Chapter 14

1.8K 45 0
                                    

Dumiretso ako sa cafeteria dahil tiyak na nandun lahat ng kaibigan namin. Tahimik namang nakasunod sakin si Lennox.

Umupo ako sa tabi ni City na busy kumain tila hindi ako napansin.

"San ka galing? bakit ang dumi ng damit mo?" tanong ni Chester.

I just shrugged. Hindi naman na ako nito kinulit.

Lennox ordered my food, libre nya siguro. I smiled at him.

Nagsimula na akong kumain dahil nagutom ako sa nangyari kanina.

Kain dito, kain doon.

Napansin ko naman na nakatingin silang lahat sakin.

"What?" I arched my brow.

"You're eating too much" saad ni Alysa.

"Care mo?" tinarayan ko ito at kumain na lang ulit. Napailing na lang ito dahil sa inasta ko.

Nagpahinga kami sa ilalim ng puno sa field pagkatapos kumain or should i say lumamon.

Nakatanaw lang ako sa malawak na field, pinagmamasdan ang mga estudyante na akala mo'y walang problema.

Hindi ko maintindihan na kahit madami ang namatay sa school na ito ay parang wala lang sa kanila.

Kapag naaalala ko ang pangyayaring iyon ay ramdam ko pa rin ang takot sa kaloob-looban ko. Trauma.

Nag-aya na silang umalis dahil ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang klase.

Naunang maglakad ang mga babae kasundo ng mga lalaki. Nagpahuli akong maglakad dahil tinatamad pa akong pumasok.

Nasa tabi ko lamang si Lennox na tahimik na naglalakad. Bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Holding hands while walking ang peg.

Agad namang uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa nito. Mabuti na lamang at nasa hulihan kami kung hindi ay makikita kami ng mga kaibigan namin.

Hindi pa nila alam na nanliligaw ito saakin.

Napaka-swerte ko dahil meron akong mga kaibigan na katulad nila, syempre swerte din ako kase meron akong manliligaw na ubod ng gwapo at sweet.

Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko noong unang buhay ko para maging ganito ako kaswerte na magkaroon ng mga kaibigan na nagmamahal sakin.

Uwian na nang nagkayayaan kami na tumambay muna sa park.

Bumili sila ng mga pagkain para kunwari ay magpipicnic daw kami. Lahat naman ay sumabay sa trip ni Maron.

Nandyan ka nanaman
bat di ko maiwasang
tumingin sayong liwanag
Nadarang nanaman sayong apoy....

"The fuck. Kindly stop the song please ang sakit sa tenga" bulyaw ni City.

Nagtawanan naman kami.

"Guys, i have to tell you something" biglang singit ni Lucifer.

Tahimik naman kaming lahat na nagaantay sa sasabihin nya.

He smiled at me.

"Im courting Elaila" he proudly said.

Naghiyawan ang mga lalaki animo'y galak na galak sa kanilang nabalitaan.

Ang mga babae naman ay tahimik lang na nakangiti sa amin.

Uminit ang pisngi ko.

"Kelan ang kasal?" eksaheradang saad ni Gale na agad binatukan ni City.

"Kasal agad? bungol ka ba? courting pa nga lang eh!" bulyaw nya rito.

Napuno ng tawanan ang buong lugar dahil sa sinabi nito.

KINABUKASAN habang naglalakad ako patungo sa classroom ay may mga nagkakagulo sa field. Dahil isa akong chismosa ay nakiusyoso ako sa mga ito.

"Anong meron?" tanong ko sa isang nerd.

"May natagpuan daw na patay"

Namutla ako dahil sa sinabi nito. Lumapit pa ako sa harapan at nakitang isa ito sa mga lalaking muntik nang humalay saamin noon ni City.

Umagos ang dugo nito sa dibdib halatang sinaksak. Nakamulat pa ang mga mata nito kaya mas lalo akong namutla.

Hindi ko na nakayaan ang pangyayari kaya dali dali akong umalis sa field.

Dumiretso ako sa classroom.

Usap usapan na ngayon sa buong school ang nangyari.

Siguro ay pakana nanaman ito ng may-ari ng school, si Mr. Ramirez.

Akala ko ay hindi na mauulit ang mga pangyayaring ganito, ngunit mali ako.

Maling mali.....

Inferior UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon