Kagaya nga nang napag usapan kahapon, maguusap kami ni Dylan ngunit pinatawag ang lahat ng estudyante patungo sa gymnasium utos daw ng may ari ng school.
Bakas sa mga mukha ng estudyante ang takot dahil sa biglaang pagpapatawag.
"Anong meron?" tanong ko sa isang singkit na babae.
"Bago ka dito? " tumango naman ako.
"Kapag nagpapatawag ng ganto ang may-ari ibig sabihin may ipapagawa nanaman sya sa mga estudyante." sabi nito.
"Huh? hindi ko maintindihan" naguguluhang saad ko.
"Kapag may napapanuod ang may ari na yan ang gagawin nya isasara nya ang buong school at ipapatawag lahat ng estudyante, ipapagawa nya sa mga estudyante ang mga napanuod nya at kapag hindi sumunod ang mga ito bigla na lamang nawawala ang mga estudyanteng ito" kabadong sambit nito.
Naguguluhan pa rin ako pero nanahimik na lang dahil umakyat na ang may ari sa stage.
"Good day everyone, siguro naman ay alam nyo na kung bakit ko kayo pinatawag..." bulong bulungan ng mga estudyante ang nangingibabaw halatang kinakabahan na ang mga ito.
"Alam nyo naman siguro ang palabas na The Purge hindi ba? magpapadala ako ng mga tauhan dito upang kayo ay hanapin, at ang hindi makaligtas siguradong mamamatay Bwahahahhahahaha" nakakakilabot ang tawa nito, karamihan sa mga estudyante ay nagiiyakan na.
Hindi ako makapaniwalang kayang gawin ito ng may ari ng school napaka- walang puso nito.
"Pagdating ng alas-kwatro ng hapon magsisimula ang ating munting laro kaya maghanda na kayo" nakangising saad nito at saka bumaba na ng stage.
Bakas sa mga estudyante ang labis na takot, maski ako aaminin ko na kinakabahan na ako.
Paglabas ko ng gym ay nakita ko si City kasama ang L6, sa kabilang banda naman ay nandun ang D6. Lumapit muna ako kay City upang yakapin ito.
"Elaila.... sama tayo sa L6. Natatakot ako, andito naman sila para protektahan tayo" takot na takot na sabi ni City.
I smiled at her, sinabi ko rito na pupuntahan ko lang muna ang D6. Kitang kita ang pag protesta ng L6 ngunit wala silang nagawa ng talikuran ko sila.
Lumapit ako kay Dylan, dumiretso kami sa isang bench at agad itong nagsorry sa mga nagawa nya sakin. Pinatawad ko naman agad ito dahil deserve nya naman 'to. We hugged each other sign na okay na kami, sabi pa nya ay kuya daw ang itawag ko sa kanya dahil mas matanda sya sakin ngunit hindi ako pumayag at wala naman syang nagawa.
"Sumama ka na muna sa L6, mas mababantayan ka nila" ngumiti ito at ginula ang buhok ko.
"Pero paano kayo?" nagaalalang sabi ko dito.
"Kaya namin ang sarili namin, wag kang magalala maiingat ako, magingat ka din lil sis" niyakap ko ito at nagpaalam na para puntahan sila City.
Dumiretso kami sa isang classroom, Ang L6 daw ang nag mamay ari nito. Kompleto ito sa gamit parang bahay lang. Ang yaman naman nila nakapagpagawa ng mini bahay sa loob ng school.
Makulimlim ang langit mukang uulan pa, ayoko sa lahat ay ulan. Ang ulan kasi para sakin ay kalungkutan kaya ayoko ng umuulan. Agad naman kumulog ang langit at napatili ako ng sobra.
Tawanan naman ang mga kasama ko maliban kay Lennox.
"Okay lang yan Elaila, kasama mo naman kami pffft" natatawang sambit ng bestfriend ko, inirapan ko lamang ito.
"Alas kwatro na....." bulong ni Siena.
Umuulan na sa labas, masyadong malakas ito kaya madilim ang paligid parang bagyo. Namatay naman bigla ang ilaw. Agad namang may nagtilian sa labas ng silid na kinaroroonan namin. Siguro nagsisimula na ang pesteng laro ng may ari ng school.
Biglang may kumatok sa pintuan, agad naman akong ginapangan ng kaba. Walang nagbalak na magbukas ng pinto, bigla naman itong kinalampag ng tao sa labas, titili na dapat ako pero agad tinakpan ni Lennox ito. Sinenyasan nya ang mga kasama namin upang magtago.
Magkasama si City at Maron na nagtago sa cabinet. Si Siena at Gale naman ay nagtago sa kusina ewan ko kung san sila makakapagtago dun. Si Alysa at Chester naman ay nagtago sa likod ng aparador. Hinila naman ako ni Lennox sa isang maliit na cabinet din. Buti na lang at nagkasya kami dito.
Bumukas ang pinto, hudyat na nakapasok na ang kung sino mang kumakalampag sa pinto kanina.
Naririnig ko pa ang mga yapak nito na naglilibot sa buong silid. Nangingilid na ang luha ko dahil sa sobrang takot.
Alam kong ramdam ni lennox ang sobrang takot ko dahil magkadikit lamang kami dahil maliit ang espasyo ng pinagtataguan namin. May munting liwanag ang nakakapasok sa cabinet.
Bakas sa mukha nito ang pagaalala sakin. He hugged me and kissed my forehead para siguro kumalma ako. Parang biglang naglaho ng parang bula ang inis ko dito dahil sa pagsuntok nya sa kapatid ko.
"Everything's gonna be alright, trust me just keep quiet" mahinang bulong nito sakin.
Kumidlat sa labas, titili na dapat ako ng bigla akong halikan nito. He kissed me.... my first kiss. Nakuha nya ang first kiss ko. Nanlaki ang mga mata ko at tila nabato sa kinatatayuan.
"Im sorry, its for making you shut your mouth" bulong nito sakin. Speechless pa rin ako.
Hindi pa rin kami lumalabas sa tinataguan namin dahil baka nandyan pa sila. He glanced at his smart watch, its already 6 pm dalawang oras na kaming nagtatago dito.
Rinig na rinig pa din ang tilian ng mga estudyante sa labas kaya hindi na kami nagbalak na umalis sa aming pwesto.
Ilang minuto pa ang lumipas ng may kumatok sa pinagtataguan namin, kinabahan naman ako pero agad din nawala nung nagsalita ang kung sino mang kumatok.
"Labas na, wala na sila" boses ni Gale yun.
Lumabas na nga kami sa tinataguan namin agad ko namang yinakap si City. Mabuti na lang at ayos lang din sya.
BINABASA MO ANG
Inferior University
Mistério / SuspenseThis story is all about a girl who enter a high ranking school but low on student attitude, she meets unexpectable people which happens to be her friends through up and downs. Find the right love to a gangster who is willing to protect her no matter...