Chapter 11

2K 56 0
                                    

Nagpasya kaming humanap ng daan para makalabas sa pesteng school na 'to. Siniguro muna ng mga lalaki na ligtas na ang corridor na dadaanan namin bago kami umalis.

Habang naglalakad sa corridor ay nakarinig kami ng mga yabag ng sapatos. Nagtago naman kami sa mga gilid gilid upang hindi mahalata. Naaninag ko si Kuya Dylan at ang mga kagrupo nito. Dali dali naman akong tumakbo rito upang mayakap ito. Natutuwa naman ako dahil ligtas sila.

Napatingin kaming lahat kay Lennox dahil padabog itong tumalikod at naglakad palayo samin. Anong problema ng isang yun? Alam nya naman na delikado pero humiwalay pa rin sya samin.

Tumingin naman ako kay Dylan upang magpaalam na susundan ko si Lennox.

"Basta magiingat ka" sabi nito, tumango naman ako at agad sinundan si Lennox. Kampante naman ako na safe sila dahil poprotektahan naman nila ang isat isa.

Medyo malayo ang agwat ni Lennox sakin kaya tumakbo na ko para mahabol ko ito.

"Lennox wait lang" sigaw ko pero di ako pinansin nito.

Kahit basa ang sahig dahil sa ulan ay dali dali ko pa rin itong hinabol, ngunit isang maling tapak ko ay natapilok ako. Malakas ang pagkakabagsak ko kaya sobrang sakit ng paa ko.

"Lennox" umiiyak na saad ko. Agad naman ako nitong hinarap at dinaluhan.

"You're so clumsy" cold na sabi nito. Ano bang ikinagagalit nitong lucifer na to. Tss.

Nakarinig kami ng mga yabag ng sapatos, mga nagtatawanang malalaking boses ng lalaki.

Binuhat ako ni Lennox dahil hindi ko kayang tumayo.

Nagtago kami sa ilalim ng hagdan.

May dalang ibat ibang armas ang mga lalaking dumaan. Nagpalinga linga ang mga ito tila may hinahanap.... nahahanap ng mabibiktima. Di naman nagtagal ay umalis rin ang mga ito.

"Masakit pa ba?" cold pa ding tanong ng kasama ko, tumango lamang ako. Pinaupo nya ko sa sahig at agad hinilot ang paa kong natapilok. Mangiyak ngiyak naman ako sakit dahil napasama yata ang pagkatapilok ko.

He glanced at his watch and so i am. It's already 8 pm bukas pa ng alas singko matatapos ang pesteng larong ito. Mahaba habang oras pa ang kailangan naming malagpasan.

"Im sorry" bulong nito.

"For what?" hindi naman ito sumagot.

Gustong gusto ko ng magpahinga, medyo inaantok na din ako pero kaylangang labanan dahil mamaya baka nandyan na pala yung mga lalaki na pumpatay.

Humikab ako at napansin naman ito ni Lennox. Tumabi sya ng upo sakin. Tinapik nya ang balik nya...

"Matulog ka muna, alam kong pagod ka na" cold na sabi nito.

Ginawa ko naman ang gusto nyang mangyari.

Nagising na lang ako ng medyo nangawit na ko sa pwesto ko.

"What time is it?" I asked him.

"1 am" matagal din pala ang tulog ko mabuti na lang at di pa rin kami nahuhuli ng mga killer.

Pinakiramdaman ko ang paa ko at sa tingin ko naman ay makakalakad na ko.

"Hanapin na natin sila Dylan" saad ko.

"Tss" nagagalit nanaman sya sakin, wala naman akong ginagawang masama. Tinulungan naman ako nitong makatayo, naninimbang kung kaya ko na ba talaga.

Dugo....

Puro dugo ang buong corridor, maalisang sang ang amoy nito. Nagkalat din ang mga bangkay ng mga estudyante. Nagsimula ng magtubig ang mga mata ko. Naawa ako sa kanila at sa mga magulang nila.

Dahil sa kagaguhan ng may ari maraming nawalan ng buhay, dapat ay mapakulong na ito.

Dahan dahan lang ang lakad namin dahil baka may nagtatago pa lang killer sa daan. Maingat ang lakad namin upang di makagawa ng ingay.

Lakad dito, lakad doon hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nakikita ang mga kasama namin. Sana naman ay ligtas sila.

Hinila ako ni Lennox nung may mga lalaking nagtatawan kaming narinig. Nagtago kami sa likod ng pintuan, siksikan man kami ay kailangan magtiis.

Ngunit wala yata ang swerte samin ngayon dahil nakita kami ng isa sa kanila. No choice kami kaya tumakbo na kami hinabol naman kami ng mga ito. Mabuti na lang at wala silang dalang baril kung hindi malamang umaagos na ang mga dugo namin dito.

Takbo lang kami ng takbo hanggang sa makarating sa kakahuyan sa likod ng school. Mabuti na lang at nawala na ang mga humahabol samin. Siguro'y nakakita ng panibagong bibiktimahin.

Hawak ni Lennox ang kamay ko habang naglalakad kami sa kakahuyan, hindi naman ako nagreklamo dahil masyadong madilim baka mawala ako.

Dirediretso lamang ang lakad namin hindi alam kung saan patutungo.

"Lennox" lumingon naman ito sakin

"Hmmm?"

"Yung about kanina, yung k-kiss...." nahihiyang sabi ko. Hindi naman ako nito sinagot kaya hindi ko na lang ituloy ang sasabihin ko.

Nangangawit na ang paa ko dahil mahigit isang oras na yata kaming naglalakad dito sa kakahuyan, ramdam ko din ang sakit ng binti ko siguro'y marami na akong sugat dahil sa mga sanga sangang nakakalat.

3 am na....

Ilang oras na lang at matatapos na ang pesteng larong 'to. Sana naman ay ayos lang yung iba, sana maraming makaligtas.

Napagpasyahan naming magpahinga muna.

Umupo ako sa ilalim ng puno tumabi naman sakin ang kasama ko. Tahimik lamang ako dahil sa sobrang pagod at medyo nahihilo ako.

"Elaila....." biglang sabi ni Lennox, hindi naman ako sumagot.

"About the kiss earlier. Im so sorry i only do that para hindi ka makagawa ng ingay and..... i also do that because i can't help it" nanlaki ang mga mata ko.

"You can't help it. Kinuha mo yung first kiss ko dahil lang dun. Bullshit" inis na sabi ko.

"Watch your mouth, ayaw ko sa babaing nagmumura"

"Sinabi ko bang gustuhin mo ko" irap ko.

Para siguro kaming baliw kung may makakakita samin. Alam mo yun nagkakapatayan na at lahat lahat pero nakuha pa rin nyang dumamoves.

"No pero sana hayaan mo lang akong gustuhin ka" speechless ako.

Bakit ganun sya yung tipo ng taong pag titignan mo matatakot ka na lang kase sa sobrang seryoso, may aura itong nakakatakot pero sweet din naman pala sa kaloob-looban.

Hindi ko na lamang ito pinansin pero deep inside kinikilig ako.

Para talaga kaming baliw, patayan na pero kami eto pacheesy cheesy lang. Hays.

Inferior UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon