Tatlong araw akong nagkulong sa kwarto ko simula nang pangyayaring iyon. Hindi ko pa din matanggap na kadugo ko ang pesteng Dylan na yun. Hindi ko din pinapansin ang parents ko dahil masama ang loob ko sa kanila. Paano kaya natanggap ni mommy na may anak si daddy sa ibang babae, siguro kaya lagi silang nag aaway dahil dun.
Nagpasya na akong pumasok dahil madami na akong absent sa school, kahit Grade 11 pa lang ako ngayon kailangan ko ng mag aral ng mabuti para di ako kawawa sa future.
Pagdating ko sa classroom agad hinanap ng mga mata ko si City ngunit absent ito. Katulad ng dati wala akong pinapansin kahit isa.
Nung nag break time naman ay dumiretso lang ako sa field para maupo sa bench dun at makapag- muni muni. Bigla namang umupo si Dylan sa tabi ko. Tahimik lang kaming dalawa at tila walang gustong magsimula ng usapan. Pagtapos ng breaktime ay pumunta na ko ng classroom ngunit nakasunod pa din sakin si Dylan, hindi ko na lamang ito pinansin.
Bagot na bagot ako dahil ang tagal matapos ng last subject namin, gusto ko ng umuwi.
Hindi naman nagtagal ay nag ring na ang bell, inantay ko munang makalabas ang lahat ng kaklase ko bago ako nagayos ng gamit ko. Pagkababa ko ng building namin ay nagulat ako ng ang daming estudyante ang nagtatakbuhan, may nakabungo pa nga sakin eh. At dahil masyado akong curious sinundan ko ang mga ito, dumiretso sila sa likod ng building namin at sumunod naman ako.
Nadatnan ko ang kumpol ng mga estudyante, nagtanong ako sa isang babae kung anong meron sumagot naman ito na nagsusuntukan daw ang dalawang leader ng sikat na grupo dito. Ang L6 at D6, ibig sabihin si Lennox at Dylan. Agad naman akong nakipagsiksikan sa mga nakaharang na estudyante, nagaalala ako para kay Dylan. Galit man ako dito hindi ko pa rin maiiwasan na magalala dahil kapatid ko ito.
Pagkarating ko sa harapan agad akong humarang ng susuntukin dapat ulit ni Lennox si Dylan.
"Tama na..." agad ko namang tinignan si Dylan at nakitang putok na ang labi nito. Gulat na huminto si Lennox dahil sa biglang pagsulpot ko.
"What are you doing here?" tanong sakin nito, ngunit hindi ko ito pinansin at agad inalalayan si Dylan upang makaalis na kami sa lugar na ito.
Tinulungan naman akong umalalay ng ibang myembro ng D6 siguro nasabi na sa kanila ni Dylan na kapatidki nya ko. Bigla namang may humigit sa kin at dinala ako patungo sa rooftop.
"Ano ba!" galit na singhal ko dito.
"What was that?" inis din na singhal nito sakin.
"Tinutulangan ko lang si Dylan, anong masama dun?" nakitaan ko ng bahagyang sakit ang mga mata nito.
"Why are you helping him? He's an asshole for gods sake Elaila" galit na galit na paliwanag ni Lennox sakin.
"I know, at ano bang pakialam mo sa mga ginagawa ko ha!"
"Anong pakialam ko? nagpapatawa ka ba? Ofcourse i care sa lahat ng mga ginagawa mo, sa mga nangyayari sayo, sayo mismo. I always care for you my princess" saad nito.
"And why do you care for me? hindi naman kita kaano-ano? at mas lalong hindi naman kita kaibigan" sagot ko.
"Because I like you Elaila, I like you my princess" Gulat ako ng banggitin nya ito, He like me...... Gusto nya ko... but why? why does he like me? Halos isang buwan pa lang niya kong kilala tapos sasabihin nya na gusto nya ko, nagpapatawa ba 'to. Kung nagbibiro ito pwes ako hindi.
"Guess what? i dont like you" sabi ko dito at agad tinalikuran upang makauwi na. Paniguradong hinatid na si Dylan ng mga kaibigan nya kaya di ko na ito inalala.
Pagkauwi ko ng bahay kagaya ng dati hindi ko pa din kinikibo ang mga magulang ko, nagpahatid ako ng dinner sa kwarto ko dahil ayoko silang makasabay kumain.
Nagring ang phone ko, may tumatawag na unknown number, hindi ko ito sinagot pero nagtext ito na sya daw si Dylan. Tumawag ulit ito sa pangalawang pagkakataon at duon ko na ito sinagot.
"Hello"
"It's me Dylan, Can i talk to you tomorrow?" sabi nito.
"Yeah sure" agad ko namang pinatay ang tawag. Siguro ay magpapasalamat ito dahil sa ginawa ko kanina, pumayag ako dahil sa tingin ko handa na akong makilala ang half-brother ko.
BINABASA MO ANG
Inferior University
Mystery / ThrillerThis story is all about a girl who enter a high ranking school but low on student attitude, she meets unexpectable people which happens to be her friends through up and downs. Find the right love to a gangster who is willing to protect her no matter...