin na kapatid ko sya. Mayroon din akong picture dito magisa. Mayroon ding picture na may kasama syang babae, nakaakbay sya rito at naka peace naman ang babae.

Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si Dylan.

"Sino sya?" I asked him.

He smiled.

"She's Kimberly Ramirez, my first love"

"Where is she? i want to meet her"

"I don't know" malungkot na saad nito. I tapped his shoulder.

"Halika, papanoorin kitang magluto" sabi ko para maiba ang topic namin.

He smiled at me. Dumiretso kami sa kusina. Pinanuod ko lamang itong magluto ng chicken curry, that's my favorite.

We ate dinner together. Umuulan sa labas kaya delikado kaoag hinatid nya pa ko dahil madulas ang kalsada.

I texted mom and dad that im here at the condo of kuya Dylan and i am going to sleep here. They agreed naman kase kasama ko si Dylan.

Dalawa naman ang kwarto dito ni kuya kaya okay lang.

Maaga na lang kaming pupunta sa bahay bukas dahil nandun ang spare ng uniform ko, hindi kasi ako marunong maglaba.

Nag-movie marathon kaming dalawa dahil wala na kaming magawa at pareho kaming di pa dinadalaw ng antok.

12 am na kami natapos manuod. Bagsak ako sa higaan dahil sa sobrang antok. Hindi naman nagtagal ay nakatulog na ko.

KINABUKASAN maaga kaming umalis ni kuya para pumunta sa bahay. Nakaligo at nakakain na ko kaya magpapalit na lang ako ng damit.

Pagkarating sa bahay ay agad akonng dumiretso sa kwarto ko upang magpalit ng damit.

I also checked my phone pero wala paring text mula kay Lennox.

Bumaba na ko at naabutan ko sila daddy na kakwentuhan si Dylan.

I kissed mommy and daddy sa cheeks at nagpaalam na papasok na kami ni Dylan.

Inferior UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon