Chapter 8

2.2K 59 4
                                    

Dalawang araw akong hindi pumasok sa eskwelahan dahil natatakot pa rin ako sa nangyari nung nakaraan, text ng text sakin si City ngunit hindi ko ito nirereplyan. Hindi ko alam kung handa na ba akong pumasok, aaminin ko makakita lang ako ng lalaki feeling ko gagawan din nila ko ng masama.

May trauma na yata ako.

Kahit ayaw ko pinilit ko pa ding pumasok dahil napagiiwanan na ko sa nga lessons. Lumabas ako ng bahay para magpahatid na sa driver ko papuntang school. Sasakay na dapat ako ngunit may nakaparadang BMW nanaman sa labas, dumiretso ako sa sasakyan namin at di na lang pinansin ang BMW sa labas.

Di naman nagtagal ay nakarating na ko sa school, dirediretso ang lakad ko patungo sa classroom at agad iniiwasan ang mga nakakasalubong kong lalaki.

Agad akong dinaluhan si City pagkapasok sa sa room, niyakap ako nito ng mahigpit at agad kinamusta, i said im okay but i lied. she smiled at me at saka umupo na sa kanyang upuan.

Sabay sabay dumating ang grupo ng L6 pero di ko sila pinansin. Dumating na din ang guro namin para magturo.

Tulala lang ako hanggang mag break time, inaya ako ni City pumunta sa cafeteria pero tinanggihan ko ito di naman na nya ko pinilit at umalis na lamang ito.

Magisa akong naiwan sa classroom dahil lahat ng kaklase ko ay lumabas, yumuko ako sa aking desk at unti unti nanamang tumulo ang luha ko.

Naalala ko nanaman yung nangyari sakin, samin. Sinusubukan ko namang baguhin yung sarili ko, nagpapakatino na ko pero letcheng tadhana 'to lagi na lang akong nilalapit sa gulo.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero di ko ito pinansin, paniguradong si Lennox lang 'to dahil dyan sa nakaupo.

"Such a cry baby" pangasar na sabi nito, pamilyar sakin ang boses ngunit alam kong hindi si Lennox ito.

Nagangat ako ng tingin. Si Dylan kasama ang mga kagrupo nito. Umubob ulit ako sa desk ko dahil wala kong ganang makipag bwisitan sa kanila, mukhang nabastusan naman sa ginawa ko yung isang babae kaya hinila nito ang buhok ko para tumingin sa kanila.

Dumating sa classroom ang buong L6 kasama si City, agad namang binitawan ng babae ang buhok ako. Umalis naman itong mga 'to na parang walang nangyari. Nagaalalang tumingin sakin ang grupo ng L6 maliban kay Lennox, iniwas ko ang tingin ko sa mga ito at umubob na lang ulit sa aking desk.

Natapos ang klase na walang akong pinapansin kahit isa, kahit si City. Dirediretso akong pumunta sa parking dahil nagaantay na ang driver ko dun.

Pagkauwing pagkauwi ko agad akong nagkulong sa kwarto.

Ano bang nagyayari sakin? Bakit hindi ko sila maharap katulad ng dati? Bakit hindi ako lumalaban? Bakit hinahayaan kong bastusin na lang ako ng ganito? iyak ako ng iyak sa aking kwarto, hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko.

Siguro mas mabuting layuan ko na lang ang L6, simula ng nakilala ko sila nagkanda letche letche na yung buhay ko sa pesteng school na yan. Mas mabuti siguro na kami na lang ni City ang laging magkasama.

Katulad nga ng napagdisisyunan ko, sa mga sumunod na araw ay iniwasan ko silang lahat maliban kay City. Laking tuwa ko naman ng hindi din sila lumalapit sakin.

Linggo na ngayon, at ngayon yung sinasabi ni daddy na dinner sa Tagaytay. Walang kaganagana akong sumakay sa sasakyan namin. Hindi naman na ako tinanong nila mommy kung okay lang ako, sabagay wala naman yata silang pakialam sakin.

Nakarating kami sa Tagaytay ng hindi ako umiimik. Dumiretso kami sa isang resto, nagorder sila ng mga pagkain. Napansin ko na may isang bakanteng upuan sa pwesto namin, tatanungin ko na sana sila mommy ngunit biglang may dumating na lalaki at nagmano kila mommy at daddy. Naupo ito sa bakanteng upuan.

Nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino ito.

"Ikaw"
"I-ikaw"

Sabay na banggit namin, of all people bakit sya ang ka dinner namin ngayon. Masamang tingin ang ipinukol ko dito ganun din naman ito sakin.

"Elaila meet Dylan your half-brother" tila nabingi ako sa sinabi ni daddy, half-brother. Itong lalaking to half-brother ko, hindi na ko nakapagpigil at agad nag walk-out. Hindi ko matatanggap na kapatid ko ang bwisit na yun.

Inferior UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon