Chapter 7

2.4K 61 0
                                        

Busy ang halos lahat ng tao pagpasok ko sa gate ng school, ngayon nga pala yung club day. Dito mamimili kami kung anong gustong club ang salihan namin, Agad ko namang nakita si City at lumapit dun. I missed her.

Naglalakad lakad kami para maghanap ng magandang club na sasalihan. Nasalubong namin ang L6 na magkakasama pero hindi nila kami napansin, laking tuwa ko naman dahil walang eepal sa araw ko ngayon.

Tumingin tingin pa kami ni City pero wala pa din kaming napipili, umupo kami sa bench upang magpahinga, kwento sya ng kwento about sa family bonding nila nung absent sya, im happy for her kase lagi nyang kasama parent nya pero ako? nevermind

Biglang may bumato sakin ng papel, nagpalinga linga ko naghahangad na makita kung sinong nagbato nun. Nagkibit balikat na lang kami ni City pero napansin ko na may nakasulat sa papel

"Rooftop. 4 pm" mahinang basa ko dito, busy si City kaya siguro hindi nya ko narinig. Nagtataka naman ako kung kanino galing itong sulat.

Biglang may dumaang grupo ng kalalakihan, sinipulan kami ng mga ito dahilan upang mainis kami. Ayaw na ayaw namin na binabastos kami, biglang lumapit ang mga lalaki sa gawi namin.

"Hi miss"
"Ang sexy nyo naman"
"Ang kinis shet"

Sabi ng mga lalaki kaya ako nailang, never in my dreams na makakaranas ako ng ganito. Mataray at palaban man ako pero babae pa din ako, may kinakatakutan at isa na ito.

Alam ni City na takot ako sa ganito, pag binabastos ako dati si City lagi ang nagtatanggol sakin. Namutla ako nung hawakan ako ng isang lalaki at agad naman tinampal si City ang kamay nito.

"Back off" mataray na saad ni City at agad akong hinila palayo doon, ngunit nagulat ako nung bigla kaming pinalibutan ng mga lalaki, lalo akong namutla aa pangyayari.

Hindi na ba ko mauubusan ng problema dito sa paaralang ito? Lagi na lang akong nasasangkot sa gulo.

Hinawakan kami ng mga lalaki, masyado silang malakas kaya hindi kami makatakas sa kanila. Hinila nila kami patungo sa likod ng isang building, halakhakan ang mga ito dahil sa ginagawa nila.

Nagsimula ng magtubig ang mga mata ko dahil sa sobrang takot. Nakitang kong nagaalala na si City sa akin kaya naman pinipilit nyang makawala sa hawak ng mga lalaki.

"Mukang masarap to mga 'tol"
"Isa isa lang ha"

Shit. tuluyan ng tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, minsan lang ako umiyak at sa ganitong pagkakataon pa. Sigaw ng sigaw si City upang humingi ng tulong ngunit malabong may makarinig samin dahil masyadong tago ang lugar na pinagdalhan samin.

Sinubukan akong halikan ng isang lalaki habang hawak naman ako ng dalawa. Todo iwas naman ako dahil diring diri at takot na takot na ko. Ganun din ang ginagawa nila kay City na umiiyak na din.

"H-help-p" mahinang sambit ko sakto naman na dumating ang mga lalaking myembro ng L6. Di ko alam kung san sila galing pero nagpapasalamat na din ako at dumating sila.

Natigil ang mga lalaki at napatingin sa mga ito.

"Lennox samin na itong mga 'to, wag na kayong sumawsaw" natatawang sambit ng isang lalaki kaya lalong dumilim ang mga tingin nito sa kanila.

Agad namang pinagsusuntok nila Gale, Maron, Chester at Lennox ang mga lalaki, dahil na din siguro sa takot sa grupo nagsitakbuhan ang ibang mga lalaki. Apat na lalaki ang naiwan dito, yung isang humawak kay City at muntikan ng humalik, ganun din sakin.

Galit na galit sila lalo na Lennox at Maron, agad nilang pinagsusuntok ng wala awa ang apat na lalaki, bugbog sarado ang mga ito ng tigilan nila.

Hindi na ko makahinga dahil sa sobrang pag iyak kaya napaupo na lang ako sa lupa.Si City naman ay humihikbi pa din pero halatang alalang alala ito sakin. Lumapit ang mga lalaki samin at agad naman akong itinuro ni City, telling them that i need more attention than her because i can't breathe anymore.

Agad namang lumapit sakin si Lennox at binuhat ako, iniwan namin sila doon. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, iyak pa din ako ng iyak dahil sa nangyari.

Pumunta kami sa rooftop at binaba nya ko sa upuan. Binigyan nya ko ng tubig upang kumalma ako, pero dahil sa sobrang takot hindi ko mapigilang humikbi.

"Shhh, Stop crying. Im here" sabay halik nito sa noo ko.

Nagtagal kami sa rooftop hanggang sa tumigil na ko sa pag iyak.

"Don't worry about those bastard, kami na ang bahala sa kanila." marahang sabi nito sakin, tumango lamang ako rito.

Pumunta kami ng cafeteria, nandun na ang mga kaibigan nya at bestfriend ko. Agad akong lumapit kay City upang yakapin ito. Nagalala ako ng sobra sa kanya.

"Okay ka na?" tanong nito saken at nginitian ko lamang ito assuring her that im already okay.

We ate at silence dahil siguro din sa nangyari kanina. Nakatitig lamang sakin si Lennox bakas pa din ang pagaalala. Bakit ba sya ganyan? kinikilig tuloy ako.

"Are you sure you're already okay future girlfriend" saad ni Chester.

Sinamaan naman ito ng tingin ni Lennox pero nag peace sign lang si Chester sa kanya.

Tango lang ang naisagot ko.

Pagtapos kumain ay nagpasundo na ko sa driver ko, ayoko munang pumasok ngayon at naiintindihan naman nila ko, hinatid nila ko sa labas ng school upang antayin ang driver ko.

Bigla akong hinila ni Lennox para yakapin. Nagsiiwasan naman ng tingin ang mga kasama namin. Kunwaring naubo naman si Gale at Chester. Nagpipigil naman ng ngiti ang mga babae. Enebe kinikilig ako

"Take care always princess" saad nito sakin. I smiled at him.

Dumating na ang driver ko kaya nagpaalam na ko sa mga kaibigan ko. Pagdating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto upang mahiga.

Bakit kaya ganun sakin si Lennox? Gusto nya ba ko? Oh gahd stop being assuming Elaila, iyong mayabang na yun magkakagusto sayo? maybe ganun lang talaga sila sa mga nangangailangan ng tulong.. Nababaliw na ko kakaisip kung ano ba tong nararamdaman ko.

Inferior UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon